Oh Maskels

122 8 7
                                    

Last 01/14/15

Ang habaaaaaaaaaa ng pila sa terminal ng FX.

Nakakainip. Nakakainip lalo na dahil pakiramdam ko lumulutang ang ulo ko. Hindi dahil masakit ito o kaya nahihilo ako kundi dahil pakiramdam ko wala itong laman. Walang laman dahil sa haba ng pila at sa haba ng oras ng paghihintay ko para makasakay, wala man lang akong naisip na kahit ano. As in blangko. Nakatunganga lang akez.

Dati hindi ko namamalayan ang oras dahil ang dami kong naiisip na mga bagay bagay. Lessons namin, schedule ko, sino ang mga taong kasunod ko sa pila at kung anong buhay meron sila, anong kalokohan ang gagawin ko ngayong araw, masasalubong ko kaya ang kras kong juding, maililibre kaya ako ngayong araw ng ice cream sa MCDo sa labas ng eskwelahan, at ano kayang hitsura ni PNoy kung lalago ang buhok nya habang naka dreadlocks hanggang balikat? Nyahahay!

Nang makasakay na ako ng FX, napapwesto ako sa gitna. Yung apatan na dapat ay tatluhan lang. Pang sampu ako sa pila kaya sakto sa dumating na walang lamang FX. Ako ang huling pasahero kaya sa tabi na ako ng bintana sa kanan napaupo. Naunahan ako sa likod.

Nahirapan pa nga akong isara ang pinto ng FX dahil ang kabilang pisngi ng pwet ko ay nakaupo sa hangin. Balakid para maisara ang pinto.

Nilingon ko ang mga katabi ko. Dalawa palang malulusog ang naunang dalawa at ang katabi ko mismo ay kasing edad ko ata na lalaki na sakto lang ang laki ng katawan.

"Kaunting usog po. Please." Pakiusap ko.

Nagsiusog naman sila kaya nakaupo ako ng medyo maayos kaysa kanina. Pagkasara ko ng pinto, ramdam kong halos mapirat ang katawan ko. Pero syempre exagg na yun.

Ang sikip. Buti na lang airconditioned kaso medyo pinagpapawisan ako dahil ipit na ipit ang lantutay kong katawan.

Napatingin ako sa katabi ko. Nakayuko siya at halatang nasisikipan din siya. Dikit na dikit ang mga braso namin. Umayos ako ng upo (kung may iaayos pa nga talaga ang upo ko). Tapos, umayos din ng upo ang katabi ko kaya napalingon ulit ako sa kanya.

Hindi na siya nakayuko.

Aba eh, ang swerte ko ata. Ke gwapo pala ng katabi ko. Malalim ang mga mata at matangos ang ilong. Katulad ko rin na studyante pero hindi sa pinapasukan kong unibersidad.

Napansin niya ata na nakatingin ako sa kanya kaya napalingon siya sa gawi ko. Tumingin na lang ako bigla sa bintana.

Pansin ko na galaw siya nang galaw. Dikit ang mga tuhod niya. Di siguro kumportable dahil masikip nga.

Dedma lang ako at nagmuni muni lang habang nakatingin sa labas. Ang daming tao. Mga naghahabol ng sasakyan at ng oras. Iba iba. Ang saya tingnan.

Gumalaw uli ang katabi ko. Pero hindi buong katawan, braso lang. Yung braso lang niya na kadikit ng akin. Yung parang na-tense ang muscles.

I felt his maskels? Biceps? Emergerd! HAHAHA!

Teka! baka guni guni ko lang? Pero naramdaman ko naman kasi talaga. Dikit na dikit kaya ang mga braso namin.

Nung umayos ako ng upo, edi hindi na dikit, aba eh, nagpawis pala ang braso ko o braso niya o braso naming pareho? Ay basta nakakahiya. But, it's okay. Keribels lang. Ang sikip naman kasi at ang init. Biglang uminit? Juicecolored! Hahaha!

Nang makarating na ako sa babaan, bumaba ako at nagbabye sa nakatabi kong gwapings.

At syempre! Hindi ko rin naman nakalimutang magbabye sa maskels niya.

.

.

.

.

.

.

JOKE LANG! LMAO :D :D :D

-----

#Pilya #Harot #lokoloko

Mga Kawirduhan Ni WeirdieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon