I GOT TAGGED (20 Facts about Weirdie)

182 20 75
                                    

Okay lang magbigay din ng 20 facts kahit medyo huli na? hahaha

Si Weirdie ...

1. Mahilig sa matataas.

Bundok, bubong, tuktok ng hagdan, attic, rooftop, peak of the chobibo, pangarap.

2. Mahilig sa pusa

Walang araw na hindi ko binubuhat, niyayakap, hinihila ang whiskers at pinanggigigilan ang pusa kong puspin na si Diego. Si Diego my love so sweet. Hahaha.

Kung ang iba ay mabilis at alerto  ang mga mata sa pag ssight seeing ng mga gwapo sa kung saan, ako naman sa cats. Meow. haha

3. Weird at Lutang

mahirap ipaliwanag, madali kung nakakasama.

4. I like adventure and taking risks.

5. I love children. Really.

6. Mahiligkumanta pero wala sa tono. Haha. Ganunpaman, walang araw na hindi ako kumakanta. Ikaw rin. Aminin :D

7. Sumasayaw

9. May pangarap

10. Moody

May mga panahon kasi na dadaldal ako ng walang patid tapos biglang mananahik na ikatataka ng mga kaibigan ko na ako rin hindi ko alam kung bakit. Weirdie talaga.

11. Palaisip

Natural naman 'to pero inaabot kasi ako ng madaling araw kakaisip lang ng kung ano anong mga bagay. Kapag may naisip kasi ako, magkakaroon ng tanong sa utak ko tapos sasagutin ko rin tapos doon sa sagot ko may tanong na naman ako. Sanga sanga. Hangga't hindi ako satisfied, the thinking continues. Kaya bangag madalas.

12. Maramingkamukha.

Ewan ko ba. May mga kumakausap sa akin at sasabihin na kamukha ko raw si ganito at si ganun. Nakakatakot. Joke lang. Haha.

Madaming nagsasabi na kamukha ko raw sila Judy Abott, ung salutatorian namin noong HS, yong senior namin sa college, yong estudyante ng kaibigan ko, at si Jesus Christ (because of my hair XD). Ay recently pala may humarang sa akin at sinabi na nahahawig ko raw si Ygritte ng Game of Thrones.

Ayoko sabihin na kamukha ko siya. May hawig o may anggulo lang. Ang gulo. Haha. Kaaya aya feslak nun eh. Hihi

13. Gusto ko ang mga taong may soothing na boses. Yun bang kapag narinig mo, mapapa smile ka. Hindi ko alam. Haha. Kahit hindi kumakanta basta maganda boses. Hindi garalgal.

14. Observant

15. Mahilig mag share : pagkain, papel, at kaalaman.

16. Hobby gumawa ng tula. Hindi ako magaling, marunong lang gumawa. They are two different things.

17. Mukhang ilong na tinubuan ng mukha. Hahaha. I have big nose. #Hard

18. Future educator

19. Have trust issues. Di ako madaling magtiwala pero madaling maniwala. Parang ganito, "Naniniwala ako sa'yo pero hindi kita pinagkakatiwalaan" or "Hindi ako naniniwala sa'yo pero pinagkakatiwalaan kita."

20. Gwapong babae.

Not les. Kung naging lalaki raw ako ang gwapo ko RAW pero hindi eh kaya sayang, disappointment daw tuloy. Mga loko loko. Karate-hin ko sila eh. Haha.

------------------

Okay na ba 'to?  Hahaha!

Hello mga kaibigan! :D :D :D

Mga Kawirduhan Ni WeirdieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon