A R E I
Nakikisabay na ako sa training ng ibang heroes, at isang linggo na naman ang lumipas na bumabawi ako rito. Iyong nangyari naman sa amin noong nakaraan na pinapaamo namin ang Chimera ay nag-iba na ang pakikitungo sa akin ni Vinex. He accepted me like I was one of them, and I was thankful for that.
Pagdating naman sa training center, ay nahirapan ako sa unang exercises namin. Dahil hindi ko nagawa ang mga basics pero kumukuha ako ng extra lessons kay Ifrynth at Artrisse para makahabol ako. At napansin ko naman ang pag-iwas sa akin ni Krypteus. Hindi niya ako nilalapitan o kaya kinakausap. Minsan nahuhuli kong nakatingin siya sa akin pero dali siyang iiwas.
There was this pain that I felt before. Kasi napanaginipan ko siyang sinabi niyang ayaw niya sa akin. Alam ko namang ayaw niya sa akin pero itong nasa panaginip ko ay pinakitang kinamumuhian ako ng binata.
Pilit kong inalis iyon sa isipan ko. Hindi ko naman kailangan ng atensyon o kagustuhan nito. Ang kailangan ko lang ay makisama, matapos ang digmaan, at bumalik sa Lupa.
"Haaa!" Tinamaan ko ang espada ni Ifrynth na tatama dapat sa akin. "You lack pressure, Ifrynth." Puna ko sa kaniya.
His eyes widen. "Really? Nasasabi mo talaga 'yan?"
"Halata kasi sa impact ng espada sa akin."
"Baka mabinat ka kaya ko hindi nilalakasan."
"Walang kinalaman ang sakit ko rito sa training. Saka maayos na kalagayan ko ngayon." Ibinaba ko ang espada ko at ganoon din ang ginawa niya. Inabot ko naman ang kamay niya saka pinatong ang palad nito sa noo ko. "See? Wala na akong lagnat. It's been a week Ifrynth."
Binawi ni Ifrynth ang kaniyang kamay saka ako tinalikuran. Pero may napansin akong kakaiba o guni-guni ko lang iyon? Namula kasi siya.
"Mukhang mabuti nga kalagayan mo kaya medyo pahirapan natin 'tong sword fight training natin. Is it okay?"
"Yes!"
I immediately block his attack as he swung his sword without hesitation. Ngumiti pa siya sa akin at napangiti rin ako. Isang malakas na paghampas ang iginawad niya kaya bumawi na rin ako.
🩸🩸🩸
Pawis na pawis ako nang matapos ang training namin. Inaya ako ni Ifrynth na bumalik sa camp para mag-merienda at pahinga pero tumanggi ako at kailangan ko munang mag-stretching. Pinagbigyan niya naman ako at sinabing babalikan niya na lang ako at dadalhan ng pagkain.
"Thank you, Ifrynth!"
"No problem!"
Nawala na siya sa paningin ko at nakahinga ako ng maluwag. Hindi ko aakalain na mapapalapit agad ang loob ko kay Ifrynth. He is a nice guy and a good fighter. Kapag hindi susulpot si Krypteus para turuan o tulungan ako, andiyan naman siya.
Bibigyan pa niya ako ng ibang training na kinatuwa ko. He is helping me cultivate my control of summoning my sword. Minsan naman kakalabanin niya ako gamit ang kapangyarihan niya. It was much more fun with him than the others. Pati rin naman si Artrisse ganun din. Pero hindi niya masyadong ginagamit ang kapangyarihan niya. She helps me out though with the use of bow and arrow and enhancing my senses.
The best yung senses. Ang sensitive kasi ng kaniya.
Naalala ko tuloy yung isang training namin na sinabihan kaming huwag munang kakain. Ito namang isang pasaway na demigod ay may dalang chips tapos pasimpleng kumain. Artrisse suddenly usher to his direction that time and pull out his food. Akala ng demigod na iyon kung magsusumbong ba si Artrisse pero umiling naman ang babaeng iyon at sinabihan na bigyan din siya dahil nagugutom na ito.
BINABASA MO ANG
Demigods Affection: Internal Battle (Completed)
FantasyCTTO Photo: THERARDA Cover design by: Janedelle Joy Labiano Started: May 3, 2021 Ended: August 3, 2021 [Affection Duology 1] Watch her slaughter tens of thousand of men. And watch her cry from devastating pain. 🩸🩸🩸 Arayiell 'Arei' Youngblood is a...