G I T T R I O
Katatapos ko lang itimpla ang bago kong alak na ipapatikim kay Arei. Nagmadali rin akong nagtungo sa bahay ni Mr. Dansier, pero sinabihan akong baka nakabalik na raw si Arei sa tent niya.
"Salamat, Mr. Dansier!" Kumindat at sumaludo ako sa kaniya.
"Tama na pag-inom, Gittrio! Nasa kampo ka at may training pa!" Pahabol nitong bilin sa akin.
Nagtungo ako sa tent ni Arei at masayang sasalubungin siya, pero ibang tao ang bumungad sa akin. Umigting ang panga ko sa nadatnan ko. Peke akong ngumiti sa kaniya at naghalukipkip.
"Requinn, sweetheart! Anong ginagawa mo diyan sa tent ni Arei?" Untag ko sa kaniya kahit halata na hinahanap niya si Arei.
"Nothing."
"Really? If you need any help on something you can ask me."
"No need." She shooed me with her hand but I did not leave. "Got a problem?" Pagsusungit nito sa akin.
"Oo! Yung attitude mo ang problema ko. May nagsabi na ba sa'yo na ang maldita at kontrbida mo sa buhay?" She frowns and faces her palm to me. Nagulat ako nang humangin ng malakas at nabitawan ko yung alak na ibibigay ko kay Arei.
"Damn! My hard work!" I gritted my teeth and dug my hand to the ground. I secretly created vines underneath the soil and controlled them towards Requinn's direction. Nang maramdaman ko na nasa paanan niya ang mga vines ko saka ko pinalaki ang mga ito at saka pinalibot sa buong katawan niya. I wrapped the vines tightly around her body.
"LET GO GITTRIO!" She screamed.
Napatingin ako sa alak na pinaghirapan ko saka humarap kay Requinn. "Nakakainis ka na rin, e, 'no? Kung hindi si Kree ang basag trip, ikaw! Ano ba kasi problema niyong dalawa kay Arei?"
"AREI! AREI! PANAY KAYO AREI!"
"Anong gusto mo? 'Requinn' ang sabihin ko? 'Requinn' ang itawag ko sa kaniya? Tanga ka ba? Pangalan niya Arayiell, not Requinn!"
"I HATE YOU!"
"Yuck! Hindi rin kita gusto! Magsama na lang kayo ni Kree." Pinanuod kong mag-struggle si Requinn sa vines ko at unti-unti na siyang kumakawala kaya ikinuyom ko ang kamay ko na siyang nagpatigil sa kaniyang galaw.
"Hindi ako makahinga! Gittrio!" Mas hinigpitan ko ang pag-ipit kay Requinn. "You are going to killing me, Gittrio! SUSUMBONG KITA KAY KRYPTEUS!"
"Mauna pa kamatayan mo bago ka makapag-sumbong." Banta ko sa kaniya. Kinontrol ko ang vines at pinalapit si Requinn sa akin. "Uulitin ko yung tanong ko, Requinn. Anong ginagawa mo sa tent ni Arei?" Tinanggal ko na ang kamay ko sa lupa at pinagpag sa pantalon ko.
"Like hell, I would tell you!" She hiss.
"Syempre sasabihin mo sa akin kasi may paraan ako para mapasalita kita ng katotohanan." I brought out another wine that has sodium thiopental.
Sodium thiopental is a chemical substance that is an important component in a truth serum. This chemical substance allows the person who consumes this to say the truth. Whether they like it or not.
Mariin kong hinawakan ang pisngi niya at pilit na ibuka ang bibig niya. "Open wide so I can judge your action, Requinn." Nang paiinumin ko ito ay nakarinig ko ng pamilyar na boses.
"Salamat talaga, Ifrynth. Mamaya na tayo magkita kasi maliligo pa ako."
"Kailangan mo ba ng tulong? Ako na mag-aayos ng herbal spring para sayo."
"No need! Alam ko na gagawin ko, Ifrynth. Salamat ulit!"
"Fuck! She's here!–ARGH!!!" Tumilapon ako sa puno at bumagsak sa lupa.
BINABASA MO ANG
Demigods Affection: Internal Battle (Completed)
FantasyCTTO Photo: THERARDA Cover design by: Janedelle Joy Labiano Started: May 3, 2021 Ended: August 3, 2021 [Affection Duology 1] Watch her slaughter tens of thousand of men. And watch her cry from devastating pain. 🩸🩸🩸 Arayiell 'Arei' Youngblood is a...