TMBS 19

6.2K 144 1
                                    

Nagising ako na bumungad sa akin ang mukha ng aking mag-ama. Nasa iisang kama lang kaming tatlo. Ako ang nasa kaliwa, si Treyton sa gitna at si Brant naman ang nasa kanang bahagi ni Treyton. They are both sleeping. Tiningnan ko ang orasan. Halos mag-aalas nuebe na pala.

Puyat ang inabot namin kagabi dahil nga sa mga pangyayari.

Isinalaysay rin nila sa akin ang nangyari kung paano nila naligtas ang anak ko. Hindi nila alam kung anong pakay niya sa pagkidnap sa anak ko pero nakatakas pa rin daw ito. At ang laki ng utang na loob ko sa kanila, lalo na kay Brant dahil kung hindi dahil sa tulong nila, baka napaano na si Treyton. Mabuti na lang talaga at naibalik nilang maayos at walang galos si Treyton.

Nakayakap ngayon si Treyton sa kanyang Daddy at ganon din si Brant. Nakayakap sa kanya pabalik. Hindi ko na naman mapigilang maging teary-eyed dahil sa nakikita ko. Paniguradong magugulat si Nicholas pagbalik niya kapag nalaman niyang alam na ni Brant ang totoo. Inayos ko ang pagkakakumot ng dalawa at bumangon na ako sa kama.

Lumabas na ako ng kwarto. Actually, tatlo ang kwarto ni Brant dito sa unit niya. Yung isa ay kwarto raw ni Elvis at ng iba niya pang tauhan tapos yung isa naman ay monitoring room.

Itinali ko ang buhok ko at nagpunta sa kusina. Nagtoothbrush na muna ako rito since may tootbrush naman ako dahil nga nagpabili si Brant ng mga gamit namin kagabi.

Pagkatapos ay nagbukas ako ng ref and good to know na marami namang stack ng pagkain. Medyo marami-rami akong lulutuin ngayon dahil marami kami rito.

Normal breakfast lang naman ang iluluto ko. Nagsuot na ako ng apron. Binuksan ko na rin yung stove at nilagay ang frying pan. Hotdog, sausage, spam, bacon, at omelet ang balak kong iluto. Iyon naman ang mga nakita kong breakfast food sa refrigerator.

Kasalukuyan akong nagluluto ng hotdog nang mapatigil ako dahil may kamay na pumalupot sa aking bewang. Alam ko na kung sino ito dahil amoy pa lang niya, kilalang-kilala ko na. Nakabackhug siya sa akin at isinandal niya pa ang kanyang baba sa balikat ko.

Parang nasama pa ako sa niluluto ko dahil biglang nag-init ang aking buong katawan nang halikan niya ako sa leeg.

"Good morning honey"

Damn his morning greetings!

"Ano ba Brant. Lumayo ka nga sa akin. Nakita mong nagluluto ako eh" umiling siya.

"I missed this. I missed cuddling with you. I missed kissing you. I just missed everything about you Savannah" nag-init ang pisngi ko sa sinabi niya.

"Woah. Woah. Woah. Gandang bungad naman sa paningin" bigla kong naitulak si Brant nang marinig ko ang boses ni Elvis.

Lumingon ako saglit sa likod at para akong nahiya nang makita kong nakangisi si Elvis. Shit lang.

"Fuck you Elvis. Panggulo ka masyado. Bakit hindi ka na lang maghanap ng babae mo nang hindi ka nanggugulo?"

"I told you, bigyan mo na kasi ako" casual na sagot ni Elvis.

"Talagang inuutusan mo pa ako?"

Lihim na lang akong napangiti dahil sa paraan ng pag-uusap ng dalawa. Kahit ganon sila mag-usap, halata namang close sila sa isa't isa. Malamang ay magkasama sila sa organisasyon.

Nang matapos akong magluto, ay siya rin namang paggising ng lahat. Pati ang baby boy ko ay nagising na rin.

Nakatayo siya sa tapat ng kwarto at kinukusot-kusot pa ang kanyang mga mata. Napatingin ako sa gilid ko at nakita ko si Brant na malawak ang ngiti. Naglakad siya palapit kay Treyton at binuhat ito.

"Good morning son" nakangiting bati ni Brant sa anak namin.

"Good morning too Daddy" mas lalong lumawak ang ngiti ni Brant.

The Mafia Boss' SonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon