TMBS 16

5.5K 131 0
                                    

"Kumpleto na po ang lahat ng files CEO" tinanguan ko si Shaggy.

"Salamat sa pag-asikaso Shaggy. Pakisabi kay Gony, ang head ng Marketing Department na puntahan niya ako rito sa office ko bago siya umuwi"

"Yes po CEO"

Pinagmasdan ko ang mga kalat-kalat na papeles dito sa table ko. Doble-kayod kasi ako ngayon.

Si Nicholas kasi ay nasa Japan para sa business trip. Dapat ako ang nandoon pero one week kasi ang itatagal at kung sakali, wala ako sa birthday ng anak ko kaya siya na lang ang pinapunta ko sa Japan.

Two days na lang kasi at birthday na ni Treyton. Kaya ito, ako na rin ang umaasikaso ng mga dapat gawin ni Nicholas.

I can't miss my son's birthday.

Mabuti na lang talaga at nasaktong Linggo ang birthday niya kaya hindi ko kailangang mag-absent sa kompanya. Nag-iisip na nga rin ako ng pwedeng iregalo sa kanya at kung saang lugar ko siya pwedeng dalhin sa araw ng birthday niya.

I tried to convince him na magpaparty pero ayaw talaga. Ayaw niya talaga sa party. Gusto niya kami-kami lang. Simpleng celebration lang ba. Kaya lang nabawasan pa. Wala si Nicholas kaya dalawa lang kaming magcecelebrate ng birthday niya.

Nagdaan ang hapon at natapos ko na ring kausapin si Gony. Hindi naman nagtagal ang pag-uusap namin at natapos din kaagad. Then after, lumabas na ako ng kompanya para sunduin si Treyton. Sa bahay ko na lang itutuloy ang mga hindi ko natapos kanina. Oras na rin kasi at baka kanina pa naghihintay sa akin ang anak ko.

Pero nagsalubong ang kilay ko nang wala akong madatnan na Treyton sa waiting shed. Tiningnan ko ang oras sa wrist watch ko. 4:35 pm. Alas kwatro pa lang ay labasan na nila. Overtime? Baka nga nag-over time.

Naghintay pa ako ng ilang minuto pero nang makita kong walang lumalabas ay saka na ako bumaba ng kotse ko. Lumapit ako sa guard.

"Hindi pa po ba lumalabas ang mga bata?" tanong ko kay manong guard.

"Ay Ma'am, kanina pa po sila lumabas. Ang totoo nga po niyan ay napaaga ang pagdismiss sa kanila. Alas tres pa lang ay pinalabas na sila kaya wala na pong bata sa loob" nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ng guard at bigla akong kinabahan.

"P-po? Nasaan po ang anak ko?"

"Ay ma'am, hindi ko po alam"

"Wala po ba kayong nakitang batang lalaki rito na naghihintay sa waiting shed?" natataranta kong tanong.

"Marami pong batang naghihintay diyan kanina at sigurado po akong may nagsundo na po sa kanilang lahat. Hindi naman po aalis ang mga bata hangga't wala silang sundo"

Balisa akong bumalik sa sasakyan ko. Nilabas ko ang phone ko at tinawagan si Nicholas. Pero letse lang, nakalimutan kong nasa Japan siya kaya hindi ko siya macontact.

Umalis ako at sinubukang magreport. Pero ang tanging sinabi sa akin ay kailangan muna raw umabot sa 24 hours ang pagkawala ng anak ko bago sila magbigay ng aksyon. But damn! Paano na lang kung may nangyari nang masama sa anak ko!?

Kung maaga silang pinalabas, it means kanina pa naghihintay sa akin ang anak ko. At kung may sumundo man sa kanya, sino? Para na akong masisiraan ng ulo sa kakaisip kung sino ang pwede sumundo sa kanya o kung nasaan siya. Pakiramdam ko rin ay maiiyak na ako anumang oras.

Bumalik ako ulit ng kompanya para icheck dahil baka may naghatid sa kanya doon pero wala. Umuwi rin ako sa bahay pero wala akong nadatnan na Treyton. Tuluyan na akong naluha.

Hindi na ako makapag-isip nang maayos dahil sa katotohanang nawawala ang anak ko. Nawawala ang anak ko! Gusto kong manghingi ng tulong pero kanino ako manghihingi ng tulong?

At napatigil ako sa pagkataranta nang may isang taong pumasok sa utak ko. Napakagat ako sa aking ibabang labi. Should I ask for his help? Bumuntong hininga ako. There's no time for pride here.

Nawawala ang anak ko at gagawin ko ang lahat para mahanap lang siya.

---------------------

Nang makarating ako sa tapat ng unit niya, hindi ako nagdalawang-isip na magdoorbell. Halos sirain ko na nga yung button dahil sa paulit-ulit kong pagpindot. Pero ang nakakainis lang, walang lumalabas. Walang response. Kumaway-kaway pa ako sa cctv dahil nagbabakasakali akong may makakita sa loob.

"Brant, please open the door! I badly need your help!" kinakalampag ko na rin ang kanyang pinto pero wala talaga.

Napaupo na lang ako sa lapag at napahagulgol. I am screwed. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Para na akong mamamatay sa sobrang pag-aalala.

Nasaan ang anak ko? Ano nang ginagawa niya? Sinong kasama niya? Ano nang nangyayari sa kanya?

Napatigil ako sa paghagulgol nang makarinig ako ng pagtunog. Hudyat ng pagbukas ng elevator. At para akong nabuhayan nang makita ko siya. May mga tauhan din siyang kasama na nasa kanyang likuran. Gaya ng dati ay nakasuit and tie pa rin siya. Lumabas sila ng elevator at napatigil siya nang makita ako.

"S-Savannah?" hindi makapaniwalang tanong niya nang makita ako.

Siguro ay nagtataka siya kung bakit ako nakasalampak dito. Dali-dali akong tumayo at tumakbo sa kanya habang umiiyak. Hindi ko na kasi mapigilan ang pagtulo ng luha ko.

"Fuck! Why are you crying?" natataranta niyang tanong at hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko para punasan ito gamit ang kanyang hinlalaki.

"P-please help me Brant. I'm begging you"

"Why? What happened?"

"N-nawawala ang anak ko. Nawawala si Treyton"

Nanlaki ang mga mata niya at tila nagulat sa sinabi ko.

"P-parang-awa mo na. Tulungan mo ako" pagmamaka-awa ko sa kanya. At mas lalo akong naluha nang ikulong niya ako sa kanyang mga bisig.

"Don't worry Savannah, I'll help you to find your son"

Hinawakan ni Brant ang kamay ko at iginiya ako papasok sa unit niya. Kaagad niya akong pinaupo at binigyan ng maiinom.

"Tell me what happened"

"H-hindi ko alam. Basta bigla na lang nawala ang anak ko. Hindi siya yung tipo na basta na lang aalis hangga't walang sundo. Pero hindi ko siya nadatnan kaya sigurado akong may sumundo sa kanya. M-may kumuha sa anak ko"

Nagsibuhusan na naman ang mga luha ko. At kaagad na hinawakan ni Brant ang kamay ko.

"B-Brant please hanapin mo na siya. Hindi ko kayang may mangyaring masama kay Treyton" mabilis na tumango si Brant.

"I will Savannah. Tutulungan kitang hanapin ang anak mo. And besides, he's also important to me. Napalapit na rin sa akin si Treyton"

Nginitian ko na lang siya.

"Just stay there and please stop crying. You know it hurts me too whenever I see you cry"

Hinawakan niya ang mukha ko at siya na mismo ang nagpunas ng mga luha ko na walang habas na dumadaloy sa pisngi ko.

"Trust me in this one, okay? I'll find him no matter what"

Hinawakan ko rin ang kamay niya at dali-daling tumango.

"I trust you Brant"

Napapikit na lang ako nang yakapin niya ako. Sobra-sobra akong natatakot dahil nawawala si Treyton. Pero magtitiwala ako kay Brant na mahahanap niya ang anak ko.

Wherever you are Treyton, I hope you're safe.

The Mafia Boss' SonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon