TMBS 26

4.3K 92 4
                                    

"What the fuck honey? Ilalayo mo na naman sa akin ang anak natin? Ang tagal mo na siyang itinago sa akin tapos ngayon ilalayo mo siya ulit?" huminga ako ng malalim.

"Para ito sa kapakanan niya Brant! Hindi siya ligtas, hindi kami ligtas sa tabi mo kaya mabuti pang umalis kami"

Bigla siyang lumapit sa akin at walang ano-ano'y pinagkukuha niya yung mga damit na inilagay ko sa maleta at basta na lang isinambulat sa kama.

"Ano ba Brant!" naiinis kong saad.

"Mommy, daddy, stop arguing" pumagitna na sa amin si Treyton.

"Walang aalis. Hindi niyo kailangang umalis. Poprotektahan ko kayo"

Inis kong kinuha yung mga damit na nasa kama niya.

"Mas ligtas kung aalis kami Brant. Kaya pwede ba, hayaan mo na lang kami? Sobrang bata pa ng anak natin tapos ano? May nagtatangka nang pumatay sa kanya? Hindi ko hahayaan na mangyari yun kaya gagawa ako ng paraan para mailayo na siya sa kapahamakan"

"Kung aalis kayo sasama ako" napasuklay na lang ako sa buhok ko.

"At ano? Dadalhin mo ang pahamak sa California? Nandun nga kami para magtago diba? Tapos sasama ka? Brant, baka nakakalimutan mong ikaw ang dahilan kung bakit may nagtatangkang pumatay sa amin ng anak mo" bahagya siyang natigilan sa sinabi ko.

"Kaya nga poprotektahan ko kayo" kinuha niya ang kamay ko at hinawakan iyon ng mahigpit.

"Paano kung pumalya ka? Buhay ang nakataya rito Brant! Buhay! At hindi ko makakaya kung may m-mangyaring masama kay Treyton. Ayos lang na kahit ako na lang ang mapahamak, huwag lang siya" naluluha na ako.

"Walang mapapahamak. Hindi ko naman hahayaang may mangyaring masama sa mag-ina ko" tuluyan nang bumagsak yung luha ko.

"Mommy, daddy... what's happening? Please stop"

Napaluhod na lang ako para makalebel ang anak ko. And there his eyes again, yung mga mata niyang nag-aalala kapag umiiyak ako. At mukhang pati siya ay iiyak na rin.

"Mommy stop crying" pinunasan niya yung pisngi ko.

"Treyton, sana maintindihan mo si mommy ha. Saka ko na ipapaliwanag sayo ang lahat. For now kailangan muna nating mag-impake dahil may nakaabang tayong flight papunta kila Lolo at Lola"

Napaismid ako nang makita kong lumuhod si Brant at niyakap ako.

"Please honey... Huwag kayong umalis" ramdam ko ang pagmamakaawa sa boses niya kas mas lalo akong napaiyak.

At mas lalo akong napaiyak nang gayahin siya ni Treyton at niyakap niya rin ako.

"Gagawin ko ang lahat para masiguro kong ligtas kayo. Hindi niyo naman kailangang umalis. Huwag niyo naman akong iwan" ramdam ko na nababasa na ang balikat ko.

I-is he crying?

"Akala ko ba nagtitiwala ka sa akin? Pagkatiwalaan mo naman ako na kaya ko kayong protektahan"

Napayuko na lang ako at hinayaang magsibagsakan ang mga luha ko. Parang binibiak ang puso ko ngayong nakikita ko siyang umiiyak.

"N-natatakot lang ako Brant. Natatakot lang ako para sa anak natin" kumalas siya sa pagkakayakap at hinawakan ang magkabilang pisngi ko.

Namumula ang mga mata niya at basa rin ang pisngi. Talagang umiiyak nga siya.

"Don't be. I'm here to protect you. To protect our son. I'm going to do everything I can even if it cost my life just to protect you and Treyton"

The Mafia Boss' SonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon