Limot Kalimot

113 8 34
                                    

Ika-labinwalong araw ng Disyembre.

-----

Nitong nakaraang mga linggo, napadadalas ang aking pagmumunimuni.

'Yon bang nakaharap lang sa mahangin na bintana habang nakatulala sa kawalan. Sinasayaw din ng hangin ang buhok at malayang salo ng mga palad ang ulo.

Ngunit hindi kasing payapang pagmasdan ang scenario sa nilalaman at tinatakbo ng aking utak.

May mga masasayang pangyayari na dadaan na tila mabilis na bulalakaw sa memorya ko kaya bigla na lang akong mangingiti. Muntanga.

Tulad na lang nang nagawa kong mapatawa ang kras kong si Kuya Ysrael. Yieeh kilig. Natawa siya sa akin dahil nadapa ako sa basketball court habang nagbabasketball. Sakto pa na siya ang commentator. Rinig ko ang lakas ng tawa niya mula sa mikropono. Natuwa naman ako nung binaggit niya ang buo kong pangalan. Okay lang. Kras ko naman.

Ay iba na ituu. XD

May mga di masasaya rin na pangyayari na madalas na naiisip ko. Habang feel na feel ko ang hangin, mararamdaman ko na lang na lumalabo ang aking paningin at lilinaw na lang muli kapag bumagsak na ang dahilan ng paglabo. Uuuhhh. Ang drama. Haha. Biro lang.

Ang mga malulungkot na pangyayari sa buhay ko ay dali dali kong nakakalimutan kaya lagi akong masaya. Hindi ko alam kung kinakalimutan ko talaga o sadyang may something sa utak ko na kapag hindi nito gustong matandaan, hindi talaga nito ireretain sa sistema nito.

Sa pagmumuni muni ko, naisip ko na kahit papaano, mabuti rin ang dulot ng paglimot ko (sadya man o hindi) sa emosyong madalas maramdaman ng lahat kasi bihira lang ako malungkot at magdrama. Ang mga maliliit na bagay ay hindi ko pinalalaki at hindi ako aloof sa ibang tao dahil lang may dinaramdam ako. Masaya ang paligid ko kahit may certain na lugar na sentro ng panget na emosyon ngunit dahil nakakalimutan ko naman agad, napapathumbs up na lang ako.

Pero ang medyo negatibo sa paglimot ko sa mga bagay na gusto kong limutin ay may mga bagay ako na nalilimot na hindi ko dapat na malimot. Ang mga nangyari kahapon at kani kanina lang ay may pagkakataon na hindi ko na maalala.

Kaya mahalaga na may notebook akong maliit para doon isulat ang  importanteng mga bagay.

Your secrets are safe with me. I guarantee that. Kasi nakakalimutan ko naman.

Ayon sa mga kaklase ko, lutang ako. Sa sarili ko, hindi ako aware do'n dahil pakiramdam ko normal ang lahat ng kilos ko. Although, madalas talaga akong maraming iniisip at laging nagsspace out, wala na akong alam na iba pang dahilan.

Dahil makakalimutin at lutang ako, nakalimutan ko na nagbbertdey din pala ako. Bukas 'yon. Naalala ko lang nung tinanong ako ni kuya last two weeks ago kung ano ang handa ko. Dahil din pala sa nakakalokong pangangantyaw ng mga kolokoy kong kaibigan.

Pakiramdam ko kasi lahat ng araw ay simpleng mga araw lang. Walang espesyal at kakaiba.

Ewan ko ba sa sarili ko, minsan wala na akong pakialam sa mga bagay bagay.

Ayaw ko naman ng ganito minsan.

Paulit ulit tuloy sa utak ko ang tanong na "Bakit ako ganito?"

Haaay.

Ang important nagmamahalan ang sambayanang Pilipino at hugis dalandan ang mundo.

Makikinig na lang ako ng Thinking Out Loud ni Ed Sheeran bebe. Yay. Yieeh <3

-----

Ang gulo ko sumulat. Walang relatedness. Ang weak. Wala pang edit. Bigti.

Mga Kawirduhan Ni WeirdieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon