Chapter 7

451 38 0
                                    

"Teka, alam ko na bisexual ka kahit hindi mo sinasabi sa 'kin at alam ko rin gusto mo ako noon pero, kanino ka nahuhulog ngayon? Sino 'yon? Oh god Alessia, Sino?" Sunod-sunod niya tanong nahilamos ko ang mukha saka mariin na pumikit ng mariin.

Sasabihin ko na ba sa kan'ya? She was my bestfriend since I was a highschool student but, I'm not sure pa naman sa feeling ko para sa lalaking 'yun. Hindi ko nga alam bakit ako na in love doon ang dami na lalaking sumubok sa 'kin pero mukha sa kan'ya lang ako bumibigay.

"Secret muna." Sagot ko saka mahina tumawa suminghap naman siya.

"Secret ka pa, pero sige ang sabi mo naman ay I think. Meaning hindi kapa sure pero besh! Masyado ako excited sa 'yo kasi sabi sa 'kin ni Tita never ka pa nagpakilala ng lalaki sa kaniya. Tapos ngayon nahuhulog kana." Asar niya pa sumimangot naman ako saka tumihaya sa sofa. Nagka-crush ako sa lalaki pero hindi na abot sa punto na nagliligawan.

"Ano magagawa ko nahulog 'ata ako sa patibong ng lalaking 'yon masyado siya maharot. Pero 'di pa ako sure okay." Paliwanag ko. Hindi pa naman sure baka crush ko lang siya gano'n.

"So ano balak mo?" Tanong niya 'di naman ako sumagot. Bakit kailangan ng balak? Eh 'di pa naman ako sigurado.

"Bye muna mag-video call daw kami ni crush hehe." Sabi niya hindi pa ako tuluyan nakaka-imik nang patayin niya na ang tawag medyo bwisit ako sa babaitang 'to.

Tumayo nalang ako at sakto paglingon ko ay agad ko nakita si Laurence na nasa likod ka.

"Oh gising kana pala." Sabi ko saka akmang lalapit sa kanyia ng lumayo siya. Problema nito?

"Hoy nangyari sa 'yo?" Kunot noo kong tanong nang kita kong bumagsak ang balikat niya at halata sa mga mata niya ang lungkot.

"Kaya ba ayaw mong ligawan kita dahil may iba kang gustong lalaki?" Malungkot ang boses niya tanong na mas kinakunot ng noo ko at pinagkatitigan siya. Adik ba 'to?

"Huh?"

"Sabi mo kay Naila may gusto kana lalaki kaya ayaw mo sa 'kin? Bakit mas gwapo siya? Bakit mas maalaga ba siya? Bakit hindi ako Alessia?" Mamasamasa ang mata niya sabi tinaasan ko naman siya ng kilay akmang iimik ako ng mabilis siya naglakad ng bahay naiwan akong nakatunganga. Grabe ha, hindi ko akalain ang playboy na si Laurence ay ganito ka drama.

"Nanay Linda, padala nalang po ng pagkain namin sa kwarto ko, salamat po." Utos ko bago tumakbo palabas ng bahay, saan naman kaya nagpunta ang lalaking 'yun.

"Hoy!" Tawag ko nang makita ko siya nakaupo sa duyan sa likod lang ng bahay namin. Hindi niya ako nilingon nanatili siyang nakatingin sa lupa at sumisipa

Aba'y abnoy.

"Bakit ka nag-dra-drama?" Tanong ko ulit saka naglakad palapit sa kan'ya at umupo sa tabi niya mabilis naman siya umusod,

Subukan mo umusod ulit sasapakin kita!

Umusod din ako at akmang uusod na ulit siya ng malakas ko siya sapakin sa braso.

"Tamo!" Singhal niya saka masama tumingin sa 'kin tinaasan ko naman siya ng kilay. "Sinaktan mo na nga ang puso ko tapos nanakit ka pa ng physical." Reklamo niya na mas kinairap ko. Arte-arte nito.

"Oy lalaki ka! Anong dra-dramang ginagawa mo ha! Walkout-walkout ka pang-nalalaman marupok naman!" Sigaw ko saka masama siyang tinignan gano'n din ang ginawa niya.

"Paano mo nalaman marupok ako sa 'yo?" Curious niyang tanong, sino hindi makakahalata eh nung nakaraan linggo lang tampo raw siya sa 'kin eh wala naman akong pakialam tapos tamang share post lang ako sa facebook ng cravings ko laking gulat ko may nag-deliver sa bahay ko ng food.

Masyado 'ata boang ang isang 'to at nagawa pang mag-drama sa 'kin, ano kala niya sa 'kin susuyuin siya? Hindi nga ako maalam lumambing manuyo pa kaya!

"Kasi naman..." Nakanguso siyang umupo ulit sa tabi ko saka yumuko, pinanood ko siyang paglaruan ang mga daliri niya habang bumubolong mag-isa na hindi ko marinig.

Hindi siya umimik at bumalik lang sa paglalaro ng daliri niya.

"KMay gusto kana na lalaki?" Tanong niya, hindi ko alam sa sarili ko napangisi naman ako.

"Wala kang pakialam doon, okay." Sagot ko.

"Tsaka 'wag ka mag-drama pwede, naiirita ako, daig mo pa akong babae na hindi nag-dra-adrama at nagtatampo." Inis kong sabi saka sumandal sa sandalan ng duyan at mahinang inuga 'yun.  "At anong sinasabi mong ayaw kita payagan manligaw? Nanliligaw ka ba?" Tanong ko, If I'm not mistaken hindi niya ako nililigawan basta ang sabi niya sa 'kin. I will chase you. Ang corny ng punyeta chase, chase pang nalalaman.

"Sabi mo kas hindi ka interesado sa akin." Dahilan niya pa. Nasaan ang ayoko magpaligaw sa 'yo doon sa sentence na 'yun siraulo 'ata 'to.

"Ay jusko bahala ka sa buhay mo."

Dinuyan ko nalang ang sarili ko dahil na stress ako sa lalaking 'to masyado siya maraming satsat 'di naman niya sinabi mangliligaw siya. Masyado magulo ang feelings ko ng dahil sa lalaki ito. If I remember I really hate men, then what I'm doing right now? I'm with a man beside me.

"'Wag ka masyado mag-isip nakakabaliw raw pag-masyado nag-iisip." Saad ko agad naman siyang lumingon sa 'kin.  "Eh ikaw kasi takbo ka ng takbo sa isip ko." Sabi niya, huh? kailan pa ako nagkasya sa isip niya.

"Huh? 'Di ako kasya sa utak mo, tange." Ani ko habang patuloy sa pag-duyan sa sarili at nag-angat nang tingin sa buwan.

"'Wag ka nga pilosopo." Halata sa boses niya ang pagkairita. 'Di naman ako piloso ah. "Totoo naman paano naman ako tatakbo sa utak mo." Umirap ako.

Walang umimik sa 'min nanatili ako nakatingin sa buwan habang dinuduyan ang sarili ko, buti nalang naka jogging pants ako ramdam ko ang lamig sa balat ko.

"May sasabihin ako." Imik niya kaya nilingon ko siya.  "Wala akong pakialam kung may gusto kang iba basta liligawan kita." Saad niya ngumisi naman ako. Abnoy talaga.

Nilingon ko siya. "Bahala ka." Sagot ko saka tumingin ulit sa buwan.

"Nagseselos tuloy ako sa lalaking gusto mo." Parang bata ang tono niya sabi. Gusto ko tumawa nang malakas dahil sa sinabi niya.

Crazy, he was jealous to himself.

Hindi niya alam na siya ang gusto ko. Siya ang bukod tanging lalaking ginusto ko.

I'm Into You (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon