#MedyoPahiya

101 10 23
                                    

Isang umaga, tanghali na ako nagising.

Umaga tapos tanghali? Basta mga 8am na 'yon.

POT POT POT!

Minulat mulat ko ang mga mata ko dahil sa tunog na 'yon.

"M! May basura. Toka mo na." Boses ni Tita

"Si kuya na lang muna, ta." - sabi ko sabay kusot ng mata.

"Pasok na ako ng trabaho. Ingat sa'kin. Ba-bye." - Kuya

Narinig kong bumukas at sumara ang gate namin. Umalis na nga talaga. Kainis talaga 'to si kuya. Hindi pa sinabay 'yong basura.

"Humigop ka na muna rito ng kape at itapon na ang basura." - Tita

Bumangon ako. *kamot ulo*

Hindi na ako nag abalang magsuklay at magsalamin. Magsuklay naman kasi o hindi, ganun pa rin buhok ko kaya itinali ko na lang pataas.

Pagkahigop ng kape, kinuha ko na 'yong mga basura at lumabas na ng bahay.

Pero huli na ng maalala ko na hindi pa nga pala ako naghihilamos at nagtotoothbrush. Panigurado ang laki ng eye bags ko dahil napuyat ako kapapanood ng Game of Thrones.

Nakabalik naman ako agad pagkabigay ng basura sa kumokolekta at makipagngitian sa mga nakasalubong sa daan. Pagkatapos nag almusal na ako.

Paglapag ng hugasin sa lababo, nandun pa 'yong ibang hugasin. Hinugasan ko nga.

"M, ang sipag ah." Kantyaw ni Tita

"Syempre po, ta!" Sakay ko naman.

"Nakuu. Tumigil."

"Opo, ta."

Opo, ta? Parang mura. Hahaha!

Minsan naman kasi masipag ako eh. Madalas lang talaga na hindi. Mehehe

Matapos maghugas naisipan ko magpintura ng grills namin sa labas.

Sakto kasing sinisipag ako. Hindi naman ako pinigilan ni Tita. Benefit of the doubt.

Nakakangalay magpintura. Sawsaw, pahid. Sawsaw, pahid.

"Hello" bati ng cute at maliit na tinig.

Nilingon ko ang nag Hello. Si Gwen. Ang batang 3 yrs old sa tapat ng bahay namin.

"Anong ginagawa mo?" Tanong niya ng diretso.

Ito kasing si Gwen. Magaling na bata. Hindi siya buyoy at sa edad niya, perfect na perfect niyang naaawit ang Alphabet song. Kapag pinatukoy mo ang mga letra, alam niya. Yakang yaka rin niya ang magbilang hanggang 15. Natutukoy din niya ang primary colors at secondary colors. Bright kid.

"Nagpipintura."

"Nagppainting ka? Bakit?"

"Painting? Oo. Art class kasi to o kaya hobby ko talaga magpaint. Ito 'yong pinipaint ko oh, grills ng bintana namin. Ang gandang PAINTING diba?" -_-

Yan sana sasabihin ko dahil parang nakakatuwa mangbara. Pero bata nga pala 'tong si Gwen. Kailangan magpaliwanag.

"Oo nagpipintura ako. Pintura na lang gamitin nating salita, Baby Gwen. Mahihirapan tayong dalawa." Tatawa tawa kong sabi.

"Bakit ka nagpipintura?"

"Para maganda tingnan."

"Ah. Saan 'yong maganda?"

"Ito oh." *turo sa mukha ko*

Natigilan siya sandali at nakita kong kumunot ang noo niya. 'Yon bang biglang nayamot.

"Hindiii. Sa pinipintura mo ate M."

Inalis ko ang kamay kong nakaturo sa mukha ko.

"Ah Oo." *kamot ulo*

Dumaldal pa si Gwen ng marami pero nagpatuloy na lang ako sa pagpipintura. Bahala na muna siya dyan.

------

#MedyoPahiya Huhuhu T_T

Ang hard ni baby Gwen sa akin. HAHA :D

Mga Kawirduhan Ni WeirdieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon