Pag-ibig Ni Weirdie <3

204 17 32
                                    

Paano ba umibig at ibigin ang isang Weirdie? Tunghayan.

Nakakasama ko siya palagi. Kapag nakikita ko siya, sabi ng puso ko "tibok tibok tibok." Paano naman kasing hindi ko siya makakasama at makikita, nasa iisang bubong lang kami.

Madalas akong matuwa sa kaniya dahil ramdam ko na gusto niya rin ako. Alam mo 'yong ganung feeling? Cloud 9, friend!

Pero kung gaano kadalas akong matuwa sa kanya ganun din kadalas akong mainis sa kaniya. Paano kasi, may mga pagkakataon na ang sungit sungit tapos tatarayan ako.

Minsan nga, hahawakan ko siya at yayakapin para lambingin kaso biglang aalis. Nasaan ang hustisya dun? Lalambingin lang eh. Napapahiya tuloy ako.

Naku ha. Mabuhok kaya siya. Buti nga ako ang nag iinitiate yumakap at yumapos. Ayoko ko pa naman ng nakikiliti. Harot!

Kapag maghaharutan kami nasasaktan niya pa ako. Minsan nasusugatan. Pero OKs lang.

Pero kahit ganun siya. Mahal ko siya. Alam niya kapag malungkot ako. Bigla na lang siyang tatabi at yayapos sa akin. Humihiga pa nga siya minsan sa lap ko. Ang sweet. Tapos mararamdaman ko na lang na ang gaan na ng pakiramdam ko. Uuhh <3

Minsan naman may pagka aggressive. Pagkagising ko nasa tabi ko na. Sabi ko doon siya humiga at matulog sa tulugan niya kaso minsan makulit. Pinababayaan ko na lang. Mahal ko eh.

Minsan pa, tumatae ako (pasintabi) aba nagkakatok sa pinto ng CR gamit kuko. Natakot pa nga ako nung una. Ayoko ko naman papasukin. Hindi niya ba kaya na hindi ako makita kahit saglit lang. Kinikilig tuloy ako.

Kaninang umaga lang. Naliligo ako. Kumakatok din. Pinapasok ko. Doon lang naman siya sa gilid. Behave lang siya sabi ko. Masunurin naman. Nag iingay nga lang at hindi mapakali kapag natatalsikan ng tubig. So ayun, pinalabas ko para matapos na rin ako. Nang matapos ako, aba, hinintay pala ako sa labas ng pinto. Napangiti ako. Pumunta na ako ng kwarto. After magbihis, paglabas ko, nandoon uli siya. Nakaupo. Napangiti na naman ako. Lagi siyang sumusunod at hinihintay ako.

Nararamdaman ko talaga na mahal na rin niya ako. Ang saya ko.

Nitong mga nakaraan, hindi ko na siya napapansin dahil may pasok na ako. One time, nakapasok siya sa malaking cabinet tapos nagulo niya 'yong mga damit dun. Nagalit tita ko kaya pinagalitan siya. Napalo pa nga sa pwet. Wala naman siyang imik. Nagpapapansin lang.

Haaay. Ngayon magkasama kami. Hinahaplos haplos ko ang ulo niya. In fairness, hindi siya mabaho ngayon. Naglinis mabuti. Ipinatong ko siya sa lap ko at niyakap. Hinigpitan ko para mafeel niya ang intensity ng aking pagmamahal para sa kanya. Kaso parang ayaw niya. Nagsusungit na naman. Sininghalan niya pa ako. Sabi niya,

"MEEOOOOW!"

Oo na. Sungit talaga. Amp!

Ang pag-ibig ko, si Diego. My puspin.

Bwahaha! Huhuhu. 

#Ailurophile 

#Foreveralone

---------------------------

Nakanam! Harthart. Meow!

Mga Kawirduhan Ni WeirdieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon