Chapter 16

477 33 2
                                    

Naglalakad ako ngayon sa corridor ng secondary building, may klase kasi akong pinuntahan dahil may meeting si ma'am charlotte na teacher sa secondary.

"Ma'am!" Tawag sa 'kin ng isang bata mula sa likod kaya napalingon ako.

"Roy." Bati ko sa kan'ya saka ginulo ang buhok niya, si Roy ay Kinder student pa lang pero madalas ko siya makita at makausap dahil pag-uwian lagi siya late sunduin ng service niya.

"Ma'am mukha ka pong buntis." Sabi niya ngumiti nalang ako, bata 'yan, Alessia. Tumaba lang naman ako, buntis na agad suntukan nalang.

"Nako roy, hindi." Tumawa ako ng mahina saka yumuko para magpantay kami.

"Kumain kana?" Tanong ko, umiling naman siya ngumiti ako saka kinurot ang pisngi niya tumayo ako at kinuha ang kamay niya.

"Tara sa cafeteria libre kita." Yaya ko agad naman siyang tumungo. Tutal may kaunting minuto pa ako, naglakad lang talaga ako ng maaga sa building para maaga ako sa klase ko.

Nang dumating kami sa cafeteria ay umo-order agad ako ng oreo ice cream, apple juice, at isang carbonara. Favorite kasi 'yon ni Roy dahil madalas ko na rin siya yayain kumain.

Binuhat ko siya saka inupo sa upuan umupo naman din ako sa tabi niya umorder lang ako ng egg sandwitch para sa'kin at isang milktea na large ang size, ewan ko ba parang napapadalas ang inom ko ng milktea.

"Kamusta ang klase Roy?" Tanong ko sa kan'ya tuloy naman siya sa pagkain saka uminom ng juice at tumingin sa 'kin.

"Ma'am, okay lang po may star po lagi notebook ko."

Nagmamalaki niyang sabi malaki naman akong ngumiti saka kinurot ang pisngi niya. Nagpatuloy kami sa pagkain hanggang sa maubos niya ang pagkain niya pati na rin ang pagkain ko. Hindi na ako tumuloy sa klase dahil nag-text na rin sa akin si Ma'am Charlotte na tapos na ang meeting niya.

"Ma'am Alessia, may sasabihin po ako sa inyo." Sabi niya kaya nilingon ko siya naging busy ako sa phone ko dahil ka text ko si Nalia.

"Ano 'yun?"

Bumaba siya sa upuan niya saka sumenyas na lumapit ako sa kanya hinawakan niya ang tenga ko saka bumulong.

"Hiwalay na po sila Mommy." Bulong niya. Agad ko siya nilingon, paano na lalaman ng gantong kaliit na bata ang ganito na bagay.

"Saan mo nalaman 'yan?" Tanong ko agad, bata pa si Roy para sa mga gano'n usapin at sa pagkakaalam ko iisa siyang anak walang kapatid.

"Kasi po kahapon narinig ko silang nag-aaway, sabi pa nga po ni Mommy maghiwalay na raw sila dahil hindi naman daw talaga nila mahal ang isa't isa tapos sabi naman po ni Daddy sige raw dahil napilitan lang naman daw siya pakasalan si Mommy." Inosente nitong kwento napaawang naman ang labi ko, kundi ako nagkakamali anak sila ng isa sa mga sikat na may ari ng mall at ng isang fast foodchain.

"Ibig sabihin po no'n hindi nila ako gusto kasi po sabi ni teacher, nabuo kami dahil mahal ng Mommy at Daddy namin ang isa't isa pero po, hindi naman po mahal ni Mommy at Daddy ang isa't isa ibig po ba sabihin no'n hindi nila nagustohan na nabuhay ako?" Inosente niyang tanong agad naman akong umiling, bakit ba ang dami agad na nalalaman ng batang 'to.

Hinawakan ko si Roy sa kamay niya saka bahagyang yumuko sa harap niya para magpantay kami. Bata pa lang siya para sa mga gantong sitwasyon sa buhay ang batang katulad ni roy ay naglalaro at nagsasaya pa lang dapat sa buhay niya, pero ito siya iniisip ang problema ng magulang niya na.

Hindi siya ginusto na mabuo ng magulang nito.

"Hindi totoo 'yan Roy, mahal ka ng magulang mo ginusto ka nila mabuhay sa mundo kaya ka nga nandito 'di ba." Ngumiti ako sa kan'ya tska pinatapos kumain, pagkatapos niya kumain ay hinatid ko na siya classroom niya saka ako pumunta sa klase ko.

Hapon na nang makaalis ako sa school nag-text sa 'kin si Laurence na mag-kita raw kami sa farm ng family ko, ewan ko at anong pumasok sa utak ng lalaking 'yon at ginusto na roon kami mag-dinner.

Palibhasa siya ang marunong magluto sa 'min dalawa tamad nga lang.

Pagkarating ko pa lang sa harap ng malaking gate ay kataka-taka dahil puno ng mga itim na bulaklak ang buong gilid ng gate agad ako pinagbuksan bg guard ng pinto at inalalayan ako bumaba.

May gusto rin sana ako sabihin kay Laurence ngayon na siguro akong ikakatuwa niya.

"Ma'am, dahan-dahan lang po." Deklara ng guard sa akin tumungo naman ako saka dahan-dahan na nag-lakad.

Pagkabukas ng malaking gate ay naningkit ang mata ko dahil maliit na kandila lang ang nag-sinding ilaw.

Naghirap naba kami? Hindi naba nagbayad ng kunyente sila mommy?

Pero mas nagulat ako ng may biglang sumaboy ng itim na rosas, putangina papatayin pa 'ata ako sa nangyayari ngayon. Kung 'yung iba nagugulat dahil sa saya ako nagulat na mukhang ikakamatay ko yata!

Nagtuloy-tuloy ako sa paglalakad hanggang sa makarating ako sa malaking pinto ng mansion, wala naman tigil ang pagsaboy ng itim na rosas sa bawat dinadaanan ko, animo'y umuulan ng rosas. Wow magic.

Kusang bumukas ang malaking pinto ng mansion agad naman ako naglakad sa madilim na daan, pero bumagal ang paglalakad ko ng maaninag ko ang isang lalaking malaki ang ngiti nakatayo sa gitna ng mansyon may hawak na itim na bulaklak at naka-suot ng itim na pulo.

My favorite shade, black...

"Laurence..." Tawag ko sa pangalan niya ng maglakad siya palapit sa 'kin at hawakan ang kaliwa kong kamay at halikan 'yun.

Marahan niya akong hinila sa gitna ng mansion at 'dun ko lang din napansin ang hugis puso ng itim na rosas. Naguguluhan naman akong nag-angat ng tingin sa kanya.

Ba't puro itim? Mukhang lamay.

"Baby, alam kong mabilis ang lahat nangyari, una nang makita kita ay nagustohan kita agad, pero ng dalhin mo ako rito sa lugar na 'to, dito ko na sabi na mahal na kita ng panahon na 'yon." Pagsisimula niha hindi ako umimik at nakinig lang sa kanya.

"Alam kong nalimutan mo na naman an anniversary natin ngayon." Halata sa boses niya ang pagtatampo, madalas makalimutan ko pero not this time.

"Baby, hindi ko nakalimutan."

"Walong taon sa loob ng relasyon na ito ay masaya tayo, may pag-aaway at tampuhan pero walang bumitaw, may hindi pagkakaintindihan at minsan na rin napagod pero niminsan hindi pumasok sa isip natin na bumitaw sa relasyon na ito." Mamasamasa ang mata niyang sabi.

"Mahal na mahal kita, baby." Umawang ako sa sunod niyang ginawa.

Dahan-dahan siyang lumuhod sa harap ko at may kinuhang sa bulsa niya, mas umawang ang bibig ko ng mapagtanto ko kung ano 'yon.

"Will you marry me?"

Hindi ko na napigilan umiiyak sunod-sunod akong tumungo agad naman niyang sinuot sa'kin ang itim na sing-sing saka siniil ng halik ang labi ko.

Mabilis na halik lang 'yun at mahigpit kong siyang niyakap pinagkatitigan ko ang sing-sing halos mamangha ako dahil itim ang bato no'n.

Paano niya nagawa 'yon? Kamangha-mangha.

"Happy 8th Anniversary Baby." Bati niya saka dinapian ng halik ang noo ko.

"Happy 8th Anniversary din."

"May regalo ako sa 'yo." Sabi ko at for sure matutuwa ka.

Agad ko kinuha ang kahon nabinili ko kanina sa mall at binigay sa kanya 'yon.

"Necklace?" Tanong niya hindi naman ako sumagot at sumenyas lang akong buksan niya.

Gusto ko humagulgol sa saya ng buksan niya na ang kahon matagal niya na pinapangarap 'yon.

"D-Daddy na ako?" Maluha-luha niyang sabi hindi makapaniwala ang reaction niya habang hawaka ang ultrasound at pregnancy test na ginawa ko kanina.

"Buntis ka!" Halos mapatalon ako sa gulat ng bumukas ang ilaw at makita ko halos lahat ng tao malapit sa buhay ko.

Pero sabay-sabay kami sumigaw ng matumba si Laurence at mawalan ng malay.

Pota anong nangyari?!

I'm Into You (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon