TMBS 10

6.2K 138 0
                                    

Gabi na at malakas pa rin ang ulan. Kinocontact ko nga si Nicholas dahil kapag ganitong malakas ang ulan, gusto ni Treyton na katabi niya ang Mommy at Daddy niyang matulog.

Hindi siya matutulog hangga't wala si Nicholas. At ito namang magaling kong pinsan, hindi sumasagot. Alam kong nananadya lang siya. Pwes, kung ayaw niyang sagutin edi huwag!

"Letse ka Nicholas"

Tumayo na ako para puntahan si Treyton pero laking gulat ko nang makita kong wala siya sa sofa. At mas lalong nanlaki ang mga mata ko nang makita kong bukas ang pinto.

Oh ghad! Kinabahan ako bigla.

Dali-dali akong lumabas ng bahay at nakahinga ako ng maluwag nang makita si Treyton dito sa extension sa labas. Pero nakatingin siya sa kung saan kaya sinundan ko ng tingin iyon. At nanlaki na naman ang mga mata ko nang makita ko si Brant na nakapayong habang naghihintay sa labas ng gate namin.

What the heck? Kanina ko pa siya pinaalis ha! Hindi pa rin dumadating ang sundo niya?

"Mommy, papasukin natin si Uncle Brant. Ang lakas ng ulan. He must be freezing in cold" napatingin ako kay Treyton at lumuhod para makalevel ko siya.

"Are you worried for Uncle Brant?" hindi siya nagdalawang-isip na tumango kaya napakagat na lang ako sa ibabang labi ko.

"Okay baby. Pumasok ka na sa loob. Ako na ang bahala kay Uncle Brant"

Sumunod naman siya sa akin at pumasok nga siya sa loob ng bahay. Pero nakasilip pa rin siya doon sa may glass wall part ng bahay habang nakahawak sa makapal na kurtina.

Kumuha ako ng payong at nagtsinelas. Alam kong dapat na nilalayuan na namin siya pero lintik lang dahil bakit pinagtagpo na naman kami? Nakakainis lang. Natatakot ako dahil mukhang nagugustuhan na siya ni Treyton.

Binuksan ko yung gate at mukhang narinig niya iyon kaya napatingin siya sa akin. Kumunot ang noo niya.

"What are you doing outside Savannah? Go back inside, the rain's still pouring heavy" bakas ang pag-aalala sa boses niya.

"Come on, let's go inside" nakita kong natigilan siya sa sinabi ko.

"Huwag na. Parating na rin naman na siguro yung sundo ko" napataas ang kilay ko.

"Brant kanina ka pa diyan. Ang lakas-lakas ng ulan kaya pumasok ka na muna sa loob. Saka ka na lang lumabas kapag nandiyan na ang sundo mo" ilang segundo niya pang pinakatitigan ang mukha ko bago siya ngumiti.

Nagtabi kami sa ilalim ng payong na dala ko at parang may anong kuryente ang dumaloy sa katawan ko nang magtama ang braso naming dalawa. Napalunok na lang ako.

"Come closer. Baka mabasa ka" napasinghap na lang ako nang akbayan niya ako pero nasa braso ko ang mga kamay niya at hinapit ako palapit sa kanya.

Hindi ko na lang binigyan ng malisya ang ginawa niya. Natural lang naman na gawin niya iyon dahil daw baka mabasa ako diba? Haist.

Sabay kaming pumasok sa bahay at ito namang si Treyton, tuwang-tuwa nang makita na naman niya ang kanyang Uncle Brant.

"Uncle Brant" kalmado at nakangiting sabi ni Treyton. Lumapit siya kay Brant at binuhat naman siya ni Brant. Napaiwas na lang ako ng tingin.

"Hello again kiddo" nakangiting bati ni Brant kay Treyton.

"Hindi po ba kayo nabasa sa labas?"

"Hindi naman Treyton. Your Mommy came for me" ngising sagot ni Brant tapos ay tumingin siya sa akin kaya napaiwas na lang ako ng tingin.

Kumain kami't lahat-lahat at nakapagpalit na rin si Brant ng damit dahil pinahiram ko na naman sa kanya ang mga damit ni Nicholas pero hindi pa rin dumadating ang kanyang sundo.

The Mafia Boss' SonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon