Special Chapter: Last

3.6K 91 4
                                    

~ 3 months later ~

"CEO, ako na po ang bahalang mag-ayos ng table niyo. Mabuti pa at umuwi ka na lang at magpahinga" napangiti ako sa sinabi ni Shaggy.

"Shaggy naman, para namang mabigat na trabaho ang pag-aayos ng table" natatawa kong saad.

"Buntis ka kasi CEO. Nag-iingat lang"

"Asus. Kayang-kaya ko 'to. Ikaw ba? Hindi ka susunduin ni Elvis?" hindi ko alam pero bigla siyang natawa.

"Naku, si Elvis? Ayun nagtatampo sa akin" nagsalubong ang kilay ko.

"Huh? Bakit naman? Nag-away kayo?" lumapit siya sa akin at tinulungan ako sa ginagawa ko.

"Hindi ko kasi siya nasipot kagabi sa lakad namin kasi nga diba nag-over time tayo. Sinabihan ko naman siya tungkol doon pero ramdam kong nagtatampo siya" nanlaki ang aking mga mata.

"Oh ghad. Is it my fault then because I decided to have an over time yesterday? Bakit kasi hindi mo sinabi sa akin?" mabilis siyang umiling.

"Oh no not CEO. Wala ka pong kasalanan. Alangan namang nag-over time ka pero ako hindi? Atsaka isa pa, ang sabi ng asawa mo, bantayan kita"

Napabuntong hininga na lang ako. Alam ko naman yung hininging pabor ni Brant kay Shaggy. Na imonitor ang kalagayan ko. Wala naman silang dapat ikabahala dahil hindi naman ako gagawa ng bagay na ikapapahamak ng baby sa sinapupunan ko.

"Why don't you go to him now?" suhestyon ko.

"Pupuntahan ko na lang siya mamaya sa unit——-" hindi na natapos ni Shaggy ang kanyang sasabihin nang bumukas ang pintuan ng aking office.

"Savannah?"

Napataas ang dalawa kong kilay nang makita ko si Brant at Elvis dito sa aking office.

"Brant? Anong ginagawa mo rito?" kaagad kong tanong. Naglakad naman siya palapit sa akin.

"As usual, to fetch you"

"Akala ko bang hindi mo ako masusundo ngayon dahil magfifiring kayo ni Treyton?" tanong ko na naman.

"Paano, yung isa diyan nagyaya. May kailangan daw kausapin" ngising sabi ni Brant at tinapunan ng nakakalokong tingin si Elvis. Napa-ahh na lang ako at si Elvis naman ay nag-tsk.

"Okay. So paano ba yan, iwan na muna natin silang dalawa" sabi ko na sinang-ayunan ng aking asawa.

"Yeah. We should"

Kinuha ni Brant ang bag ko na nasa table at isinukbit sa kanyang braso. Tapos ay hinawakan niya ang kaliwang kamay ko.

"Paano ba yan, maiwan na namin kayo" sabi niya. Tiningnan ko si Shaggy at sumenyas na mauuna na kami. Nginitian niya lang ako at tumango. Pero bago kami umalis, bumulong ako kay Elvis.

"Huwag ka nang magtampo. Kung alam ko lang na may date kayo kagabi, pinauwi ko na siya kaagad. But to compensate for it, she's all yours now. Wala munang over time" nakangiting sagot ko. Nginisian na lang ako ni Elvis.

"Hindi naman ako nagtatampo. Trip ko lang magdrama. Tinuruan kasi ako niyang si Brant" natawa naman ako.

"Gago. Anong pinagsasasabi mo diyan?" asik ni Brant.

"Effective raw kasi ang pagdadrama para makuha ang loob ng babae" dahil doon, nakatanggap na ng batok si Elvis mula kay Brant.

"Shut the fuck up Elvis. Gawa-gawa ka na naman" tumawa na lang si Elvis.

"Psh. Sige na. Alis na" pantataboy sa amin ni Elvis. Natatawa na lang akong hinila si Brant palabas ng office ko.

"Anyway, nasundo mo na ba si Treyton?" umiling siya.

The Mafia Boss' SonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon