"Sino 'yan kasama mo?" Tanong ko, sakto pagkalabas ko ng cafeteria ay nakasalubong ko si Nalia.
"Si Calie." Nakangiti pakilala sa 'kin ni Nalia. Tinignan ko mula ulo hanggang paa si Callie.
Hmm... maganda siya kaso hindi uso sa kan'ya mag-ayos. Gusot na blouse, gusot na palda. Halos lahat gusot tapos hindi pa uso sa kan'ya mag-suklay. Hindi halatang college huh.
"Hi. Alessia." Pakilala ko sa sarili saka inabot ang kamay ko, agad naman siyang nakipagkamay sa 'kin.
"Caliniela, Calie for short."
"Alessia, nasaan 'yung lalaki sinasabi mo?" Tanong sa 'kin ni Nalia, saka tumingin sa likod ko kung may lalaki ba akong kasama.
"Wala iniwan ko. Tara na sa classroom." Saad ko saka nanguna maglakad sa kanila pero, hindi pa kami nakakalayo ay may bigla tumawag sa pangalan ni Calie kaya natigil kami sa paglalakad.
"Hello!" Bati niya sa 'min. Ngumiti lang ako, habang si Nalia naman ay nagpakilala.
"Ate..." Nahihiya ang tono ni Calie. Ate niya 'to? Well may pagkakahawig sila pero, magkaibang magkaiba sila. Ang Ate niya ay ayos na ayos sa sarili habang si Calie naman ay para tamad talaga siya mag-ayos ng sarili, parang ako lang.
"New friends mo?" Tanong ng Ate niya, tumungo naman siya kaya humarap sa 'min ang ate niya at inabot ang kamay sa 'min.
"Hi. I'm Kathaniela, Kath nalang, you are?"
"Alessia."
"Nalia po."
"Una na ako, Calie, at pinasasabi pala nila Mommy. Sasama ka sa 'min sa ayaw at gusto mo." Nakangiti sabi ni Kath saka dali-daling umalis.
"Ang ganda niya." Wala sa sarili sambit ko.
"Maganda talaga ang Ate ko, siya ang Queen ng Campus dahil sa angking ganda niya." Kwento ni Calie, habang naglalakad kami. Saka pilit na ngumiti.
***
Kanina pa ako nakaupo rito sa guidance office at kanina pa rin ako tinatanong ni Ms. Principal kung bakit ako nandito.
Pero, hindi ako umiimik at hinihintay kong dumating 'yung professor namin na masyado mataas ang tingin sa sarili. Napaaway kasi ako kanina, may bumastos kasi kay Nalia na taga 3rd year. Tapos nahuli kami nung Professor namin ni Nalia, 'di nga namin alam bakit kinampihan ni Miss 'yong dalawang lalaking iyon. Pati ba naman sa college may bias?
Mabilis kami napalingon sa pinto nang bumukas iyon at pumasok si Miss, ang professor namkn at kasama 'yung lalaki sa Cafeteria kanina.
Huh? Ano'ng ginagawa ng lalaking wala magawa sa buhay rito?
"Good morning. Miss principal." Sabay pa nilang bati kaya mahina akong natawa, lalo't na parang ang galang-galang bumati ni Miss.
Mabilis kong pinanlakihan ng mata si lalaking wala magawa sa buhay nang bumaling sa 'kin siya nang tingin at mukha nagulat na nakita niya ako rito. Pero, agad siyang ngumiti nang malaki sa 'kin. Papansin.
Ano paba bago sa buhay ko? Eh sanay na ako sa bunganga kong walang preno.
"Have a sit." Pag-aya sa kanila ni Ms.Principal.
"Ano ang problema natin?" Tanong ni Ms. Principal na mukhang wala talagang alam sa nangyayari.
"Miss Principal, Ms. Valdez are shows a bad attitude during in my class." Pagsisimula ni Miss. So, hindi niya sasabihin paano niya ako pinahiya sa class kanina dahil napaaway ako? Eh wala namn connect 'yong sinasabi niya kanina sa class tungkol sa akin.
Mahina akong tumawa saka humarap sa kanila.
"Miss, ako na magkwekwento." Saad ko saka umupo ng maayos.
"Kanina kasi naglalakad kami sa side ng building sa tourism, Ms. Principal, eh may bastos pong dalawang lalaki, binastos ang kaibigan ko, Miss. Bilang kaibigan hindi ako papayag kaya pinagtanggol ko, aamin po ako napaaway ako then bigla po dumating si Miss Professor po pala namin sa isang subject, sinisisi pa kami bakit ba raw kasi ganito raw kumilos ang friend ko, Ms. Principal pinalagpas ko po iyon kasi Professor ko po siya and ayoko naman po bumagsak, nagulat po ako, during her class inaano niya ako, like basagulera, papansin, hindi raw makakatapos something like that, Ms. Principal eh ang pinopoint ko lang po rito from the start is, I'm trying to protect my friends from maniac pero, si Ms. Principal na babae pa rin naman sinisisi ang kaibigan ko kaya siya nabastos." Walang putol kong kwento. Wala na akong pakialam sa mangyayari basta nasabi ko kung ano ang totoo.
Nilingon ko 'yong lalaking nakita ko sa cafeteria kanina. "If I'm gonna ask you, wala ba tayo karapatan para ipaglaban ang tama?" Nakataas ang kilay ko tanong sa kan'ya.
"Ms. Principal, I'm the currently secretary of our school and I'm agreed with Ms. Valdez, students have a rights to protect their self is one of the rule in this school." Seryoso niyang sabi saka inayos ang necktie niya at tumayo nang maayos at binuklat ang libro hawak niya.
Secretary Huh? Taena? Rules?! Ano 'to kindergarten?! Anak ng tinapa tama nga naririnig ko may sariling buhay ang school na 'to. Infairness bet ko ang mga rules, yayamanin kasi kaya may sarili mundo. Pero, teka nice one school na 'to may sariling mundo.
"I'm sorry Ms. Valdez I know na pinaglaban niyo ang tama kaya gagawin din namin ang tama para sa ikakabuti ng students but, I'll still need to give you a punishment because it's your first day but, meron ka agad na reklamo na natanggap." Mahinhin at matinong paliwanag ni Miss sa 'kin, mabilis naman akong tumungo.
"It's okay, Miss. I'm going to accept the punishment." Sabi ko saka tumayo at nagpaalam sa kanila at lumabas ng guidance office.
Mabilis naman ako naglakad sa locker para kunin doon ang iniwan kong rubber shoes.Bwisit na takong 'to masyado masakit sa paa kanina pa ako nagtitimpi.
Nagpalit na din ako ng jogging pants kasi hindi ko talaga kaya mag-suot nang gano'n kaikling palda hindi ako sanay.
Mabilis ako napalingon sa pinto nang bumukas iyon at nakita kong pumasok si lalaking walang magawa sa buhay. Nalimutan ko kasi pangalan niya at tsaka wala akong balak kilalanin siya.
Secretary plus playboy, nice...
"Hi, Ms. Valdez." Bati niya sa 'kin pero, hindi ko siya pinansin at madaling kinuha ang black kong bagpack at mabilis naglakad palabas.
Deretsyo-deretsyo lang ako sa paglalakad papunta sa may cafeteria dahil nagugutom na ulit ako nang makarinig ako ng yapak na nakasunod sa 'kin.
Kaya inis akong tumigil saka humarap sa kan'ya.
"Ano ba?!" Singhal ko saka inis na tinignan siya sa mata ngumisi naman siya.
"Ms. Alessia Kitianna Valdez." Banggit niya sa buong pangalan ko, itatanong ko sana kung paano niya nalaman ang pangalan ko pero ng maalala kong secretary raw siya ng school na 'to alam ko na kung paano niya nalaman.
"Oh?" Walang gana kong sagot saka mabilis na kinuha ang cellphone ko ng mag-ring iyon pero, nang makita ko kung sino ang tumatawag ay agad kong pinatay 'yon saka bumaling ulit kay lalaking walang magawa sa buhay.
"Pwede ba lalaking walang magawa sa buhay, lubayan mo ako. Hindi kaba nakakaintindi na, yes I'm a bisexual which means, I'm botg attracted to Women and Men but, sorry to say I'm not interested with you." Sabi ko habang tinitignan siya mula ulo hanggang paa. Marinig ko naman siyang malakas na ngumisi saka hinakbang ang ilang hakbang sa pagitan namin.
"Miss, I don't care if you are not interested, hindi naman ginawa ang ligaw para alamin kung may chance ba ang lalaki sa babae." Ligaw? At first day?
"I don't want you, putakte ka!" Inis kong sigaw saka siya aambahan ng suntok nang mabilis niyang sinalo 'yon.
"Hmm... I think I really like you, I really like aggressive girls." Malaki ang ngisi niyang sabi ang tono ay pang-malandi. Alam ko malambing 'yun pero, para sa 'kin malandi siya!
Shit! bakit may gantong tao sa mundo? Alien ba 'to? Ligaw? 'Di ako magpapaligaw sa kaniya 'no, may iba akong gusto.
BINABASA MO ANG
I'm Into You (COMPLETED)
RomanceChasing Series #2 Alessia Kitianna Valdez is a bisexual, at first she is being confused, when she was in elementary she only attracted to men, when she turned into highschool, she's asking herself, what is her sexuality? Because she had a feelings...