Chapter 10

483 33 1
                                    

Tahimik lang ako ng makarating kami sa isang resort. Private resort ito ng pamilya niya kaya niya raw ako dinala dito. Dahil gusto ko raw nang magagandang memories.

So let's make good memories daw. Corny pakinggan pero alam kong nag-effort siya. Hindi ko alam pero ang cute tignan ng lalaking hindi takot ipakita kung paano sila kiligin iyong tipong wala silang ikakahiya.

"Wala ka bang pasok?" Tanong ko habang hawak kamay kami naglalakad sa tabi ng mga puno dito sa likod ng mga bahay-bahay, umiling naman siya.

Ako wala pa dahil kakatapos lang namin sa mid-term, next week pa start ng pre-term namin.

"Are you okay na ba now?" Tanong niya, napangiti naman ako. Kung pwede ko lang isigaw sa mundo para malaman nila kung gaano ako ka thankful sa taong ito.  "Yeah..." Simple sagot ko habang ginagala ang paningin sa paligid.

Iginaya niya ako maupo sa isang mahabang upuan sa gilid lang ng pool.

"You can go swim, and don't worry I have clothes inside. Kunin ko lang." Sabi niya bago ako iniwan. Wala akong nagawa at tumingin nalang sa malawak na pool. Tumayo ako saka dahan-dahan inilubog ang paa ko sa tubig ng pool at naupo sa gilid.

Ilang minuto ako nag-stay sa gano'n upo nang may marinig akong magsalita sa likod ko.

"Hello po." Dali-dali kong bati saka tumayo sa pagkakaupo mahina naman siyang tumawa.

"Hello din sa 'yo, iha." Bati sa 'kin ng isang matanda saka ako niyaya umupo sa upuan. Inalalayan ko siya maglakad papunta doon saka naupo sa tabi niya.

"Ikaw ba girlfriend ng apo ko?" Tanong niya, so apo niya si Laurence. Umiling naman ako.  "'Wag ka mahiya iha, sinabi sa'kin ng apo ko na girlfriend ka niya. Alam mo ba ngayon lang 'yan nagdala ng babae dito sa resort ko, tapos ipapakilala pa niyang girlfriend niya, ikaw ang unang babaeng pinakilala niya sa 'kin, aba grabe ang tuwa ko!" Kwento niya na pangiti naman ako, dahil makikita mo sa mata niya at sa paraan niya ng pagkwekwento na natutuwa talaga siya.

Ibig sabihin ako talaga ang una niyang nilagawan at pinakilala sa pamilya niya? Bakit parang ang sarap sa pakiramdam ng gano'n?

"Gano'n po ba," hindi ko mapigilan ang sariling hindi ngumiti. "Uhm Lola may tanong po ako sa inyo..."
Luminga-linga ako sa paligid baka may makarinig sa 'min nacurious lang ako nung isang araw lalo na sa kwento ng mga schoolmates ko.

"Ano 'yon, apo?" apo..

Umupo ako nang maayos.

"Mataas po ba ang standard ng Mommy ni Laurence?" Tanong ko hindi agad siya nakasagot, madalas ko kasi marinig na sobrang arte raw ng Mommy ng lalaking 'yon at ayaw niya sa babaeng mahirap at walang taste sa buhay. Hindi ko lang sure kong totoo.

Ang gusto niya para sa anak niya ay perfect girl, mahinhin, rich kid, maganda at parang model.

Eh mukhang wala ako sa mga 'yun mukha lang model ang katawan ko. But I'm not a perfect girl who fit on her standard.

"Hay nako iha..." Bumuntong hininga siya saka kinuha ang kamay ko at pinisil iyon. "'Wag ka matakot sa anak ko ako bahala sa 'yo, yes mataas masyado ang standard ng anak ko para sa apo ko. Pero wala siya magagawa dahil kilala ko si Laurence, hindi niya basta hahayaan ang gusto ng mommy niya kaya 'wag ka mag-aalala kung uutosan ng anak ko ang apo ko na makipaghiwalay 'yun, hindi 'yon gagawin ng apo ko. Nakikita ko mahal ka talaga ng apo ko." Mahaba niya sabi nakinangiti ko.

Kahit naman ako hindi ako makakapayag na maghiwalay kami kung sa kali mangi-alam 'yung mommy niya.

Unless si Laurence ang makikipaghiwalay sa 'kin.

"Sa totoo lang po hindi naman po ako takot sa mommy niya. Uhm nacurious lang po ako, bisexual po kasi ako... Baka po kasi issue sa inyo iyon..." Kabado kong pag-amin, kahit ano naman kasi gawin natin may mga tao pa rin closed-minded pagdating sa mga ganoon bagay at hindi pa talaga open sa ganoon, mayroon naman rumerespeto pero nirerespeto rin sarili nilang paniniwala kaya wala tayong magagawa roon, ang mahalaga wala ginagawang nakakasakit ng bawat kapwa ayos tayo roon.

"Sinabi sa 'kin ng apo ko na nagkagusto raw siya sa bisexual at mukhang ikaw ang tinutukoy niya. Walang issue sa'kin ang kasarian ng tao kaya approved ka sa 'kin."

Natawa naman ako saka malaking ngumiti.

"Nanliligaw pa lang sa 'kin ang apo niyo." Pag-amin ko naningikit naman ang mata niya saka nag-iwas ng tingin.

"Sagutin muna ang apo ko." Nagtatampo ang tono niya natawa naman ako. Saka lihim na napailing. "Malapit na po." Sagot ko nakinaharap niya sa 'kin.

"Sige hintayin ko 'yan update mo 'ko." Mas lumakas ang tawa ko dahil para siyang bata na tuwang-tuwa. Natiligil kami sa pagkwekwentuhan ng may dumating na isang babae, at agad akong tinignan mula ulo hanggang paa.

"Who is she?" Mataray niyang tanong mahina naman tumawa si lola. 'Wag mo sabihin ito ang Mommy ni Laurence? Tingin pa lang mataray na at medyo nakakatakot.

"Girlfriend ni Laurence." Malaki ang ngiti sagot ni lola tumaas naman ang kilay nung babae.

"She's what?!" Halata sa mukha nito ang gulat at hindi makapaniwala akong tinignan.

Sasagot na sana ako ng bigla ulit sumingit si lola sa usapan.

"Gaganutan kita Margarita kapag 'di ka tumigil kakaarte, si Alessia, girlfriend ng anak mo." Gusto ko matawa dahil sa pagsimangot ng Mommy ni Laurence, parang alam ko na kung kanino nagmana ang lalaking iyon.

"Mama naman kasi ginugulat niyo ako, malay ko ba nagseryoso na ang anak ko." Umirap siya sa hangin saka naupo sa tabi ko at deretsyo tumingin sa 'kin.

"Hi, Ma'am." Naiilang kong bati saka mahina kinaway ang kamay ko ngumiti naman siya.

"Hi Alessia, nice meeting you call me Tita or Mom nalang." Malaki ang ngiti niya pakilala gumanti naman ako.

Akala ko ba mataray 'to at mataas ang standard pero mukhang mabait naman siya. Nagpaalam ako sa kanila na sasagutin ko lang ang tawag ng bigla tumunog ang phone ko tumungo naman silang dalawa saka pinagpatuloy ang kwentuhan.

Lumakad ako sa liblib na puno malayo sa kanila bago sinagot ang tawag.

"Hello, shawn." Sagot ko, si shawn isa siya sa kaibigan kong gay taga pag-mana ng Rivera's hotel, isa sa mga sikat na hotel sa pilipinas.

"I need you now."

"Bakit?"

"You know maisie, right?" Tanong niya, kilala ko 'yun babaeng 'yon sa pagkakaalam ko 'yun 'yong babaeng tumutulong sa kan'ya.

"Yeah, why?"

"I think I'm inlove with maisie na." Kinakabahan niya sabi hindi naman agad ako nakasagot at umawang ang bibig ko.

"What shawn? Seryoso ka?" Tanong ko.

"Oo nga at gusto ko siya ligawan pero hindi ko alam ang gagawin ko."

Natawa ako.

"Eh 'di ligawan mo,"

"Samahan mo ako."

"Hindi pwede ngayon, wala ako sa apartment ko."

"Hay nako."

"Mahal kita alam mo 'yan pero, hindi ako makapaniwala na in love kana." Natatawa kong sabi.

"Wala kang kwenta kaibigan labyou." Sabi niya bago binaba ang tawag natatawa kong tinago ang phone ko sa bulsa ko pero laking gulat ko ng lumingin ko ay nakasalubong sa'kin ang mukha ni Laurence na mapula nag mata at ilong.

Mukha siyang iiyak na bata.

"Ano'ng nangyayari?" Tanong ko saka lumapit siya pero umatras agad siya.

"'Wag mo ako paasahin kong may mahal ka naman iba." Sabi niya bago ako iniwan na nakanganga.

Huh? Nangyari roon?

I'm Into You (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon