TMBS 3

8.1K 179 0
                                    

One week have passed simula nang makita namin si Brantley sa mall at na-i-stress na ako kay Treyton dahil lagi niya akong kinukulit. Gusto niya raw makipaglaro kay Brantley.

"Mommy please? Contact him"

At ito na naman kami. Nangungulit na naman siya.

"I can't baby" malumanay kong sabi. Nandito siya ngayon sa office ko since it's Saturday naman.

"But why? I want to try to play with him. I think he's cool to be with"

Cool ba ang pagiging Mafia Boss?

"Don't play with him Treyton. I am warning you" seryosong sabi ko sa kanya.

"But why Mommy? Why?"

Bumuntong hininga ako at tinanggal ang reading glasses ko atsaka tumingin kay Treyton. Ang kalmado niyang mukha ay lukot na at halatang malungkot.

"Because he's a b-bad guy"

Nawala ang lungkot sa mukha niya at napalitan ng pagkaseryoso.

"Bad? He's a bad guy?" tumango ako.

"Kaya ba hindi ka na po niya girlfriend? Kasi bad guy po siya?" tumango na lang ako ulit.

"Kaya tama na ang pangungulit ha? Natatandaan mo pa ba ang sinabi ko sayo dati tungkol sa mga bad guy?" nagnod naman siya.

"Huwag po akong makikipaglaro at sasama sa kanila" napangiti ako sa sinabi niya.

"Good. Puntahan mo na lang si Daddy mo sa office niya at sa kanya ka makipaglaro. Okay?" ngumiti siya atsaka tumango.

"Okay po Mommy" tumingkad siya para mahalikan ako sa pisngi kaya mas lalo akong napangiti.

Pinagmasdan ko siyang maglakad palabas ng office ko. Bumuntong hininga na lang ako atsaka ibinalik ang atensyon sa aking ginagawa.

----------------------

"CEO, malapit na raw po si Mr. Domingo sa meeting place" rinig kong sabi ni Shaggy habang nag-aayos ako ng gamit.

"Okay. Tell him na paalis na rin tayo"

"Yes po CEO"

Nakalabas kami ng company at sumakay na sa sasakyan. May kameet-up ako ngayong business man dahil may mga kailangan kaming pag-usapan. Of course tungkol sa business.

Nakarating na kami sa isang restaurant since dito kami magkikita ni Mr. Domingo. Pumasok na ako sa loob at nakita ko na siyang nakaupo sa tapat ng isang square table.

"Good afternoon Mr. Domingo" napatayo siya nang makita ako at ngumiti.

"Good afternoon also Ms. McKenley" tipid lang akong ngumiti at umupo na. Katabi ko ngayon ang aking secretary na si Shaggy.

Nag-order muna kami ng pagkain bago inumpisahan ang dapat naming pag-usapan.

"I know na hindi ko pagsisisihan ang pag-invest sa inyo Ms. McKenley. Your company's doing great" nakangiti kong isinubo yung meat na nasa fork.

"Thank you for the compliment Mr. Domingo. We will definitely sure that you're not going to regret your decision"

Natapos ang usapan ng maayos. Nakaalis na si Mr. Domingo at bago kami umalis, sinabi ko kay Shaggy na mauna na siya sa sasakyan dahil pupunta lang ako ng restroom. Matapos ang dapat kong gawin sa restroom, naghugas ako ng kamay at naghand-dryer bago ako tuluyang makalabas.

"Ay mamatay ka na sana!"

Napahawak ako sa dibdib ko dahil sa gulat nang makita kong may taong nakatayo sa may tapat ng ladies restroom.

The Mafia Boss' SonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon