A R E I
Hindi ako umalis sa tent ko ng dalawang araw. Wala akong gana para makipag-kaibigan sa mga ibang makakasalamuha ko rito. It's a waste of time and energy.
"Excuse me, Arei?"
I flip under my cover and grunted. "Papapasukin ko na ang sarili ko." Pumikit ako at hindi gumalaw sa ilalim ng kumot. "Hey, c'mon! Kailangan mong kumain. Dalawang araw mo na ginugutom ang sarili mo at sinasayang pagkain mo!" Napatakip ako ng mukha ng hablutin ni Krypteus ang aking kumot. "Tss! You are sweating badly and you insist on hiding under your covers?!"
"I am not in the mood to talk shits with you, Krypteus. Get lost. Please." Walang gana kong pagsagot sa kaniya.
"Kumain ka na kasi! Huwag kang mag-inarte!" Hinigit niya ako paupo at napaupo naman ako.
"Huwag mo nga akong hawakan!"
"Huwag ka kasing pasaway!"
"Ako pa ang pasaway, a?!"
"Alangan naman na ako ang pasaway?!"
Nagsukatan kami ng tingin at ako ang unang umiwas. Damn! Ang ganda ng mata niya, hindi ko kayang titigan ng matagal. Nakakabwisit! Ang gandang dukutin at ibigay sa magkakapatid na na nasa Underworld na kasama ni Hades.
"Kainin mo na 'tong dala kong pagkain." Pagpupumilit niya at inabot sa akin ang pagkaing dala niya.
"Ibigay mo na lang 'yan sa iba." Pagmamatigas ko.
"Hindi pwede! Sayo 'tong dala ko!" Hindi rin siya nagpatalo.
"Ayoko nga! Bakit ba ang kulit mo?!"
"Bakit ba ang tigas din ng ulo mo?!"
"Pakealam mo ba?"
"Malamang meron akong pake!" Tumingin ulit ako sa kaniya at tinaasan siya ng kilay. "May pake ako kasi ako ang tagabantay mo rito. Both my mother and Zeus appointed me to check up on you." Mahinahon niyang pagpapaliwanag.
"Si Zeus lang naalala kong nagsabi niyan. Ang sabi naman ng mama mo ay ikaw at si Ifrynth ang bahala sa akin." Pagtatama ko sa kaniya.
He sighs. "I weigh the greater responsibility."
"Nawa'y lahat pasan ang ganiyang responsibilidad... Oh! Wait! Maganda pala na ikaw lang nakatoka sa responsibilidad ng mundo! Kasi ayokong sumakit ang ulo ko sa kagaya mo." I sarcastically told him.
Nag-igting ang panga niya at pinigilan kong ngumiti. Mas mainitin ang ulo ng anak ni Athena kaysa sa anak ni Ares. Nakakatuwa naman siya.
"Kung hindi ka kakain isusupalpal ko 'tong pagkain sa mukha mo!" He threatens and I roll my eyes.
Oh please! That's irrational for him to do. Imagining Athena's son to be violent when he is angry by my bratty attitude is unbelievable.
"Your threats are empty. Huwag ka na mag-trying hard. – What the fuck!?" Hindi siya nagdalawang isip na isupalpal nga sa akin ang pagkain ko. "Tanga ka ba!? Bakit mo ginawa!?" Tumayo ako at pinagpag ang damit ko. Nagpigil ako ng galit dahil sa lagkit ko. May sabaw pa kasing kasama yung pagkain. Feeling ko napaso rin ako.
"Ano bang problema mo!? Kung hindi mo ako mapagtiisan iniwan mo na lang sana ako rito at 'yang pagkain! Kaysa naman yung literal mong sinupalpal sa akin!" Bumalik ang tingin ko sa kama na basa at may mga butil ng kanin doon.
I thought I could tolerate the attitudes of the heroes dahil magkakaparehas kaming naiiba sa mata ng mga tao, pero bakit kabaliktaran? Bakit mas malala ang trato nila sa akin kaysa sa mga tao sa Lupa?
BINABASA MO ANG
Demigods Affection: Internal Battle (Completed)
FantasyCTTO Photo: THERARDA Cover design by: Janedelle Joy Labiano Started: May 3, 2021 Ended: August 3, 2021 [Affection Duology 1] Watch her slaughter tens of thousand of men. And watch her cry from devastating pain. 🩸🩸🩸 Arayiell 'Arei' Youngblood is a...