DAIB 19: Ifrynth's First Rejection

69 10 0
                                    

I F R Y N T H

Kinabukasan.

Maaga akong pumunta sa bahay ni Mr. Dansier para sunduin na si Arei. Mahigit isang linggo na kasi itong nasa confinement chambers dahil sa kasalanan niya.

Tsk! As if it's her fault for what happened. But enough of that. I've got news for her.

Ipagmamalaki ko lang naman sa kaniya yung misyon namin ni Artrisse sa Land of Cyclops. We were assigned to follow Requinn, who was in a time out like Arei, however, she slipped out of Olympus. Then she went to the Land of the Cyclops without any other gods or goddesses noticing her. Si Hermes ang nagsabi sa akin nitong pagtakas ni Requinn nang umakyat ako Olympus noong isang araw. Kaya naman dali kong sinunod ang pabor nito at sinama si Artrisse.

Si Arei dapat ang kasama ko, pero naka-confine pa rin siya.

I'm supposed to tell this story to Krypteus too, but I find it more comfortable telling Arei. Masama pa rin ang loob ko kay Kree hanggang ngayon. How dare he yelled at Arei when she was innocent. Although she hurt Requinn, she was shocked at that moment too. Bahala na kung magtampo ang isang 'yon kapag hindi ako magkwento sa kaniya, di tulad ni Arei na chill lang.

But looking back again to what have happened, Arei scared me too. Parang hirap itong huminga noon. Her breathing hitch as her gaze dropped at Requinn. Kita ko talaga ang takot sa mga mata niya. Napapaisip tuloy ako na dapat hindi namin dinakip si Arei noon. Feeling ko may nakaligtaan kami sa kaniya.

"Directly ask her about her past, Ifrynth." Paalala ko sa sarili ko.

Malapit na ako sa bahay ni Mr. Dansier pero may nakita akong pamilyar na tao na nakatayo sa tapat ng kaniyang bahay. "Kree?" Pagtataka ko.

Nilingon naman ako nito at tumango, "Yo!"

Anong ginagawa niya rito?

"Oi! Anong ginagawa mo riyan, Kree?"

Nagkibit-balikat 'to at bumaling ng tingin sa bahay ni Mr. Dansier, "Waiting for someone."

"Mr. Dansier?"

"No."

"Who?"

"Arei."

"B-bakit si Arei?"

"Because I want to."

"Kree! Anim na araw na 'yan naka-seal sa confinement bar. Tigilan mo na siya!" I said to him frustratingly.

He frown at me, "Anong ibig mong sabihin, Ifrynth? Na wala akong karapatan na bisitahin siya? Na makita rin ang kalagayan niya?"

"Yes!"

"Ano?!"

"Hindi ka ba napapagod? Lagi mo na lang sinusugod si Arei. Siya lagi ang nakikitaan mo ng mali. Siya ang lagi mong sinisisi! Sa dalawang buwan niya rito sa atin ay ni minsan hindi ko nakitaan ng mali 'yang si Arei! Sinubukan niyang makisama sa iba. Sinubukan niyang unawain ang iba. She tried everything until everyone feels comfortable with her. Ganoon din kami, Kree."

"So? Anong connect?"

"She fucking did this for you! She changed because of what you told her before! Rubbing it on her face to understand and interact with others!"

Hindi natanggal ang tingin niya sa akin. Nakakunot pa rin ang kaniyang noo.

"Talagang pag-uusapan natin 'to? Ano ngayon kung hindi ako nagsasawa? She's an eyesore!" He sneer. Ignoring what I have said.

Hindi ko napigilan ang sarili ko na suntukin siya. "At iinsultuhin mo pa siya, Kree!?"

"Wala kang pake!" Babawi na sana ito ng unahan ko siya ng suntok sa mukha.

Demigods Affection: Internal Battle (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon