7. sinasamba_Kita

4 0 0
                                        

Ang matatayog na puno at makukulay na bulaklak
Ang Iyong hangarin ay kasing puti at puri ng bulak
Ang hangin na aming nilalanghap, at ang Iyong mga salitang walang alapaap
Oh kay sarap ng Iyong yakap, aking Panginoon ang Iyong pagmamahal ay lumalapas sa mga ulap
Langit ang aming hangad, aming gagawin ang Iyong kautusan
Mabuhay ng walang hanggan sa piling Mo ang aming pangarap
Walang katumbas ang Iyong lakas, walang katumbas ang Iyong pagmamahal.

Patawarin mo kami sa aming masamang kasalanan
Nadalit kami ng tukso at kasamaan
Ngunit ang sakripisyo ng Iyong anak, ang sumagip sa aming lahat
Sumagip sa mga masamang kasalanan, mga matang tumingin sa hindi tama
Bibig na nakasakit ng kapwa at tenga na nakikinig sa salita ng masamang makata
Imbis na makinig sa Iyong mga magagandang musika
Sinasamba kita Oh Panginoon, dahil kung wala, wala rin ako dito na tumutula.

Bukal ng buhay o kaban ng kasakiman, papiliin mo ang sanlibutan
Puno kami ng biyaya, ngunit aming inaksaya sa gawaing nakakaabuso sa Iyong awa.
Dapat namin bigyan ng importansya ang iyong walang katapusang grasya
Kundi ang iyong galit ay walang humpay at ang kasalanan ay mapapalitan ng disgrasya
Kagaya sa trahedya ng Sodom at Gomorrah
Umulan ng apoy at nasunog ang siyudad na puno ng makasalanan
Dahil hindi na makitaan ng lunas at pag-asa, at nagdadasal ako na hindi ito mangyari sa kasalukuyan.

Kami'y nananalangin hindi humingi kundi magpasalamat at ipatibay ang aming tiwala
Dahil alam mo ang aming isip at hangarin, mabuti man o hindi
Dapat kang purihin, dapat kang isamba
Oh mahabaging Panginoon, Sinasamba kita!

Aking inaalay ang aking buhay, ikaw ay tumira sa aking puso
Ang iyong busilak na puso ay walang katumbas at puno ng kabutihan
Oh kay sarap mabuhay sa piling mo, puno ng ligaya at tayo'y magpulong para sambahin ang pangalan mo.

Oh Panginoon sinasamba kita
Ako'y naniniwala na ang aking buhay ay mahalaga at mayroong tayong mas malalim na layunin
Hindi ako nahihiyang isigaw at ipagmalaki ang pangalan mo
Oh Panginoon sinasamba kita!

Various Poems Where stories live. Discover now