HB

158 14 8
                                    

Umaga ng Linggo.

Kagagaling lang ng pamilya ko sa pagsamba.

Ang tita ko rin galing sa pagsimba.

Oras na ng tanghalian. Mga ganado ang lahat. Lalo na kasi ang ulam ay pakbet. Charap charap!

Masarap kasi magluto 'yong tita ko. May edad na 67. But her age doesn't reflect on her physical attributes. She looks young in her age. Mukha lang siyang 66. Ay joke lang! Pagagalitan ako nun. Masungit pa naman -_-

Aktibong presendente ng isang grupo ng mga senior citizen sa lugar namin. Ibang klase 'to.

"Oh ito na ang mga pagkain sa lamesa. Ano pa bang hinihintay niyo, bagong taon? Malayo pa 'yon. Gusto niyo lagi na lang tinatawag. H'wag niyong pinaghihintay ang pagkain sa hapagkainan." Mahabang litanya niya.

Normal way of pakikipag usap niya yan. Natatawa na lang nga kami. Sanay na sanay na.

After kumain. Syempre nagligpitan na. At syempre, Ako na ang maghuhug- ay teka. Ako ba?

Ang mga mata nila ay napako na sa akin. Hindi ako umimik. Tinatamad pa ako, hehe. Patay malisya.

"Oh tapos na kumain. Baka hinihintay niyo pa ako na ako ang maghugas niyan ah. Umayos kayo." - Tita.

"Si M, siya raw maghuhugas." Napatingin ako kay kuya. Ako na naman nakita. Kinunutan ko nga ng noo.

Aba't nginitian lang ako ng nakakaloko. Loko talaga eh.

"Oh M. Maghugas ka naman. Wala ka namang ginagawa. Ang tamad tamad mo." -Tita

Aw. Ang sakit. Haha. Kahapon at nung isang araw ako lahat naghugas simula agahan hanggang hapunan ah. Kapag walang ginagawa, tamad agad. Huhu. Hurt si Weirdie. Chos!

Okay lang naman kaso natatamad pa me. Hehe. Habang nasa kusina kami lahat. Pinapakain at medyo hinaharot harot ko muna 'yong pusa namin. Catfood. Sosyal 'to eh. Puspin. Nabilhan siya ng catfood kasi dinudugo. Buntis. Tas biglang nangayayat. Bubuntis buntis pa kasi, hindi naman pala kaya. Naalarma naman ako. Kahit wala na me money, I bought her catfood. Ayun, ngayon ang taba samantalang ako tila tag gutom pa rin ang katawan. Wala eh. Harthart.

"Pinapakialaman mo na naman 'yang pusa, kapag nakagat ka na naman niyan, magpapainjection ka na namam. Hindi biro ginastos natin sa pagpapashot mo ah. Tumigil ka na dyan!" -Tita

Aw. Kaligayahan ko na nga lang 'to si Diego eh.

"Sundin niyo ang tita niyo." -Mama.

Siyempe naman. Labs na labs namin si Tita eh.

"Hay naku. Minsan ang kulit niyang mga yan. Lalo na 'yan si M. Laging kinakalikot 'yang pusa. NakakaHB!" -Tita

Napatigil ako, pati pala sila. HB? Nagulantang utak ko. Ngayon ko lang narinig si Tita magsalita ng shortcut.

Shems. Kailangan ko malaman kung ano 'yong HB. Naglog ang utak ko. Happy Birthday? Holy Bible? Herbert Bautista? Hukbong Batibot?

"Ano 'yong HB, tita? -hindi nakatiis na tanong ni kuya.

"Highblood." -Tita

Tanging ina! Highblood pala. Kaimbyerna.

Natawa ako. Si tita na seryoso, masungit at suplada. Ume HB HB. Oh C'mon.

"Uy M, ikaw ang marunong dito, hindi mo alam ang HB? Talo pa kita ah." -Tita

"Talo kayo sa tita niyo." -Mama

"Hanep. Bagets." -Kuya

"I surrender, Tita." -Ako.

----------

Langyang HB yan.

Mga Kawirduhan Ni WeirdieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon