TMBS 32

4.6K 98 5
                                    

"S-saan mo ako d-dadalhin!?"

Walang habas niya akong hinila palabas. Ni hindi pa nga ako makalakad ng maayos kaya guyod-guyod niya ako habang hawak ang kamay ko. Letse tong lalaking ito! Walang puso!

Pero laking pasasalamat ko na nilabas na niya ako sa kwartong iyon dahil akala ko mamatay na ako sa lamig sa loob. At sa kasalukuyan, may naririnig pa rin akong mga palitan ng putok ng baril sa kung saan.

Hindi niya ako sinagot. Sa halip ay basta niya lang akong hinihila. Napamura na lang ako nang sumagi ako sa kung saan at nakaramdam ako ng hapdi sa may tagiliran ko. Liningon ko yun at nanlaki ang mga mata ko nang may hiwa na yun at nagdurugo na. What the? Saan ako tumama?

"Ferno!"

Napatigil si Ferno sa paghila sa akin nang may umalingawngaw na buo at nakakatakot na pagsigaw. Ang boses na iyon. Kilala ko kung sino ang nagmamay-ari ng boses na yun!

Agad kong hinanap kung saan nanggaling ang pagsigaw at naluha na lamang ako nang makita ko siya. Tama ako. Siya nga. May hawak pa siyang baril sa kanang kamay niya.

Hindi ko napigilan ang mapangiti kahit na nasa komplikadong sitwasyon ako. Masaya ako na dumating siya para sa amin.

Hinila ako patayo ni Ferno at sinakal niya ako gamit ang kanyang kaliwang braso pero hindi pa ito masyadong madiin kaya nakakahinga pa naman ako. At parang nanlamig ang buong katawan ko nang maramdaman ko ang dulo ng baril sa gilid ng noo ko.

"Gago ka! Anong ginawa mo sa kanya!?" nanggagalaiting sabi ni Brant nang makita ang kalagayan ko.

"B-brant..." lumuluha kong saad dahilan para mas umawang ang bibig niya. Nakikita ko ang sobrang galit sa mga mata niya.

"Isang maling galaw Levine at papatayin ko 'tong asawa mo" natigilan si Brant dahil sa sinabi ni Ferno. Pero nawala rin iyon at ngumisi siya.

"You sure?" mapang-asar na sabi ni Brant.

"Of course I am fucking sure! At hindi lang pala siya, may isa pa"

Nakita kong lumabas sa kung saan ang isang lalaki habang hila-hila ang anak ko.

"T-treyton anak..." kahit papaano ay nakahinga ako ng maluwag dahil nakita kong buhay pa ang anak ko. Pero letse lang, may nakatutok din na baril sa ulo niya.

"Mommy, daddy" seryoso ang pagkakasabi ng anak ko nun.

At hindi ko alam pero iba ang nakikita ko sa kanya ngayon. Kung normal na bata ay matatakot na sa ganitong sitwasyon pero siya hindi. Wala akong nakikitang takot sa kanya.

Treyton anak?

Ang expression niya ay katulad ng sa daddy niya. Mabagsik at mukhang mapanganib. Na para bang anong oras ay handa itong makipaglaban.

"Don't hurt my mommy" maawtoridad at madiin na sabi ni Treyton.

Nagugulat ako sa ipinapakita niya ngayon. Hindi ko ito inaasahan.

"Nagmana sayo ang anak mo no Levine? Pero sayang lang at mamamatay ang dalawang taong importante sa buhay mo"

"Hayop ka Ferno. Wala ka na talagang magawang matino sa buhay mo"

"Mas hayop ka Brant! Nagmakaawa ako sayo noon pero hindi mo ako pinakinggan!"

"Dahil nararapat lang sayo yun. Isa kang malaking gagong traydor"

Habang nagpapalitan sila ng masasakita na salita, naghahanap ako ng tsempo kung paano ako makakatakas sa kamay ni Ferno. Pero hindi ko alam kung paano dahil alam kong isang maling galaw ko lang ay maaari kong ikamatay.

The Mafia Boss' SonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon