DAIB 30: Home

43 9 0
                                    

G I T T R I O

Nawala ko si Arei dito sa kuweba. Sinubukan kong gumawa ng fluorescent flower sa lupang maaari kong maapakan dito sa kweba para mahanap siya, pero halos bato at tubig lang ang mayroon dito sa loob at walang lupa.

"DRATS! AREI! NARIRINIG MO BA AKO?!" Tawag ko ulit sa kaniya.

Please sumagot ka na Arei!

"...GITTRIO?!"

Nagkaroon ng liwanag sa kanan ko kaya nilingon ko iyon. 

Maya-maya pa ay lumitaw si Arei na hawak ang kaniyang umaapoy na espada. "Thank the Olympian gods you are alright!" Tumakbo ako palapit sa kaniya at humawak sa magkabilang balikat nito. "Anong nangyari sayo? Ba't bigla kang bumitaw sa kamay ko tapos naligaw? Nasugatan ka ba?" I check her thoroughly. Napakamot lang siya sa kaniyang ulo at umiling na naiilang. She's acting weird right now. What happened to her when she got lost?

"Saan na tayo dadaan dito?" Pag-iiba niya ng usapan.

I let the topic slip and let go of her. "Hindi ko rin sure. Ang dilim kasi rito."

"Kasing dilim ng kapangyarihan ni Requinn ngayon." Dagdag pa niya.

"Bakit mo 'yan nasabi?"

"Nararamdaman ko." Agad niyang sagot. "Maglakad-lakad tayo para mahanap natin ang kasagutan dito kung bakit napaparito si Requinn."

"Tara," nilakad namin ang madilim at madulas na kuweba. Patuloy sa pag-apoy ang espada ni Arei na siyang nagsisbing gabay sa dinadaanan namin.

Walang kasiguraduhan nga kung saan kami patungo. Parang ang haba ng kuwebang pinuntahan namin. Like a giant dead worm that was turned into a stone by Medusa's cursed eyes.

"Nawawala na yung presensiya ng kapangyarihan ni Requinn. Nawawala na rin sa banda rito ang kakaibang kapangyarihan na naramdaman ko kanina," Arei spoke out of the blue.

"Then what are we supposed to do now? Arei, tama ba talaga ang nakita mo tungkol kay Requinn? Baka naman iba ang pinunta mo rito?"

Bumuntong hininga siya at ginulo ang kaniyang buhok. "Ito talaga 'yon. Err! What the fuck? I really saw her coming to this place!" Siya naman ang naguluhan sa kaniyang sarili. Dumako ang tingin ko sa hawak nitong earrings.

"Let's go back. Our mission is over." Maawtoridad kong saad sa kaniya nang abutin ko iyon.

"W-Wait a minute! Tingin-tingin muna tayo! Baka sakaling—"

Umiling ako. "Not in this kind of condition. Sumunod ka sa akin."

"O-okay."

"Arei."

"Yeah?"

"Kung may problema ka, sana masabi mo sa akin. You're like a little sister to me and it would break me to see that you are in pain without sharing it with me, Arayiell."

"Eh?"

"I will be your ears whenever you are ready. Okay?" Inabutan ko siya ng isang teleportation stone at nakangiti siyang kinuha iyon sa palad ko. 

"Thank you, Gittrio."

"Anytime, Arei." Sabay namin na pinisit ang teleportation stone upang makabalik sa Demigod Camp.

A R T R I S S E

"TRIS! ANO NA?!" Reklamo ni Vinex.

"S-sorry!" Pinulot ko ang espada ko na pinatilapon niya habang nag-eensayo kami.

"Tsk! Let's practice later. I will practice with others first." Nilagpasan ako ni Vinex na may dismaya sa kaniyang mata. Hindi ako makapag-pokus sa training. Maliban sa iniisip ko yung apology speech ko kay Arei, pinoproblema ko rin itong si Rietifn. Umiiwas kasi siya sa akin. Wala naman akong maalalang kasalanan sa kaniya.

Demigods Affection: Internal Battle (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon