DAIB 5: Behold the Gods

182 18 0
                                    

Slightly sexual.

🩸🩸🩸

K R Y P T E U S

Three months ago.

Nang makabalik ako sa training grounds ay magkausap si Ifrynth at Artrisse. Sumingit naman ako sa usapan nila at nakisama naman silang dalawa.

"Ares's child?"

"Yes!" Sabay nilang sagot.

"May silbi ka na ba?" Tanong ni Artrisse sa akin.

I shrug. "'By the end of summer, a new hero is born. She'll set fire and chaos into Hell's core. A rest to death is her solemn promise, as it succumbs the heart of a mighty warrior. Whilst, the wind shall whisper and her fate changes', ayan ang sabi ni Rietifn."

Artrisse pulled my collar closer to her. "Anong – kay Rietifn ka humingi ng tulong?! Ano naman binigay mo?"

Umiling ako bilang sagot. Wala namang hiniling si Rietifn sa akin kanina. Tanging katahimikan siguro dahil ayaw niyang may mambubulabog sa kaniya ngayong araw.

"Seriously, Kree? Anak ni Apollo ang pinag-uusapan natin. Hindi 'yan magbibigay ng sagot ng walang kapalit!" Asar na dagdag pa ni Artrisse.

"Wala ngang hiningi si Riet sa akin! He just gave me the answers by his will. That's it." Depensa ko sa sarili ko.

Naiintindihan ko naman ang kaniyang reaksyon. Hindi ito nagdududa sa akin kaya siya nag-aalala. Kay Rietifn ito nagdududa, dahil ginamit niya ang kaniyang kapangyarihan upang bigyan ako ng sagot na hindi naman diyos. At kahit isang diyos ang kaharap niya ay may kapalit dapat sa mga sagot na binibigay niya. Kaya ang hamak na hero na kagaya ko ay nagawang makalusot sa ganoon. Dahil hindi basta basta na makakahingi rin kami ng sagot kay Riet ng walang kapalit.

Kinuwento ko na lang lahat sa kanila ang detalyeng binigay sa akin ni Rietifn. Pati ang mga ideya ko.

"Mahahanap na natin siya."

"Huwag tayong pakampante, pare. Hindi tayo maaaring maghanap pa dahil pakikinggan natin ang hangin, 'di ba?" Panira ko kay Ifrynth.

Napatakla si Artrisse. "Ang komplikado ng misyon niyo. Matatagalan pa ang paghahanap dyan sa anak ni Tito Ares." Humigpit ang pagkakahawak ni Artrisse sa kuwelyo ko kaya naman tinabig ko iyon.

"Let's just wait! Anak na ni Apollo nagsabi ng mga 'yan. Hindi pa naman sumasablay ang kanilang kapangyarihan." We went silent for minutes and Artrisse left to train.

"That's it then. We must wait. It will be our fate to meet his daughter when the wind calls."

"Yeah, fate."

🩸🩸🩸

Three months later.

"Valley... Lake..."

Napangisi ako at tumabi sa akin si Ifrynth.

"It's time, Kree," nakangiti niyang saad.

"Yeah. It's time to bring home Ares's child." Sang-ayon ko sa kaniya.

A  glow of silver shone in the air. Sinundan namin iyon para makilala at maidala namin sa Olympus ang anak ni Ares.

"I bet she's got an ugly face like him."

A R E I

Napapikit ako at pailing-iling. This lake is so beautiful, I don't want to step foot on this. I will stain this place with horrid blood.

Demigods Affection: Internal Battle (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon