TMBS 7

6.2K 142 0
                                    

"Oh ano na? Sinabi mo na ba?"

"Not yet Nicholas. Not yet"

"What!? Why!? Kaya nga ako umalis ng bahay at hindi umuuwi para makausap mo siya na kayong dalawa lang"

"Hindi ko pa alam kung kaya ko"

"Savannah naman. Lakasan mo ang loob mo. Para sa anak mo"

Bumuntong hininga na lang ako. Paano ko sasabihin kung ako mismo ang naglalayo sa kanya sa sarili niyang ama? I'm sure kapag nalaman niya eh magpupumilit siyang pumunta kay Brant.

"Umuwi ka na. Namimiss ka na ni Treyton"

"Stop diverting the topic Savannah"

Pinagmasdan ko si Treyton habang naglalaro ng kanyang toy sa sofa. Linggo ngayon. At kapag Linggo, wala ako sa kompanya. Nandito ako sa bahay para buong araw na samahan si Treyton. It's like our time together.

Napatingin siya sa akin at nagsalubong ang kilay nang may makita niyang may kausap ako sa phone.

"Mommy who's that? Si Daddy po ba?" tumango ako kaya agad siyang lumapit sa akin.

"Tell him I'm not his----"

"Shut up Nicholas" mahinang sabi ko sa tapat ng speaker ng phone ko.

"Daddy! I want to talk to him" ibinigay ko sa kanya yung phone at niloud speaker ko.

"Hi Daddy, kailan ka po uuwi? Miss na po kita" narinig ko ang pagbuntong hininga ni Nicholas mula sa kabilang linya.

"Soon Treyton. Kapay may sinabi na sayo ang Mommy mo" sinamaan ko ng tingin yung phone ko. Napatingin sa akin si Treyton.

"Mommy ano pong sasabihin mo sa akin?" curious na tanong ni Treyton kaya bigla akong kinabahan.

"A-ah eh, say goodbye to your Dad na muna. Marami pa siyang gagawin" yan na lang ang nasabi ko.

"Okay po. Bye Daddy, uwi ka na po as soon as possible. Gusto ko na pong maglaro kasama kayo. Si Mommy naman po kasi ayaw makipagbarilan sa akin" narinig ko ang pagtawa ni Nicholas sa kabilang linya.

"Siya na lang ang barilin mo Treyton" tingnan mo 'tong pinsan ko. May pagkasiraulo rin talaga.

"No Daddy. That's bad. I don't want my Mommy to be hurt" napangiti ako sa mga salitang binitiwan ni Treyton. He's sweet in his own way.

"Okay. Okay. Huwag mong babarilin si Mommy okay?"

"Yes Daddy. And oh, bilihan mo po ako ng condom pag-uwi mo" nanlaki ang mga mata ko at si Nicholas naman ay mas lalong lumakas ang tawa.

Alam niya kasi na ang sinabi kong condom kay Treyton ay lollipop. Talagang sinabon ko siya ng sermon noong araw na iyon nang makauwi kami. Lintik kasi siya. Kung ano-anong pinagsasasabi sa harap ng anak ko.

"Oo sige Treyton. Ibibili kita ng maraming condom"

"Thank you Daddy!" malawak ang ngiting sabi ni Treyton. Napailing na lang ako dahil sa pag-uusap nila. Bwisit na condom 'yan.

Hindi ko alam kung anong magiging reaksyon ni Treyton kapag dumating ang oras na lumaki na siya at malaman na niya ang tunay na condom. Matatawa na lang siguro siya kapag nalaman niyang buong akala niya ang condom ay lollipop.

Hayop kasi ang Nicholas na 'yan.

Kinuha ko na kay Treyton ang phone para magpaalam na rin kay Nicholas.

"Sinasabi ko talaga sayo Savannah, hindi ako uuwi diyan hangga't hindi mo sinasabi kay Treyton ang totoo"

"Edi huwag kang umuwi bwisit ka"

Iyon ang mga huli kong sinabi bago ko pinatay ang tawag. Bahala siya sa buhay niya. Gusto ko lang namang siguruhin ang kaligtasan ng anak ko. Hangga't kaya ko siyang ilayo sa pahamak, gagawin ko. At ang pinakamabisang paraan ay ilayo ko siya sa kanyang sariling ama.

Nagpunta ako sa tabi ng anak ko at umupo. Kinalong ko siya sa lap ko at inayos-ayos ko ang buhok niya. Hinalikan ko rin ang kanyang pisngi.

"Mommy ano po yung sasabihin niyo?" ayan na naman siya. Nginitian ko na lang siya.

"When the right time comes baby sasabihin din ni Mommy sayo"

"Pero ang sabi po ni Daddy, hindi raw po siya uuwi hangga't hindi niyo sinasabi sa akin yung dapat niyong sabihin" hinawakan ko ang kanyang dalawang pisngi at nakipagnose-to-nose. Gawain na talaga namin ito ng anak ko.

"Huwag kang maniwala sa Daddy mo, nagbibiro lang siya"

Naglaro na siya ulit pero kalong-kalong ko pa rin siya.

"Treyton anak..." nag-angat siya ng tingin sa akin nang tawagin ko siya.

"Why Mommy?" inosente niyang tanong. Pinilit kong ngumiti.

"Will you be mad at me if I tell you something that I should have been told you a long time ago?" nagsalubong ang kilay niya.

"Huh?"

Bumuntong hininga ako. Mukhang hindi niya nagets.

"Ganito na lang, magagalit ka ba kay Mommy kapag nalaman mong nasisinungaling siya?" nawala ang pagkasalubong ng kilay niya.

"Bakit Mommy? Are you lying to me?"

Parang may tumusok sa dibdib ko dahil sa tanong niya. Bumagal din ang paghinga ko. Napakagat na lang ako sa ibabang labi ko at pumikit-pikit para pigilan ang pagtulo ng luha ko.

"N-no baby. Mommy's not lying. I just want to ask you that"

Hinawakan ni Treyton ang mga kamay kong nakahawak sa pisngi niya.

"My answer is no po" napangiti ako sa sinabi niya.

"Really? It's a no?" tumango siya.

"I will never be mad at you Mommy. If you lied to me, I know there's a reason behind that. But I will not be mad at you because you are my mother. I love you Mommy"

Napangiti ako at hindi ko na napigilan ang pagtulo ng aking luha. Niyakap ko kaagad ang anak ko dahil ayokong makita niya akong umiiyak.

I am so glad na matalino si Treyton at mabilis siyang maka-intindi.

"I love you too son. Mommy loves you so much"

The Mafia Boss' SonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon