Chapter 11

465 32 0
                                    

Kahit gulong-gulo ay dali-dali ko siyang hinabol nang maabutan ko siya ay saka ko inis na hinaplot ang braso niya, naiinis na ako sa kan'ya lagi na siya nag-drama na hindi ko alam ang dahilan niya.

"Ano bang problema mo ha?!" Inis kong tanong, sumama naman ang mukha niya parang siyang batang inagawan ng lollipop

"Ikaw pa ang may ganang magalit, eh ikaw itong paasa." Paninisi niya sa 'kin sumama naman ang mukha ko at   suminghap naman saka malakas siyang sinuntok sa dibdib. 

"Saan kita pinaasa boang ka?!" Sigaw ko saka masama siya tinignan.

He lick he's lips, mukhang seryoso talaga siya sa mga pinagsasabi niya.

"Pinaasa mo ako 'yun naman pala may mahal kana."

Naiirita akong pumikit saka masama siyang tinignan.

"Ano tingin mo sa 'kin malandi?" Galit kong tanong hindi siya sumagot agad. Mukhang nagulat pa yata siya sa reaction ko.

"Tingin mo ba tanga ako? Laurence gamitin mo naman ang utak mo!" Sigaw ko saka sinipa ang batong nakita ko.

Mariin ko naikuyom ang dalawang kamao ko saka nanlilisik ang mata siyang tinignan. "Tingin mo magpapahalik ako sa 'yo kung hindi kita gusto? Tingin mo magpapayakap ako sa 'yo kung hindi kita mahal, tingin mo ba papayag akong tumabi ka sa 'kin sa pagtulog kung wala akong gusto at tiwala sa 'yo?!" Tanong ko hindi naman siya umimik nanatiling nakaawang ang bibig niya habang kumikislap ang mga mata niyang nakatingin sa 'kin.

"Kilala mo ako, hindi ako malandi at mas lalong hindi ako papayag na yakapin, halikan, at tabihan sa kama ng isang lalaki. Kaya isipin mo bakit ako pumapayag na gawin mo ang lahat nang 'yun, ikaw ang bukod tanggi lalaking pinayagan kong gawin ang lahat ng 'yun," huminga ako nang malalim at pinipigilan ang sariling huwag magalit. "Dahil mahal kita, gusto kita at malaki ang tiwala ko sa 'yo, tapos ikaw wala kang ginawa kundi ang mag-inarte d'yan at sabihin akong paasa." Singhal ko sa kaniya saka bumulong-bulong sa hangin, bwisit na 'to nakakainit ng ulo.

"M-Mahal mo 'ko? Gusto mo ako?!" Hindi makapaniwala ang boses niyang tanong sa 'kin. Para siyang baliw! Sa dami kong sinabi iyon lang ang naiintindihan at narinig niya?!

"Gago ka? Bingi? kakasabi ko lang at ikaw na nga itong sasagutin ko na nga duda ka pa, 'wag kaya kita sagutin." Seryoso ko sabi saka nakipagtitigan sa kan'ya. Kung ang mata niya ay kumikislap sa tuwa ang mata ko naman nag-iinit sa inis.

Masyado mapangduda ang gagong 'to.

"Sasagutin mo na ako?" Tanong niya ulit inis kong ginulo ang buhok ko saka hinakbang ang ilang pagitan namin.

"Bingi kaba? lunudin kita sa pool!" Sigaw ko saka walang ano-ano pinikit ang mata ko bago kabigin ang mukha niya palapit sa mukha.

I kiss him hard as I can do, I really don't know how to kiss but, because of this man I really like kisses and I really try to learned. Marahan niya inilagay ang mga kamay niya sa bewang ko at mas kinabig pa ako palapit sa kanya. Mahina ako napadaing ng kagatin niya ang dila ko, he really like biting my tongue.

Nang humiwalay siya sa 'kin naghahabol na ako ng hininga saka nag-iwas nang tingin. Oh shit! ngayon pa lang ang unang araw ng relationship namin, pero naglaplapan na kami. Well nung  wala pa nga kaming label eh...

"Mwuah" Nang-aasar ang tono niya umirap nalang ako sa langit saka mabilis naglakad palayo sa kan'ya narinig ko pa siyang sumisigaw pero hindi na ako lumingon pa.

Medyo masakit 'yung dila ko dahil sa mga kagat na ginawa niya. Kagatin ko kaya siya para maranasan niya 'yung sakit.

Nang makabalik ako ay agad ako ngumiti ng malaki sa Mommy ni Laurence at hindi na ako nagtaka kung sino 'yung nasa tabi niya na lalaki na kausap niya.

Dahil sa mukha pa lang alam kong Daddy siya ni Laurence kamukha eh.

"Hello po." Nakangiti ko bati sa lalaki.

"Hello din sa 'yo, girlfriend kaba ng anak ko?" Tanong niya proud naman akong tumungo, well girlfriend na naman talaga ako ni Laurence kaya wala na dapat itangi.

"Nice to meet you." Ngumiti siya gumanti naman ako, natigil ako sa pag-ngiti ng maramdam ko ang braso ni Laurence sa bewang ko.

"Hi Dy and My, hello mami." Bati niya sa mga magulang at lola niya.

"Mikhael, bakit hindi mo sinasabi sa'kin na may girlfriend kana." Nagtatampo ang boses ni tita sabi, tumawa naman si Laurence. Hindi naman mukhang salbahe si tita actually mukha siyang maalagain na magulang at sa nakikita ko ay tama siguro ang hula ko.

At kung hindi ako nagkakamali, mikhael ay second name niya so... 'Yun pala ang tinatawag sa kan'ya ng Mommy niya.

"Sorry na My, btw nagluto na ako sa loob ng tanghalian natin so let's go." Yaya niya saka tumingin sa 'kin, tumungo nalang ako saka sumabay sa lakad niya dahil ang braso niya ay nakapulupot pa rin sa bewang ko.

Meet the family agad bilis ko naman. Next time papakilala ko siya kay Mommy, at alam kong mas matutuwa pa si Mommy kaysa sa 'kin dahil may boyfriend na ako.

Habang kumakain ay tanong nang tanong sa'kin si tita nang bagay-bagay.

"So iha, how you related to Valdez's Corporation?" Tanong sa 'kin ni Tito habang sumusubo ng pagkain. "Uhm... I need to introduce myself first, I'm Alessia Kitianna Valdez eighteen years old, turning nineteen this year, and I'm the only daughter of Dave Valdez and Tianna Ferrer-Valdez." pakilala ko, nakita ko naman umawang ang bibig ni Tito at Tita.

"Oh you mean anak ka ni Tianna?, gosh honey, did you remember Tianna 'yung bestfriend ko na umalis gawa sa canada na siya mag-aaral at siya 'yung dahilan kung bakit kita nakilala." Tuwang-tuwa kwento ni Tita ngumiti naman ako, so kilala nila ang magulang ko. Nice.

"Yeah I remember her, hon," sagot naman ni Tito habang nagpapatuloy sa pagnguya.

"Nasaan ang mga magulang mo alessia, pasabi gusto kona ulit siya makita." Aniya.

"Nasa Province lang po namin." Tangi sagot ko saka pinagpatuloy ang pagkain.

Pagkatapos namin kumain ay niyaya muna ako ni Laurence sa likod lang nila para maglakad-lakad daw.

Hawak kamay kami naglalakad habang ako ay deretsyo nakatingin sa puno habang siya naman ay nakatingin sa mga bulaklak.

Nang makarating kami sa isang kubo ay tumambay muna kami doon.

"Alam mo nakakatuwa ang lolat mo." Panimula ko.

"Hmm... Sadya nakakatuwa si Mami simula bata ako siya ang madalas ko kasama." Kwento niya, naiingit ako sa kan'ya sana gan'yan din ang Lola ko.

"'Yung lola ko galit na galit sa'kin kasi raw bisexual ako tanggap ako ng magulang ko at wala silang reklamo sa kasarian ko. Pero 'yung lola ko sa part ng father ko ay malaki ang galit sa akin. Kasi ganto raw ako bisexual wala raw siyang apong katulad ko nakakahiya raw sa lahi nila. Ang family side ko sa father ko ay matataas sila masyado pwera sa family side sa mother ko. Halos lahat ng pinsan ko sa father side ko nandidiri sa 'kin kasi ganto raw ako pero hindi ko pinansin 'yun, pero doon talaga ako nasaktan sa mga sinabi ng lola ko sa'kin kaya nga naiingit ako sa'yo." Mahaba kong sabi saka pilit na ngumiti sa kanya.

"Lola pwede ba ako sumama sa business dinner niyo?" Tanong ko, pero nilagpasan lang ako ni lola kaya hinabol ko siya.

"Ano ba!" Sigaw niya ng hawakan ko ang kamay niya.

"Hindi ka pwede sumama nakakahiya ka, pwera nalang ang mga pinsan mo pwede isama kahit saan dahil sila ay babae at lalaki talaga wala akong apo nakatulad mo!" Sigaw niya sa akin bago ako iwan doon nakatunganga.

Bakit lagi nalang ako kinukumpara ni lola sa mga pinsan ko.

"Baby, 'wag mo isipin ang ibang tao, ipakita mo kung ano ka talaga hayaan mo darating din ang araw na matatanggap ka ng Lola, tanggap ka noon kahit ano ka pa." Sabi niya pilit nalang ako ngumiti.

Kaya ayoko nang kukumpara ng tao dahil gano'n lagi ang ginagawa ng lola ko sa'kin.

Pero sana tanggapin mo na ako Lola. Wala dapat nakakaranas ng ganito, walang sino man dapat ang hindi gustohin dahil sa identity na meron sila.

I'm Into You (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon