TMBS 8

6.2K 160 0
                                    

"Baby boy, come here. Kakain na tayo" tinawag ko si Treyton mula rito sa kitchen dahil tapos na akong magluto.

Nakailang tawag na ako pero walang Treyton na dumadating kaya napagpasyahan kong umalis sa dining area at puntahan ang anak ko sa sala. Nagsalubong ang kilay ko nang makita ko siyang parang may kausap sa phone.

Sinong kausap ng batang ito? Si Nicholas ba?

"Treyton" tawag ko sa kanya. Napatingin siya akin at biglang nanlaki ang kanyang mga mata. What for?

Nakita kong may pinindot siya sa phone ko at parang may pinatay na something.

"What's that anak? May kausap ka ba?" mabilis siyang umiling.

"Wala po Mommy. Naglalaro lang po ako" tumango na lang ako at lumapit sa kanya para buhatin siya.

"Let's go na. Nagluto ako ng favorite mong beef steak"

"Really po?" hindi makapaniwalang sabi niya. I nod.

"Mommy let's go. I want to eat"

Nakangiti ko siyang dinala sa dining area. Nakaready naman na sa lamesa ang pinagkainan namin. Hindi ako kumuha ng Yaya ni Treyton dahil gusto kong ako ang magpalaki at mag-alaga sa kanya though busy ako sa kompanya. Ayoko kasing mafeel niya na nawawalan ako ng oras sa kanya.

Lalo pa't busy kaming dalawa ni Nicholas sa kompanya.

"This is so delicious Mommy" napangiti ako nang purihin ni Treyton ang luto ko.

"Dahan-dahan lang sa pagkain. Baka mabulunan ka"

Paborito niya kasi ang beef steak. Perahas sila ng ama niya. Naiiling ko na lang ang aking ulo. Bakit ba pumasok siya sa isipan ko? Aish.

"Mommy when I grow up, can I learn how to use guns?" napatigil ako sa pagkain at hindi ko alam pero parang kinabahan ako sa sinabi niya.

Yes, I know mahilig siya sa mga baril na laruan pero hindi ko inaasahan na tatanungin niya ako tungkol doon.

"B-bakit mo naman naitanong iyan anak?" ngumiti siya.

"Because they look so cool! And besides, Uncle Brant told me that he will teach me how to use it someday when I'm already grown up"

Agad na kumunot ang noo ko nang banggitin niya ang 'Uncle Brant'.

"What did you say Treyton? Uncle Brant? Nagkausap kayo?"

Pero paano? Saan? Eh hindi ko naman pinapalabas itong si Treyton nang hindi ako kasama.

"Yes Mommy. Kanina po sa phone mo"

What the ef? Sa phone ko!?

"How baby? Paano?"

"Noong bumisita po kasi tayo sa bahay niya, may ibinigay siya sa aking number and he told me to call him whenever I feel I want to. And I dialed his number earlier po"

Napasapo ako sa aking noo at dali-daling bumalik ng sala para kuhanin sa sofa ang phone ko. Pinuntahan ko ang recent contact na tinawagan ni Treyton at may unregistered number nga rito.

Shit. Hindi ata maganda na maagang natuto itong si Treyton na kumontact ng tao.

Bumalik ako sa dining area at nakita ko ang nag-aalalang mukha ni Treyton.

"A-are you mad at me Mommy because I did not tell you that I contacted Uncle Brant" nababahalang tanong ng anak ko and I can see he was about to cry.

Kaya mabilisan akong lumapit sa kanya at hinaplos-haplos ang kanyang buhok.

The Mafia Boss' SonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon