TMBS 9

6.1K 138 3
                                    

"Don't be scared Treyton. Uncle Brant's here. I'll protect the both of you"

A-anong ginagawa ng isang iyan dito? Paano siya napadpad sa isang amusement park? Ramdam kong wala nang tumutulong ulan sa katawan ko at narealized ko na pinapayungan niya na pala kami.

I was about to speak nang may ilagay si Brant sa tenga ko na siyang ikinatigil ko. An airpods. May tumutugtog din dito kaya hindi ko na naririnig ang kulog at tanging ang music na lang ang naririnig ko.

I saw him smiled to me which made my heart beat fast. Again.

Napangiti si Treyton nang makita niya si Brant. May sinabi siya rito na hindi ko narinig dahil nga sa suot kong airpods. Tumango naman si Brant at tumingin sa akin. And the next thing I knew, hinawakan ni Brant ang kamay ko. At halos magwala ang puso ko dahil sa ginawa niya.

Hindi pa man ako nakakarecover nang hilain na niya ako but still, pinapayungan niya pa rin kami.

Hanggang sa nakarating kami sa kotse ko at agad kong ipinasok si Treyton sa loob. Hindi ko nga alam kung paano nalaman ni Brant kung saan nakaparking ang kotse ko. Tinanggal ko na rin ang suot ko sa tenga para magkarinigan na kami.

"Mommy basa po ang damit mo, baka magkasakit ka" nginitian ko na lang si Treyton.

"Ayos lang ako baby. Pagkauwi natin, doon na lang ako magpap-----"

"Here, wear my shirt"

Naibaling ko ang aking tingin kay Brant. Nakaupo pala siya sa driver's seat at nanlaki ang mga mata ko nang makita kong topless na siya.

"H-hoy Brant, bakit ka naghuhubad!?" 

"Just wear it Savannah. I don't want you to get sick" kumunot ang noo ko sa sinabi niya.

"Pero—-"

"Just wear it. Please?"

Bumuntong hininga na lang ako nang gamitan niya ako ng mga nangungusap niyang mata. Kaya wala na akong nagawa kundi ang kuhanin ang damit niya inaalok niya.

Maghuhubad na sana ako nang marealized ko na may kasama pala ako sa sasakyan. Ayos lang naman kung si Treyton pero hindi kay Brant! For goodness sake, nakatingin pa siya sa akin.

"Gago ka, tumalikod ka nga! Magbibihis ako!" ngumisi siya.

"What's with the reaction? Nakita ko naman na ang buong katawan mo Sav" nag-init ang pisngi ko dahil sa sinabi niya.

"Tangina mo. May bata tayong kasama" tumawa na lang siya at laking pasalamat ko nang tumalikod na siya.

Tinanggal ko naman na ang suot kong damit at sinuot ang t-shirt na binigay niya. Oversized ang dating nito sa akin pero ayos lang. Amoy na amoy ko rin ang pabango niya.

"I'm done" saad ko at agad naman siyang lumingon sa amin ni Treyton.

"I'm sending you home" umiling ako bilang pagtutol.

"Huwag na Brant. Salamat na lang. Bumaba ka na ng sasakyan ko at ako na ang magdadrive diyan"

Nandito kasi kami ni Treyton sa likuran. Kaya hinawakan ko na yung pinto at bubuksan na sana nang tawagin ako ni Brant.

"Savannah, huwag ka nang makulit. Ihahatid ko na kayo"

And for the second time, hindi na naman ako naka-angal pa. Wala na akong nagawa nang pinaandar na niya yung sasakyan ko.

Napatingin ako sa kanya na nagdadrive habang topless. Punyeta. Siya na hot.

Hindi naman ito ang unang beses na nakita ko siyang nakatopless pero iba pa rin talaga ang dating sa akin. Letseng buhay nga naman to oh. Pansin ko rin yung tahi sa tagiliran niya. Pero mukhang ayos naman na ito.

The Mafia Boss' SonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon