TMBS 21

5.7K 128 7
                                    

"Letse ka Brant! Huwag ka ngang maingay! Baka magising ang anak natin!"

"Hindi ako ang maingay honey, ikaw. See? Nagtataas ka nga ng boses" kinurot ko na lang siya sa tagiliran niya kaya napa-aray siya.

"Sabing huwag kang maingay eh!"

Para na kaming mga siraulo na nagtatalo rito sa kwarto ni Treyton. Ngayon ang birthday niya at inaayusan lang namin ang kanyang kwarto. May mga sinabit-sabit lang kaming kung ano-ano. Binilhan na rin namin siya ni Brant ng cake. Gusto ko kasi paggising niya ay kaming dalawa agad ni Brant ang bubungad sa kanya.

"Shit! Fuck! Shit!" pinanlakihan ko ng mata si Brant dahil sa sunod-sunod niyang pagmura.

"Siraulo ka talaga! Sinabi nang huwag maingay eh! Napano ka ba!?" irita kong tanong sa kanya.

Lumapit naman siya sa akin habang may hawak na thumbtacks.

"Natusok ako" napapoker face na lang ako.

"Bwisit ka talaga. Nabaril ka na nga't lahat-lahat, thumbtacks lang 'yan Brant. Hindi ka mamamatay diyan"

"Kahit na masakit pa rin. See? It's bleeding" pinakita niya sa akin yung thumb niyang dumudugo nga.

"Oh my ghad, it's bleeding!" taranta kong sabi at agad niyang tinakpan ang bibig ko.

"Ssshhh! Natutulog pa ang anak natin!" tinabig ko ang kamay niya.

"Sinong nagsabing takpan mo ang bibig ko!? Dumudugo yung daliri mo Brant! Dumudugo!"

"Sabi mo hindi ko naman ikamamatay 'to" saglit ko siyang sinamaan ng tingin.

Kinuha ko ang kamay niya at pinunasan yung thumb niya gamit ang panyo sa aking bulsa. Good thing may panyo ako sa bulsa.

At ang loko, ang lawak ng ngisi kaya naman diniinan ko ang pagpunas sa thumb niya.

"Aww fuck!" daing niya.

"Mommy? Daddy?"

Sabay kaming napatingin ni Brant kay Treyton nang magsalita siya. Shit naman oh! Sa inis ko ay siniko ko si Brant na nasa tabi ko lang at binigyan niya ako ng kunot noong mukha.

"What was that for?" kunot noong tanong niya.

"Letse ka kasi! Ang ingay mo at talagang nagmura ka pa! Ayan tuloy nagising na si Treyton!"

"Ikaw kaya! Kasalanan mo naman"

"At talagang ako pa ang may kasalanan? Sino ba ang sumigaw?"

"Kung hindi mo ba naman kasi diniinan ang pag-----" hindi niya natapos ang sasabihin niya dahil narinig naming tumawa si Treyton.

Bakit siya tumatawa?

"Daddy, Mommy, what did you do to my room?" tumatawa niyang tanong habang pinagmamasdan ang palibot ng magulo niyang kwarto.

Napasapo na lang ako sa noo ko nang malaman kung anong tinatawanan niya.

His room was a total mess. Kalat-kalat ang gamit dahil nag-aayos pa lang naman kami ni Brant. Well in fact, ka-u-umpisa pa lang namin kaya kalat-kalat pa talaga ang gamit.

"Son, we're trying to surprise you. It's your birthday right? Matulog ka ulit" napangiwi ako sa sinabi ni Brant. What? Patutulugin niya ulit ang anak namin? Nasisiraan ba siya?

"Pero Daddy, kakagising ko lang po" lumapit sa kanya si Brant.

"Yeah, I know. Magpanggap ka na lang muna na tulog tapos gigisingin ka namin ng Mommy mo to surprise you. Is that okay?"

Nakita kong ngumisi si Treyton na ngayon ko lang nakita. What the? Nahawa na ata siya sa Tatay niya kakangisi.

"Okay Daddy"

The Mafia Boss' SonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon