TMBS 28

4.3K 87 1
                                    

"Treyton son, play the music"

Play the music? Akala ko nga ay kakain na kami dahil may mga pagkain na ring nakahanda sa table.

"Okay daddy"

Pinagmasdan ko si Treyton na kinuha yung phone sa bulsa, phone ata ni Brant yun at may kung ano siyang pinindot. And then may naririnig na akong instrumental sound. Parang violin pa ata yung instrument na ginagamit atsaka piano.

"Can I have a dance with my beautiful mommy?" nakangiting paalam ni Treyton habang nakalahad pa ang kanyang medyo may kaliitang kamay sa akin.

"Sino ba naman ako para tanggihan ang napakagwapo kong anak?" mas lalong lumapad ang kanyang ngiti.

Ibinaba ko muna sa table yung bouquet at rose na hawak ko atsaka ko hinawakan ang kamay ng anak ko para magsayaw kami. Nilingon ko si Brant na nasa isang gilid. Nakangiti siya ng malawak and he mouthed the words 'I love you' na ikinangiti ko.

May hawak din siyang phone at pinipicturan kami ni Treyton.

"Baby boy, anong pakulo naman ito?" natatawa kong tanong kay Treyton habang nagsasayaw kami.

"Si daddy po talaga ang nag-isip nito. Just wait mommy and you'll see what's this for" sabi ng anak ko atsaka ngumisi. Palangisi na talaga siya simula nang dumating si Brant.

And what? Wait? Ibig sabihin meron pa?

"We just want to make you happy mommy" bahagya ko namang pinisil ang pisngi niya.

"I am always happy Treyton. Everytime na kasama ko kayong dalawa ng daddy mo, lagi akong masaya"

Matapos naming magsayaw, nagnose-to-nose kami ni Treyton bago niya ako dalhin sa daddy niya. Ibinigay ni Brant yung phone kay Treyton.

"Son ayusin mo ang pagkuha ng picture sa amin ng mommy mo ha? Nag-aral pa tayo kanina ng iba't ibang angle shots" natawa naman ako sa sinabi ni Brant.

So kaya pala walang nanggugulo sa akin kanina dahil nag-aaral silang magpicture?

"As you wish daddy"

Inilahad sa akin ni Brant yung kamay niya kaya napatingin ako roon.

"Can I have a dance with you honey?" nakangiting tanong niya sa akin. Tumango naman ako at ngumiti ng matamis.

"At sino ba naman ako para tanggihan ang napakagwapong lalaki sa harapan ko ngayon?" at sa isang iglap, nahalikan na niya ako sa labi.

Ipinalupot niya ang kanyang kamay sa aking bewang at ang akin naman sa kanyang leeg. At pagkatapos, mataman niya akong tinitigan. Para akong malulunod sa mga mata niya. Sa paraan ng titigan naming dalawa ay para bang kaming dalawa lang ang nasa bahay na ito.

Mula naman sa peripheral vision ko, nakikita ko si Treyton na nag-aala photographer sa gilid. Muntik pa nga akong matawa dahil may nalalaman pa siyang padapa-dapa.

"Kayo talagang mag-ama ano, may nalalaman pa kayong surprise-surprise" natatawa kong sabi.

"We just want to make you happy honey" parehas nga sila ng sinabi ni Treyton. Mag-ama nga talaga.

Mabagal kaming nagsasayaw ni Brant. Slow dance. At para na rin akong matutunaw sa titig niya. At ako naman, hindi mawala ang ngiti sa mukha ko dahil sa katotohanang may pakulo silang ganito para lang sa akin.

"Honey"

"Hmm?"

"Alam mo naman na Mafia Boss ako diba?" tumango ako.

"Yeah of course I know"

"At alam mo naman na laging posible ang pahamak sa trabaho ko diba?" hindi ko alam kung para saan itong tanong niya pero tumango pa rin ako.

The Mafia Boss' SonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon