TMBS 15

5.6K 132 1
                                    

"Tito Nicholas! My toy's got broken"

"Oh. Should we buy a new one?"

"I think so?"

Pinagmasdan ko kung paano na naman i-spoil ni Nicholas ang kanyang pamangkin. Three days after simula nang sabihin ko kay Treyton ang totoo, para akong nabunutan ng tinik sa dibdib dahil doon. Si Nicholas naman ay masaya dahil finally raw ay nasabi ko na.

Laking pagpapasalamat ko na lang talaga na naintindihan ni Treyton ang lahat. Na natanggap niyang nagsinungaling ako sa kanya ng apat na taon. And actually, nagpiprepare ako for his birthday dahil next week na iyon.

"Savannah, pupunta kami ni Treyton sa mall sandali"

"Ikaw talaga. Ini-spoil mo na naman ang anak ko" nginitian niya lang ako.

"May masama ba doon? Gusto ko lang namang maging generous sa pamangkin ko" napa-tsk na lang ako.

"Sandali sasama na ako"

Mabilisan akong umakyat sa kwarto para magpalit ng damit. I'm just wearing simple blue dress na tinernohan ko ng white pointed heels. Pagkatapos ay bumaba na rin ako. Nakapang-alis naman na kasi yung dalawa kanina pa.

Hindi na ako nagdala ng susi ng kotse dahil sasakyan naman ni Nicholas ang gagamitin namin. Sumakay ako sa shotgun seat habang si Treyton naman ay nasa likod at naglalaro sa phone ko.

"Ano palang plano mo para sa birthday ni Treyton? Next week na iyon ah" napatingin ako sa kanya habang nasa byahe siya.

"Ayaw naman ni Treyton na magpaparty. Gusto niya simple lang"

"Edi ilabas na lang natin siya sa birthday niya" iyon na nga lang din ang balak ko. Tapos babalik kami sa amusement park dahil noong nakaraang punta namin doon, hindi pa naging sulit dahil biglang bumuhos ang ulan.

"Nakausap ko nga rin sila Mommy at Daddy at gusto nilang umuwi rito pero hindi daw kaya ng schedule nila kaya ang sabi ko, kapag may free time or bakasyon na ni Treyton, kami na lang ang pupunta sa California para bisitahin sila" napanguso si Nicholas na ikinatawa ko. Mukha siyang maputlang pato.

"Ang daya niyo naman. Bakit kayo lang? Isama niyo naman ako"

Nasa Calfornia rin kasi ang parents ni Nicholas. Actually nasa iisang tirahan lang ang parents ko at parents niya. Magkapatid ang Daddy ko at ang Mommy niya.

"Edi sumama ka"

Nang makarating kami sa mall, dumiretso kami sa Toy Store para bumili ng nasirang laruan ni Treyton. Dapat isa lang ang bibilhin namin pero itong si Nicholas, sinulsulan pa si Treyton na kumuha lang ng kung anong magustuhan niya.

"Treyton, tama na. Masyado nang madami ang kinuha mo" suway ko sa kanya dahil halos mapuno na ang big cart na tulak-tulak ni Nicholas.

"Okay po Mommy" masunuring sabi ni Treyton.

"Kj ka talaga ano Savannah?" siniko ko naman si Nicholas kaya napa-aray siya.

"Siraulo. Ang dami na ngang laruan ni Treyton sa bahay tapos dadagdagan mo pa? Ikaw ba ang nagliligpit ha?"

"Masaya naman siya kaya hayaan mo na"

Nagpunta na kami sa cashier para magbayad. Si Nicholas naman ang magbabayad. Bahala siya sa buhay niya.

"Thank you for this Tito Nicholas" malawak ang ngiting pagpapasalamat ng anak ko dahil sa mga binili ni Nicholas para sa kanya.

"You're always welcome my dearful nephew"

Kanya-kanya kaming bitbit na paperbags. Bumalik muna kami sa labas para ilagay muna sa kotse yung mga pinamili atsaka kami ulit pumasok sa loob dahil napagpasyahan naming kumain.

At dahil gutom na gutom na silang dalawa, sa fastfood na lang kami pumasok. Sinabi ko ang order ko at ni Treyton kay Nicholas dahil siya na raw ang bahalang mag-order. Naghanap naman na kami ni Treyton ng mauupuan. Tumabi ako sa anak ko syempre.

Ilang sandali pa ay napansin kong may tintingnan siya kaya tiningnan ko rin iyon. At hindi ko naiwasang malungkot dahil sa tinitingnan niya. Nakatingin siya sa table kung nasaan ang isang babae, lalaki, at yung batang lalaki. Mukha silang isang masayang pamilya.

"Treyton-----"

"Mommy, hindi ko po ba talaga pwedeng puntahan si Daddy?" bakas ang lungkot sa boses ng anak ko.

Hindi ito ang unang beses na tinanong niya ako niyan. Maraming beses na pero isa lang ang nagiging sagot ko. Iyon ay ang hindi puwede.

"I told you anak. Maraming bad guys na kaaway ang Daddy Brantley mo kaya hindi pa safe na makipagkita tayo sa kanya"

"Kailan po ba mawawala ang mga bad guy na yun?" inosente niyang tanong.

"Hindi ko rin alam baby. Pero once na wala na sila, pupuntahan natin kaagad ang Daddy mo, okay?" malungkot man pero tumango siya. Bumuntong hininga na lang ako.

Dumating na si Nicholas habang dala ang order namin kaya hindi na rin kami nag-aksaya ng oras at kumain na. Mukhang busog na busog ang anak ko pagkatapos dahil naubos ba naman niya yung spaghetti, burger, at fries nang siya lang mag-isa.

Matapos naming kumain ay napagpasiyahan na naming lumabas. Lumipas pa ang ilang minuto nang kalabitin ako ni Treyton.

"Mommy, I want to pee" sabi niya habang nakahawak pa sa private part ng body niya. Nanlaki naman ang mga mata ko at kaagad ko siyang binuhat.

"Nicholas, naiihi raw si Treyton. Nasaan na ba ang restroom dito?"

Hinanap namin ang restroom at si Nicholas na ang sumama kay Treyton sa loob ng men's restroom. Syempre alangan namang pumasok ako sa men's restroom. Nakadress pa man din ako.

Habang naghihintay sa kanilang lumabas, naglanding ang mata ko sa isang lalaking nakasuit and tie habang may kausap sa phone. Automatic na bumilis ang tibok ng puso ko nang makita ko siya. Hindi lang siya nag-iisa dahil may kasama pa siyang isang lalaki na nakasuit and tie rin.

Nagtama ang mga mata namin dahilan para matigil siya sa paglakad. Kinabahan ako bigla. Kinakabahan ako dahil baka makita siya ni Treyton.

"Mommy, I'm done" natataranta akong lumingon sa likuran ko. Nakita ko si Treyton na buhat-buhat na ngayon ni Nicholas.

"G-ganon ba? Uwi na tayo?"

"Already? Ayaw mo bang magstroll muna----"

"Nicholas, umuwi na tayo. Naalala ko may mga dapat pa pala akong gawin sa bahay" pagpapalusot ko.

"If that's the case, then sige, let's go home"

Mabuti na lang at pumayag silang umuwi na. Bago kami umalis, binalingan ko ulit ng tingin si Brant kung saan ko siya nakita at nandoon pa rin siya.

But this time, hindi na siya sa akin nakatingin. Kundi kay Nicholas na buhat-buhat si Treyton. Hindi niya naman kasi kilala si Nicholas bilang pinsan ko.

Napayuko na lang ako at sumunod na kila Nicholas na maglakad.

Forgive me Brant for doing this.

The Mafia Boss' SonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon