Gasgas na sa totoong buhay ang mga rosas at tsokolate
Matatamis na salita at nagpapangako na hindi tayo mag dedebate
Mag dedebate dahil sa mga alinlangan na mayroon akong kahati
Kahati sa iyong pagmamahal at pangako na nanggaling sa mga matatamis mong labi
"Hindi ako karapat-dapat sa iyong pagmamahal" iyon ang mga masasakit na salitang iyong sinabi.Alam ko nang matagal na ang pitong taon
Pitong taon ng pagdududa at pagdurusa
Nagdududa kung mahal pa ba rin kita
At pagdurusa dahil hinahanap ko ang iyong piling sa iba
Bakit hindi kita makalimutan?
Ito ba dahil walang kasiguraduhan ang iyong mga salitang binitawan
Kahit ilang beses kong ulitin sa aking isipan ay hindi ko pa rin maintindihan
Maintindihan kung bakit mo ako iniwan, bakit iniwan mo akong luhaan at sugatan
Pinagkait sa akin ng tadhana ang pag-ibig na sayo ko lang nakita
Nakita ko sa iyong mga mata
Itim, kasing itim ng kalaliman ng karagatan
Karagatan na puno ng pagaalinlangan at kapahamakan.Nakita ko rin ang mga naglalakihang pangil ng iyong mga kaaway
Tumutulo ng dugo at nakalalasong laway
Bibig na mas matalim pa sa isang kutsilyo
Mga pangakong nabasag ng martilyo
Mahirap ipaglaban ang pag-ibig na puno ng peligro
Ang pag-ibig ng isang binatilyo na katulad mo ay palagi nalang binabanggit ng mga makata
Ang harana at awit na puno ng mahika
Ngunit ang itong kabanata ay hindi masaya kundi puno ng pangamba
Mga salitang natarakan ang aking puso't isipan na parang espada
Mga insulto at panglalait ay parang kuko na kinakalmot sa pisara.Patungo sa aking puso ang kanilang mga bansag at walang tigil na pagtatalakay
Ang tanga-tanga na katulad ko at pumanig parin sa iyo kahit buhay ko'y nasa alanganin
Tipong isang bayani sa labanan na ako rin ang masasaktan at iiwanan na parang tinaksilan ng langit
Bakit ba pag-ibig ang siyang nagbibigay ng lakas at inspirasyon kung siya rin ang titigil sa walang kabuluhang relasyon.Pagkatapos ng isang mahabang diskurso Mapapatunayan bang karapat-dapat ko bang ibigay sayo ulit ang aking mundo
Nandiyan ka na naman sa iyong gitara at muli akong sinusuyo
Ngunit ang iyong mga pagsuyo ay medyo hindi sigurado dahil ayoko ko nang mapunta sa piling mo
Ngunit hindi ko mapigilan na mahulog ulit sayo Kahit ilang beses kong ipunto ang iyong mga pagkakamali mo
Dahil habang tinitignan ko ang iyong mga mata, ito'y nagsasalita ng mabulaklak
Bulaklak na ating tinanim sa hardin na napuno ng pait at hinagpis.Ang buhay ay hindi isang pelikula
Itong tula ay hango sa aking paghihinuha
Ang binagkis kong mga salita ay mula sa aking imahinasyon ngunit binuhos ko ang aking puso't kaluluwa
Dahil ang pagmamahal ay puno ng misteryo na parang rosaryo
Pa ulit-ulit na binibigkas ang pangalan mo
Ngunit ang puso't isipan ko ay tuluyan nang nagbago
Dapat ka bang mahalin?
Isang lang ang sagot
Hindi!
Dahil ayokong mamatay sa piling ng isang taong hindi kaya ipaglaban ang pag-ibig na inaalay ko.
YOU ARE READING
Various Poems
PoetryThis is my anthology of poems, that consists of different albums. Albums Published: 1. the power of quarantine (stylized in all lowercase) - A Prologue - 14 poems - An epilogue 2. Travel - A Prologue - 12 poems 3. Villainy - A Prologue - 16 poe...