TMBS 27

4.4K 93 1
                                    

"Kailan mo pa natanggap itong mga envelope na 'to?"

"Yung una ay week after pagkatapos ng birthday ni Treyton then yung pangalawa ay kahapon lang" sagot ko sa tanong ni Brant.

Nandito kami ngayon sa bahay at ang dami ngang nakapalibot na mga men in black sa labas. Pinadala iyon ni Brant dito para daw may bantay at mapanatag ang kalooban ko. Hindi naman na ako umangal dahil alam kong para ito sa security ng aming pamilya.

Si Treyton ay natutulog muna sa kwarto niya dahil pinatulog ko talaga. Mag-uusap kasi kami ngayon ni Brant at Elvis tungkol sa nangyayari.

"Wala ka bang napapansin na nagmamanman sayo? Creepy na tao? Or nawiweirduhan? Ganun? Wala ba?" napatingin naman ako kay Elvis.

"Nagmamanman, wala talaga. Nawiweirduhan, wala naman akong napapansin. And creepy na tao mukhang wa-----" natigil ako sa pagsasalita nang biglang may pumasok sa utak ko.

The man whom i accidentally bumped into. Boy tattoo. I saw him fter my appointment with Ms. Delavin and also when we were eating in the restaurant. The way he smirks, the way he look at me. It gives me creeps and shivers.

"Honey? Meron ba?"

Tumango ako dahilan para mapaayos sila ng upo.

"Who the fucking hell is he?" gigil na tanong ni Brant.

"I don't know who is he. Marami siyang tattoo. Tapos nung nakabangga ko siya habang naglalakad ako, nginisian niya ako na hindi ko alam para kung saan. Nakita ko rin siya sa isang restaurant na nakatingin sa akin. Basta ang creepy niya. And I even saw him again nung kumain tayo kasama si Treyton nung isang araw. Ilang beses ko na siyang nakita at sa tingin ko ay nagmamanman din siya"

"Pwede mo bang sabihin sa amin Savannah kung anong itsura niya bukod sa marami siyang tattoo?" tanong naman ni Elvis.

"Medyo malaking tao rin siya, matangkad, maputi, given na yung maraming tattoo, may itsura din----ah basta ang creepy niya"

Nagkatinginan naman yung dalawa at nagtanguan. Hanggang sa binuksan ni Elvis yung laptop niya at may kung anong ibinibrowse.

"Siya ba yung tinutukoy mo Savannah?" iniharap sa akin ni Elvis yung laptop niya at nagflash doon ang isang picture na nakapagpalaki sa mata ko.

"Y-yeah. Siya nga" sagot ko at narinig ko ang malutong na mura ni Brant. Napahawak ako sa kamay niya dahil pakiramdam ko ay nagsitaasan na naman ang mga balahibo ko nang makita ko ang picture.

"Fuck that bastard. Anong karapatan niyang takutin ang mag-ina ko? Gigilitan ko talaga siya ng leeg" nagsalubong ang kilay ko.

"Kilala niyo ba siya?" hindi sumagot si Brant pero si Elvis tumango.

"He's Ferno De Guzman. Dati siyang miyembro ng Mafia pero tinanggal na siya ni Brant dahil traydor ang gagong yan" sabi ni Elvis.

"Sa papaanong paraan siya naging traydor?"

"Isa siya sa mga upper dati sa Mafia pero nung malaman kong siya pala ang nagtatakas ng mga armas namin at ipinagbebenta sa mas mahal na presyo, agad ko siyang tinanggal. Nagalit pa yan nang tanggalin ko. At sa tingin ko yun ang pinuputok ng butsi ng gagong yan kaya naghihiganti siya ngayon. Pasalamat na lang talaga siya at binuhay ko pa siya"

Anong karapatan niyang magalit kung nagawa niya palang magtraydor?

"Hindi kasi matanggap ng tanginang yan na wala na siya sa Mafia kaya siguro nanggugulo ng buhay" dagdag pa ni Elvis.

Napatayo na lang si Brant at napahilamos sa mukha niya.

"Sigurado akong siya ang nagpadala sayo ng mga litrato at siya rin ang hudas na kumidnap kay Treyton" humarap sa akin si Brant habang nakapamewang pa. Nakatayo kasi siya. Sila ni Elvis.

The Mafia Boss' SonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon