Tahimik akong nakaupo rito sa may Milktea shop sa harap lang ng Campus namin.Parang ayoko pumasok sa sunod kong class. Blockmates ko ang lalaking 'yon sa ibang subject, ayaw na talaga ako tigilan simula nang magising ako sa bahay niya nang araw na 'yon. Aba 'di ko naman kasalanan na roon niya pala ako dinala noong nawalan ako ng malay.
Napabuntong hininga nalang akoaka mariin pinikit ang mata ko bago sumandal sa upuan, ah! Paano ako pupunta sa probinsya namin sa mga Lola ko?! Kung ganoon may mga alaala at tao akong gusto ko na tuluyan kalimutan.
Lumalalim na ang pag-iisip ko nang malibis ako napadilat ng mata ng may magsalita sa harap laking gulat ko na nakaupo na si Laurence sa harap. Minsan iiniisip ko nalang na multo siya.
Tumingin siya sa 'kin saka malaking ngumiti pero pinagkunutan ko lang siya ng noo saka mabilis nag-iwas nang tingin.
Ano paba aasahan ko? Eh parang buntot ko na 'ata simula nang gabing 'yon.
"Bakit 'di kapa umorder?" Tanong niya, nilingon ko lang siya saka muli binalik ang tingin sa glass wall. Masyado ako na stress kakasimula pa lang ng first sem pero na stress na ako sa buhay ko. Actually 'di naman ako na stress sa school eh, sa paligid ko.
'Yung kaibigan ko ayon may kasama na laging lalaki, pilit ko siya pinapalayo pero ayaw niya pero wala ako magagawa dahil doon siya masaya.
Tinaasan ko ng kilay si Laurence ng bigla niya ako kulbitin sa balikat ko.
Nakaramdam ako ng pandidiri nang lumapat 'yung daliri niya sa balikat ko. Mabilis ko pinagpag 'yun at humiling ulit sa wall glass.
I don't know pero masyado na akong takot sa mga lalaki, hawakan lang nila ako nandidiri na ako sa sarili ko.
"Okay ka lang?" Halata sa boses niya ang pag-aalala tumungo lang ako hindi siya nililingon.
"Alessia, may problema kaba sa lalaki?" Tanong niya nakinalingon ko. Pinanood ko muna siya uminom ng milktea saka ako nagsalita.
"Ano bang pakialam mo?" Tanong ko, walang ka emoemosyon ang mukha ko nang bitawan ko ang mga salitang 'yun.
"Kasi gusto kita." Sagot niya. Connect no'n?"
"Pakialam ko sa pagkagusto mo." Sagot ko saka tumayo at mabilis nagmartsa sa pinto ng shop nang makalabas ako ay agad ako pumara ng Taxi, ayoko talaga umattend ng class bahala na gusto ko magpahinga. Alam kong malaki ang ambag ng attendance sa grade namin pero ayoko talaga.
Halos suntukin ko ang pintuan ng taxi ng laking gulat ko nang bigla pumasok si Laurence at sabihin sasabay raw siya sa 'kin.
Punyeta naman ang kulit-kulit ng lalaking 'to porket hinalikan ko lang siya pabalik ang kapal na ng mukha niya magdidikit. Halik lang naman iyon 'no!
Mas nainis ako nang maalala ko ang sinabi niya sa'kin nang magising ako ng araw na 'yon.
Mabilis ako umiling saka tumingin sa bintana matagal-tagal pa ang byahe pauwi ng apartment. Bakit kasi nasira pa 'yung sasakyan ko eh 'di sana hindi ko kasama ang lalaking 'to.
Mabilis na ningkit ang mata ko ng may maramdaman akong kamay sa kamay ko.
"Gago ka." Sabi ko nang makita kong hawakan niya ang kamay ko hindi siya sumagot nanatiling nakayuko siya na parang lasing.
"Hoy!" Tawag ko sabay alis nang pagkakahawak ng kamay niya sa kamay ko at mabilis siya inangat mabilis ako nagtaka ng makita ko ang pagkaputla ng mukha niya. Luh?
"Laurence, bakit ang putla mo?" Tanong ko, hindi ko alam sa sarili ko kung bakit ako nakakaramdam ng pag-aalala sa kan'ya eh halos isang buwan ko pa lang siya nakikilala. Hindi siya sumagot at umiling saka mariin na pinikit ang mata at sinandal ang ulo sa balikat ko.
Hindi ako gumalaw, nanatili ako nakatingin nang deretsyo sa mukha niya maputla pa rin habang siya ay nanatili naman nakapikit nang mariin habang kagat-kagat ang pang-ibabang labi.
What happened to me? Ano 'tong ginagawa ko at nag-aalala ako sa kan'ya? Siguro naman nag-aalala lang ako dahil kilala ko pa rin siya.
"Sir, sa Valdez's farm po." Pag-iiba ko ng direksyon agad naman siya tumungo. Siguro naman pwede muna roon siya mag-stay dahil sa pagkakaalam ko ay tamad ako pumasok. Oo bukas alam kong tatamadin ako pumasok.
Lalo't na may kinaiinisan akong tao. Sa school 'yung bago namin Professor masyado ako trip. Hindi ko gusto ang tingin ng Gurong 'yun sa 'kin.
Nang makarating kami sa tapat ng malaking gate ay nagbayad na agad ako saka ginising si Laurence.
"Gising." Alog ko sa kan'ya agad naman siyang nagising. Lumabas muna ako para humingi nang tulong sa Guard para makahingi na rin ng Golf cart.
"Ma'am, kayo pala." Agad na bati sa 'kin, tumungo lang ako saka simple ngumiti.
"Pahinging Golf cart saka pasabi kay Mommy nandito ako sa Farm." Utos ko agad naman siya tumungo saka naglakad pabalik sa Guard house.
Binalikan ko naman si Laurence saka inalalayan lumabas. Ano ba nangyayari sa gagong 'to at bigla namutla? Tsaka mainit siya masyado, 'wag mo sabihin nilalagnat siya? Luh? Eh ang sigla nito kanina.
"Gago, nilalagnat ka?" Tanong ko habang hawak siya sa braso masyado siya malaki kaya kahit matangkad ako nahihirapan pa rin ako.
Tumungo naman siya, ay punyeta ginawa pa ako mag-aalalaga.
"Bakit ka sumama sa 'kin kung nilalagnat ka pala? Ginawa mo pa akong taga alaga." Tanong ko saka sumulyap sa malaking gate na bumukas na agad ko nakita ang Golf cart na pinapakuha ko kaya madali kong naisakay si Laurence. Kung walang lagnat ang lalaking 'to naglakad nalang ako papasok.
"Alessia, nene, sino 'yan?" Tanong sa 'kin ni Nanay Linda na matagal na rito sa Farm namin. Ngumiti lang ako saka siya nilagpasan. Pusta na ako isusumbong niya ako kay Mommy na may dalang lalaki.
"Liya, pakihanda ang kwarto ko." Utos ko sa isa sa mga katulong namin dito. Matagal na 'tong Farm na 'to rito nagtatanim ng mga mais at pakwan ang magulang ko dahil sayang daw ang lupa. Ginawan lang nila ito ng malaking bahay at malaking pool para raw pwede tambayan or pagbakasyonan.
Mabilis ko binuksan ang pinto ng kwarto ko, dahil bigat na bigat na ako sa buhat ko pabagsak ko siyang nilapag sa kama ko saka pinagkatitigan.
"Hoy bakit kapa sumama sa 'kin kung nilalagnat ka naman pala?" Medyo inis kong tanong gagawin pa 'ata akong yaya nito.
"Kasi... Gusto kita makasama..." Nakapikit niya sabi habang kumakampay-kampay pa ang kamay niya kumunot naman ang noo ko, boang talaga ang lalaking 'to kailangan kona ba siya dalhin sa mental? Gaguhan lang. Luh talaga siya.
"At bakit?" Tanong ko ulit.
Hindi agad siya nakasagot at pinipilit ang sarili tumayo nang makatayo ay maayos siya umupo sa kama sinundan ko lang nang tingin ang ginagawa niya pero, nagulat ako ng hawak niya ang isang kamay ko at may kunin siya sa bulsa niya. Pero mas nagulat ako nang laking gulat ko ng isuot niya ang isang silver na ring sa daliri ko.
Simple lang 'yun pero halatang mamahalin. Pero— punyeta?! Hindi ako nagsi-sing-sing aanohin ko 'to?!
Nag-angat ako nang tingin sa kan'ya saka siya pinaningkitan.
"Gusto ko patunayan sa 'yo gusto kita... kaya ako sumama sa 'yo." Sagot niya sa tanong ko kanina sabay bagsak ng katawan niya sa kama.
Seryoso talaga siya sa 'kin? Kawawang lalaki.
BINABASA MO ANG
I'm Into You (COMPLETED)
RomanceChasing Series #2 Alessia Kitianna Valdez is a bisexual, at first she is being confused, when she was in elementary she only attracted to men, when she turned into highschool, she's asking herself, what is her sexuality? Because she had a feelings...