Epilogue

6.8K 120 6
                                    

Nagtagal pa ako ng isang linggo sa hospital. Marami rin palang dugo ang nawala sa akin dahil na rin sa sugat ko sa tagiliran. May kalaliman din iyon at kinailangang tahiin. Ngayon ang labas ko at hinihintay ko na lang na dumating si Treyton at Brantley.

Kanina ko pa nga sila ine-expect na dumating pero dalawang oras na ata ang nakalipas simula nung magdismissal sila Treyton. Nag-aalala na ako at nang tawagan ko si Brant, nakahinga ako nang maluwag nang sagutin niya ito at sinabing on the way na sila.

Sinundo kasi ni Brantley si Treyton sa school at si Elvis at Shaggy naman ang nakabantay sa akin ngayon. Ayaw naman kasi ni Brant na iwanan ako rito nang walang kasama.

"Sige na kasi! Payagan mo na akong manligaw!"

"Elvis ang kulit mo!"

"Payagan mo na nga kasi ako! Hindi ka naman na lugi sa akin. Araw-araw kitang bubusugin ng pagmamahal"

Kaagad na tinakpan ni Shaggy ang bibig ni Elvis at mabilis na tumingin sa akin. Umarte akong walang nakita at naririnig pero hindi ko maiwasan ang matawa.

They just look so cute together. Bagay sila.

"Manahimik ka nga! Nakakahiya kay CEO!" namumula ang mga pisnging turan ni Shaggy. At doon na ako napatingin ulit sa kanya.

"It's fine Shaggy. Wala akong narinig" singit ko na mas lalong nakapagpapula sa pisngi niya na mas lalo kong ikinatawa.

"See? Wala raw siyang narinig. Atsaka ayos lang kay Savannah yan! Pero sa akin hindi ayos kung hindi mo ako papayagang manligaw. Ilang beses ko pa bang sabihin at iparamdam sayo na seryoso ako? Gusto ko lang namang bigyan mo ako ng chance. Ayaw mo na talaga?"

Napakagat na lang ako sa ibabang labi ko dahil mukhang masasaksihan ko kung paano dumamoves si Elvis. So ganito pala ang way niya. Ang mangonsensiya.

"Hindi sa ganun—-"

"Hindi naman pala ganun. Pero bakit? Bakit ayaw mo pa akong payagan? Hindi naman kita lolokohin. Masarap magmahal ang isang tulad ko. Promise" itinaas pa ni Elvis ang kamay niya na para bang nanunumpa.

"Tigilan mo muna ako Elvis please? Nakakahiya na talaga kay CEO. Naririnig niya ang mga sinasabi mo"

"Wala naman daw siyang naririnig eh. Atsaka hindi ako titigil hangga't hindi mo ako pinapayagan. Sagutin mo na kasi ako"

"Huh? Ang kaninang gusto mo lang ay payagan kitang ligawan ako. Tapos ngayon sagutin na?"

"Ang ibig kong sabihin ay sagutin mo na ang tanong ko kung pwede mo akong ligawan"

"Hindi mo ako tinatanong Elvis. Pinipilit mo akong payagan kang manligaw"

Napagkrus ko na lang ang mga braso ko at natatawang tumingin kila Elvis at Shaggy. Naputol lanag ang usapan nila nang bumukas na ang pinto at iniluwa nun ang mag-ama ko na kanina ko pa hinihintay.

At nang makapasok sila, kaagad namang hinila ni Shaggy si Elvis palayo.

"Mauna na po kami CEO!"

Kumunot ang noo ni Brant nang sundan niya sila ng tingin palabas.

"Anong nangyari sa kanila?" takang tanong ni Brant habang hawak ang kamay ni Treyton at naglalakad palapit sa akin.

"Usapang ligawan" napangisi na lang si Brant sa sinabi ko.

"Hanggang ngayon pa rin ba naman hindi pa nakakapanligaw si Elvis?"

"Ikaw din naman noon ah. Ang tagal bago kita pinayagang manligaw. Sapilitan pa yun kasi ang kulit mo" napanguso na lang siya at hinalikan ako sa labi.

The Mafia Boss' SonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon