TMBS 23

5.6K 105 0
                                    

Two days have passed simula nang makalipas ang birthday ni Treyton at talaga namang masasabi kong masaya ako sa buhay ko ngayon. Alam kong hindi lang ako dahil halos hindi rin matawaran ang sayang nakikita ko sa aking mag-ama.

"Good morning honey" napangiti ako nang makatanggap ako kaagad ng halik kay Brant paggising na paggising niya.

"Good morning too" nakangiti kong bati. Babangon na sana ako pero hinila ako ni Brant kaya naman napahiga ako ulit sa tabi niya.

"Brant, babangon na ako. May pasok ako, remember?"

Iniharap niya ako sa kanya at niyakap. Ibinaon niya pa ang mukha niya sa leeg ko kaya bahagya akong nakiliti.

"Spare me a little time honey" mahinang sabi niya at naramdaman ko pa ang paghalik niya sa aking leeg.

"Alright. Alright"

Inalis niya ang mukhang niyang nakabaon sa leeg ko at humarap sa akin but still, nakayakap pa rin siya sa akin.

"Let's talk Savannah" nagsalubong ang kilay ko dahil seryoso ang boses niya.

"Anong pag-uusapan natin?"

"Us. Let's talk about us"

Natigilan ako sa kanyang sinabi. Pero nakita ko na lang ang sarili ko na tumango. Kailangan din naman naming pag-usapan ang tungkol sa bagay na ito.

"Okay. So what about us?" prenteng tanong ko.

"Are we good now?" tumango ako na ikinangiti niya.

"Yes, we are. I already told you that I still love you, we still love each other, we already slept in the same bed, you are cuddling and kissing with me again, and we have a son. So I guess those are enough evidence to say that we're good"

Bigla niyang inilapit sa akin ang labi niya at inilapat ito sa labi ko. Mabilis lang naman iyon.

"Shit Savannah. My heart is really pounding" dinala niya ang kamay ko sa dibdib niya at napatawa na lang ako nang maramdaman kong ang bilis nga ng pagtibok ng puso niya.

"Mahal na mahal mo kaya ako" biro ko pa sa kanya.

"Sobra honey. Sobrang mahal na mahal ko kayo ni Treyton at hindi mo alam kung gaano ako kasaya na nakasama ko kayo" nginitian ko na lang siya.

Isinandal ko ang ulo ko sa kanyang dibdib at niyakap siya.

"Ako rin Brant. Masaya ako na nabuo na ang pamilya natin. Sorry kung nailayo ko siya sayo dahil sa takot ko pero I promise, babawi ako" napapikit na lang ako nang halikan ni Brant ang tuktok ng aking ulo.

"Let's just forget about what happened in the past. What's important now is that we're complete. I love you and I'll protect the both of you at any cost" napangiti ako.

"Thank you Brant" hinalikan niya ang tungki ng aking ilong.

"You know what Sav? I never expect na darating yung araw na magiging sobrang saya ako nang ganito. Having you and Treyton beside me. Parang noong mga nagdaang taon lang, sobrang lungkot ng buhay ko. But look at my life now, it's more than what I have prayed for. It's all thanks to you. Thank you for coming back to me, and thank you for bringing Treyton in this world" hindi ko na napigilan ang sarili kong halikan siya sa labi.

"You deserved it Brantley. Because you are a good man to me and a loving father to our son. Pero teka nga, ang aga-aga, ang drama natin. Itinigil na nga natin ito" nang magkatinginan kami, parehas na lang kaming natawa.

"Alright. Bumangon ka na at mag-ayos. Habang naliligo ka, ipaghahanda na kita ng almusal" mas lalo akong napangiti.

"Love you more for that"

The Mafia Boss' SonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon