TMBS 24

4.7K 106 0
                                    

Isa lang ang nasisiguro ko. May gustong pumatay sa amin ng anak ko. At kung sino siya, kailangan kong alamin iyon.

Nasa panganib ang buhay ko at ang buhay ng anak ko. Ang ilan sa mga picture na nakita ko ay matagal nang nakuhanan, so it means matagal na rin kaming sinusubaybayan ng gustong pumatay sa amin.

Agad kong kinuha ang phone ko at idinial ang number ng teacher ni Treyton. Kinuha ko na kasi ang number niya simula nang may ibang taong sumundo sa kanya.

"Hello"

"Ito po ba ang teacher ni Treyton Knight McKenley?"

"Yes Ms. McKenley, ako nga ito"

"Gusto ko lang po sanang malaman kung nasaan ang anak ko"

"Nandito siya ngayon sa classroom at nage-early snack time sila"

"Pwede po bang huwag niyong palalabasin ng classroom si Treyton hangga't hindi po ako dumadating?"

"No problem Ms. McKenley"

Ako na siguro ang susundo kay Treyton since hindi ko alam kung ano na ang kalagayan ni Brant. Shit lang talaga.

Nasa pahamak ang mag-ama ko at para na akong masisiraan ng ulo dahil sa pag-aalala. Ang daming tumatakbo na what if's sa utak ko pero pinipili ko na lang na huwag pansinin dahil ayokong mabaliw sa kakaisip.

3:30 pm pa lang ng hapon ay umalis na ako sa kompanya para saktong uwian kapag nakarating ako sa school nila Treyton.

At nang makarating ako, agad akong bumaba dahil nakita kong nagsisilabasan na yung mga estudyante. Napatigil ako sa paglakad nang makita ko si Brant na buhat-buhat si Treyton at naglalakad na sila palabas ng school.

Napatingin sa akin si Brant at nagsalubong pa ang kilay niya nang makita ako. Hindi ko alam pero basta na lang ako tumakbo palapit sa kanila at binigyan sila ng mahigpit na yakap.

"W-woah honey. Masyado mo ata kaming namiss ni Treyton"

Para akong nakahinga ng maluwag nang makita ko sila. Kumalas din ako sa yakap at agad na ininspection si Brant.

"Ayos ka lang ba? Wala ka bang galos? Sugat o kung ano man? Ano bang nangyari?" tanong ko habang sinusuri ang kamay niya. Tapos sinunod ko naman ang mukha niya. Sa kabila ng pag-aalala ko, nagawa niya pang ngumiti kaya nahampas ko siya.

"Ano ba Brant! Nagtatanong ako!" hahampasin ko pa sana siya nang kuhanin niya ang kamay ko at hinalikan iyon.

"Ayos lang ako. Wala akong sugat o kung ano man. Sa bahay ko na lang ikukuwento ang nangyari. Huwag dito"

Humawak ako pabalik sa kamay niya at huminga ng malalim.

"Sigurado kang okay ka lang ah?" ngumiti siya at tumango sa akin.

Magkahiwalay kaming umuwi. Nauna sila ni Treyton sa bahay dahil bumalik pa ako ng kompanya. Naging observant na rin ako. Bago ko tuluyang isara ang gate, inilibot ko talaga ang paningin ko sa palibot ng bahay ko dahil baka mamaya ay may nagmamasid na naman.

At nang masiguro kong wala, saka lang ako pumasok ng bahay. Nadatnan ko namang naglalaro yung dalawa sa may sala.

"Nandiyan na ang mommy Treyton" saka lang napanatag ang loob ko nang maisara ko na yung pinto. Should I hire a bodyguard nang tuluyang mapanatag na talaga ang loob ko?

Lumapit ako sa dalawa at yumuko ako para mahalikan ako ni Treyton sa pisngi. At si Brant naman, sinalubong ako ng halik sa labi.

Napangiti na lang ako sa paraan ng pagsalubong sa akin nung dalawa. Kahit na stress ako ngayong araw at ang daming kung ano-anong tumatakbo sa isipan ko, pansamantalang nawala dahil sa kanila.

The Mafia Boss' SonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon