TMBS 1

14K 245 3
                                    

"Mommy?"

Nagsalubong ang kilay ko nang makita ko si Treyton na pacool na naglalakad dito sa loob ng office ko. Papunta siya sa akin.

"Treyton son, what are you doing here?" takang tanong ko at tumayo mula sa swivel chair na pinagkakaupuan ko.

"Mommy, I want to go to the mall" lumapit ako sa kanya at binuhat siya.

"Paano ka napunta rito? Hindi ba't dapat nasa bahay ka lang?" he smiled to me kaya napangiti rin ako.

My son is a handsome kid. At mahahawa ka talaga kapag ngumiti siya. He's the type of kid na kalmado lang.

"I texted Daddy and he brought me here" tumaas ang kilay ko.

At ito namang si Nicholas, nagpauto? Sa edad na apat na taong gulang, dyusko marunong na magtext si Treyton. Who taught him? Of course it's Nicholas!

Lalabas na sana ako para puntahan si Nicholas sa office niya nang pumasok na siya rito sa office ko. Sinamaan ko siya ng tingin.

"Woah. Easy Savannah. Kinukulit ako ni Treyton eh. Gusto niya raw pumunta rito"

He's Nicholas Soberano. The COO of my company. And my son's father.

"Easy ka diyan. Gusto mong bigwasan kita? Alam mong busy ako at alam mong mangungulit lang si Treyton dito, yet dinala mo pa siya rito?"

"Pagbigyan mo na yung bata. Gusto niyang pumunta so pinagbigyan ko"

"Masyado mo kasing ini-spoil si Treyton kaya ayan" tinawanan na lang niya ako kaya sinuntok ko siya sa dibdib.

"Aray ko ha. May pagkakamay na bakal ka talaga" napaikot na lang ang mata ko.

"Mommy, let's go to mall" napahilot na lang ako sa temple ko at tumango. Mukhang naiinip na kasi ang anak ko.

"Okay. Okay. Pupunta na tayong mall pero hindi tayo magtatagal okay? May mga kailangan pang asikasuhin si Mommy dito sa company"

"Yes Mommy" kalmadong sagot ni Treyton. Binalingan ko ng tingin si Nicholas.

"Ituloy mo yung mga ginagawa ko"

"Wait what?"

"Kasalanan mo to kaya ituloy mo yung mga ginagawa ko"

"Sasama ako sa----"

"Nicholas"

"Fine!"

Napangisi na lang ako bago lumabas ng office ko. Binilinan ko rin si Shaggy, ang aking secretary na kapag may emergency, tawagan ako kaagad.

Lumabas ako ng company. Pinahanda ko rin yung sasakyan kaya paglabas namin, nandoon na ito. Nang makasakay kami, pinaandar na ng driver ko ang sasakyan.

Hindi kasi nagpupupunta itong si Treyton sa kung saan-saan kung hindi niya ako kasama.

"Mommy, bakit hindi natin kasama si Daddy?" tanong sa akin ni Treyton habang nasa byahe.

"Busy kasi ang Daddy mo kaya siya muna ang maiiwan sa company" tumango naman siya.

"But after we go to mall, can I play with him?"

"Of course, you can Trey. Guluhin mo yung Daddy mo" natatawa kong turan sa kanya.

"Nga pala. Bakit ka nagyayang pumunta sa mall? You should be studying at home"

Nag-aaral na kasi itong si Treyton. Pero three times a week lang siya kung pumasok. Monday, Wednesday, and Friday. Sa special class ko kasi siya in-enroll. Maganda kasi ang teaching preference nila.

And Thursday ngayon kaya itong si Treyton ay nagawang makapunta sa kompanya at nagyayang mag-mall. Walang pasok.

"Because of condom"

Punyeta.

Kahit wala akong kinakain ay parang nabulunan ako sa sinabi niya. Nanlalaki ang mga mata kong tumingin sa kanya. Maging ang driver namin na si Mang Lucio ay napatingin sa amin gamit yung rear-view mirror at halatang nagulat din sa narinig.

"Treyton what? Sinong nagsabi sayo niyan?"

"Si Daddy po" honest na sagot ng anak ko.

Nag-init naman ang ulo ko. Hayop na Nicholas!

"Nabanggit niya po kasi yung condom, so I asked what it is. He told me it's for me to find out. I asked him kung nabibili po ba iyon and yes daw po. Then I also asked kung saan nabibili then he said sa mall kaya ko po kayo niyayang pumunta sa mall"

Gagong Nicholas! Sasabunin ko talaga siya ng sermon mamaya! Kung ano-anong sinasabi sa anak ko! Apat na taong gulang pa lang siya yet na-expose na agad siya sa condom. Can't believe it!

Napahilot na lang ako sa aking sintido dahil para akong naistress sa sinabi ni Treyton. Kaya ba gustong sumama ni Nicholas? Bibilhan niya ng condom si Treyton? Lintian.

Nang makarating kami sa mall, mabilisan kong kinuha yung handbag ko dahil nagmamadaling lumabas si Treyton ng sasakyan. Atat na atat sa condom.

"Mommy, alam niyo po ba yung condom?" alanganin akong tumango sa anak ko.

"Great. Where can we buy it?"

Masyado pang inosente ang anak ko para rito. Hayop ka talaga Nicholas.

Dinala ko siya sa isang candy store.

"Mommy, bakit tayo nasa candy store? Dito po ba mabibili ang condom?" tumango ako at pilit na ngumiti.

"Yeah. So behave ka lang diyan at ibibili na kita ng condom"

Binilhan ko siya ng isang malaking lollipop.

Kailan pa naging lollipop ang condom Savannah?

"Here's the condom Treyton" inabot ko kay Treyton yung lollipop nang matapos kong bayaran.

"Is this condom?" tumango ulit ako habang hawak niya yung lollipop na hugis ibon.

"Yes Treyton. So let's go na?"

"Okay mommy. Thank you for this" nakangiting sabi niya kaya nginitian ko rin siya.

"Anything for you my baby boy"

Binuksan na niya yung lollipop at kinain naman niya ito. Mabuti na lang talaga at hindi na siya nagtanong pa patungkol sa lintik na condom na 'yan.

Hawak ko ang kamay niya nang lumabas kami ng candy store.

Kinuha ko naman ang phone ko sa aking handbag dahil nagvibrate ito. I got a message from my secretary.

From: Secretary Shaggy
CEO, cinancel ko na lang po ang meeting niyo with board members and nireschedule ko po ito bukas.

Nagreply ako ng 'okay' kay Shaggy. Oo nga pala, may meeting ako ng eleven at quarter to eleven na. Halos kalahating oras din ang byahe pabalik sa company kaya malilate ako kung sakali.

"Mommy, I'm hungry" napatingin ako kay Treyton nang magsalita siya.

"Oh, my son's hungry. Saan mo gusto-----"

Natigil ako sa pagsasalita nang tumama ako sa kung saan.

"Ouch" daing ko at napahawak sa noo ko.

"Mommy are you okay?" binalingan ko si Treyton ng tingin at tumango.

"Mommy's fine" nakangiti kong sabi. Ibinalik ko ang tingin sa aking harapan para malaman kung saan ako tumama.

At para akong nanlamig sa kinatatayuan ko nang makita ko kung saan ako nauntog.

"Savannah..."

Napahigpit ang pagkakahawak ko sa kamay ni Treyton nang makita ko kung sino itong nasa harapan namin.

"Brant..."

He's Brantley Levine. He's my ex-boyfriend. And he's a Mafia Boss.

The Mafia Boss' SonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon