Special Chapter 1

3K 61 2
                                    

"Mommy! Mommy! Wake up! Wake up!"

Nagising ang diwa ko nang may yumuyugyog sa akin. At pagmulat ko, bumungad sa akin si Treyton na nakasampa rin pala sa kama at katabi ko na. Tumingin ako saglit sa wall clock ko rito sa kuwarto at napakunot ang noo ko nang makita kong alas sais pa lang ng umaga.

"Treyton anak, ang aga-aga pa. And as far as I remember, Linggo naman ngayon at hindi ako papasok sa company" ani ko at dahan-dahang umupo.

And to my surprise, bigla siyang pumaibabaw sa akin at niyakap ako ng mahigpit.

"Happy birthday mommy! Happy birthday to the most amazing woman in my life!" I was stunned by what my son said.

It took me a couple of seconds before I realized what's the event for today.

"Oh, thank you son" sa sobrang dami kong inasikaso kagabi, nakalimutan kong kaarawan ko pala ngayon. Kung hindi siguro binanggit ni Treyton, baka nakalimutan ko pa.

Niyakap ko pabalik si Treyton at hindi ko napigilan ang mapangiti nang halikan niya ako sa pisngi at nakipag-nose-to-nose sa akin na lagi naming ginagawa.

"Atsaka pinapasabi po ni daddy na happy birthday rin po" nawala ang ngiti ko nang pumasok sa isipan ko si Brant. Tsk.

"Sagutin mo na rin daw po yung messages and calls niya" hindi ko pinansin ang sinabi ng anak ko.

"Anong gusto mong breakfast baby boy? Ipagluluto kita. Gusto mo bang mamasyal tayo mamaya or kumain tayo sa labas?" pag-iiba ko ng usapan.

"Without daddy?" I nodded.

"As if namang uuwi siya. May balak pa ba siyang umuwi? My goodness, sinong matinong asawa ang bigla na lang mawawala ng tatlong araw nang hindi man lang nagsasabi kung saan siya pupunta?" natawa bigla si Treyton.

"I see. Mommy is pissed-off" komento niya.

"Nakakainis kasi yang daddy mo! Tatlong araw siyang hindi nagpaakita. Ikaw ba anak may alam ka kung bakit umalis ang daddy mo?" mas lalong napaawang ang labi ko nang tumango siya.

"Not exactly but he told me that he's going to catch bad guys"

"Then why didn't you tell me?"

"Kagabi niya lang din po sinabi sa akin when he called me in my iPad. And he also said that he left you a note before he left" napasuklay na lang ako sa buhok ko at bumuntong hininga.

Oo nga may note siyang iniwan. Pero anong nakalagay? Ang sabi niya aalis lang daw siya. Lintik na alis yan. Parang sobrang layo ata. Baka naman naligaw na?

"But mommy, there's a good news" sabi niya at ngumiti ng malawak.

"And what is it?"

"Uuwi na raw po si daddy ngayon" napapoker-face na lang ako.

"Sabihin mo kahit huwag na. Sagarin niya na, mga isang linggo o isang buwan na kamo siyang huwag umuwi" ngumiti na naman si Treyton at pinisil ang aking pisngi.

"Mommy ang cute niyo po kapag nagtatampo kayo. Huwag ka na po magalit kay daddy, uuwi naman na po siya ngayon" hinawakan ko ang magkabilang pisngi ni Treyton.

"Ikaw ha, kinakampihan mo ang daddy mo. Magtatampo rin ako sa-----" hindi ko natapos ang sasabihin ko nang mapahawak ako sa bibig ko dahil bigla na namang parang umikot ang sikmura ko.

"Mommy? Are you okay?"

Hindi ko na nasagot si Treyton dahil nagmadali akong bumangon at umalis sa kama. Dumiretso ako sa cr at sumuka sa may sink.

The Mafia Boss' SonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon