DAIB 4: Last Day of Summer

184 16 0
                                    

K R Y P T E U S

"Rietifn!"

Dumagundong ang boses ko sa labas ng kaniyang bahay. Matiwasay dito, at madali rin na malaman kung may maghihimasok sa kaniyang pamamahay na kalaban.

"Rietifn!" Tawag ko ulit sa kaniya. Tsk! Hindi na naman siya nakikinig. "Rieti–"

"Problema mo?"

"Shit!" Napatalon ako at nilingon ang likod ko. "Andiyan ka pala!" I hold my chest and move aside.

"I knew you were coming."

"Then you know why I'm–"

"Yeah, I get. Ang masasabi ko lang para sa inyo ay pakinggan niyo na lang ang hangin."

"Huh?"

"Basta ganun!"

"Hindi ko maintindihan!"

"Hindi pa kasi oras para mahanap ninyo ang anak ni Tito Ares. Iyon ang tanging sagot kaya nahihirapan kayo sa paghahanap sa kaniya."

"Huh!? Paano na yung digmaan na haharapin natin?! Hindi maaari na wala pa rin siya sa kampo natin!"

He shook his head, "The war won't happen anytime soon. It will take for at least eight or nine months before the war would start. There is nothing to worry about. Keep calm, Kree."

"Pero yung anak ni Ares kailangan na namin!"

Rietifn looks at me with his cold green shallow eyes. This is it. His prophecy powers is about to work.

By the end of summer, a new hero is born. She'll set fire and chaos into Hell's core. A rest to death is her solemn promise, as it succumbs the heart of a mighty warrior. Whilst, the wind shall whisper, and her fate changes.

"Again, may tamang panahon para mahanap ninyo siya. Just wait for a sign." Tinulak niya ako palayo sa pinto ng kaniyang bahay at pumasok ito. Hindi na niya ako inaya sa loob dahil binagsakan niya ako ng pinto sa mukha.

"End of summer... Two days from now it'll be the end of summer!" Bumalik ako sa training grounds upang ipaalam kay Ifrynth ang propesiya ni Rietifn.

"Malapit ka na namin mahanap, anak ni Ares."

🩸🩸🩸

A R E I

Nagpalipas kami ng isang araw upang mamahinga pa sa campsite at maayos ang mga burial ng mga kasamahan namin. Marami ang mga nawala sa amin, pero dahil din sa kanila ay nagtagumpay din kami.

Nang matapos kami sa pag-aayos ay bumalik na kami sa aming valley. Napapangiti ako at makakauwi na ako. Matutuwa si Mom sa balita at kwento na dala ko.

Pagkabalik namin sa valley nagpipiyestahan lahat ng tao. They all welcome us with warm smiles and heart pounding cheers. At sa hindi inaasahan ay sinisigaw pa nila ang pangalan ko. I feel astonish by this people. Ngayon lang kasi nila ako tinuring na tao. Noon kasi pinagtutulakan nila ako at sinasabihan na malas kasi iba ako sa kanila.

Naisipan ko namang makisabay sa piyestahan ng mga mamamayan namin at hindi muna umuwi. Minsan lang naman ako makapagsaya ng ganito, at alam ko rin na matutuwa si Mom kapag nalaman niyang nakikipagtuwaan ako sa mga tao rito sa bayan.

I engross myself with the fun and socialize with others. Ang sarap sa feeling ng ganito. Hindi ka na naiiba sa kanila. I am normal, not an outcast.

Inabutan ako ng alak ng isa kong kasamahan at ngumiti't nagpasalamat ako sa kaniya. Todo ang kwentuhan ng iba. Meron pa ngang nagkwento kung paano ako lumaban kahapon. Nakatutuwa dahil bawat detalye ng paglaban ko ay naikwento nila. Namangha ang mga manunuod, lilipat nila ang tingin sa akin at pabalik sa nagkukwento. I shook my head and laugh softly. Nakakapanibago ang lahat. Sana hindi matapos ito.

Demigods Affection: Internal Battle (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon