Putlok

38 7 4
                                    

Putlok

May pasok sa university dahil summer class. Napakainit. Well, aside from it is taken during summer, summer class wouldn't be have "summer" word in it if students wouldn't be able to feel the hotness overload during these classes.

Simula umaga hanggang gabi, 8-6. Tagtag pero tyagaan lang at sipag. Hindi rin naman nakakatamad pumasok dahil masaya kasama ang mga kaibigan. Masaya rin dahil maraming naging kakilala sa Rizal subject.

Natapos na ang klase ko para sa araw na ito. Kapag ganitong araw rin ng Sabado, pinupuntahan ko si papa sa trabaho niya para mangamusta at holdapin s'ya. Hahaha.

Nang pauwi na kami, niyaya ko s'yang bumili ng ice cream. Nakalagay sa cup ang binili namin at may maliit na kutsara.

Habang naglalakad, nagsalita siya at nagkausap kami.

Sumubo si papa ng ice cream. "Ang sarap pala ng ice cream na 'to." Puri niya.

Napasagot ako ng, "Agree, Papa." tapos sumubo rin ng ice cream.

"Mas masarap pa sa putl**." Komento pa ni papa na hindi ko naintindihan habang patuloy na kinakain ang sorbetes.

Foot long ba? Ang layo naman.

Napaharap ako sa kanya, "Ano 'yon, Pa?"

"Kako, mas masarap pa sa putlok." Ulit niya.

Putlok? Naintindihan ko na this time pero baka namali lang ako ng dinig kaya nagtanong ulit ako. "Ano po ulit, Pa?" Tumingin ako sa labi niya para malip read ko kasi may pagkabingengot ako eh.

"Putlok." Sabi niya sabay subo ulit ng ice cream. "'Yon ang binibili ng mga kasamahan ko kapag alas diyes. Binibili nila d'yan." Tinuro n'ya ang nadaanan naming fastfood chain na Jollibee. "May ice cream sa ibabaw ng softdrink."

Nangunot ang noo ko sandali pero mukhang nagets ko na ang sinasabi n'ya. Putlok. Natawa ako.

Tinanong n'ya ako kung bakit ako natawa. Sinabi ko naman. Kinorek ko rin ang pagpronounce n'ya.

"Sige nga, Pa. Ano ulit?" Tanong ko sa kanya.

"Putlok. Ay! Kok flot pala." Sabay tawa n'ya na halos hindi na makita ang mga mata n'ya. Kasingkit.

Umuwi ako ng masaya.

Ikinuwento ko kay kuya ang putlok ni papa. Tawa siya ng tawa. Doon ko lang din narealize habang kinukwento sa kanya na hindi nga pala nabibili ang putlok sa Jollibee. Sa McDo.

---

Ang adik ko na naman. Hahahaha!

05/23/15

Mga Kawirduhan Ni WeirdieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon