Epilogue

642 27 14
                                    

Ngumiti ako kay Laurence na kakagising lang, halos dalawang oras din walang malay ang gago. Pota hindi ba siya natuwa sa regalo ko? Akala ko pa naman matutuwa siya.

"Ano ang nangyari?" Tanong niya aba'y tanong mo sa pagong. "Wala naman nahimatay ka lang naman daig pa ang babae." Umirap ako saka pinagkrus ang braso nakakatampo naman kasi ang ganda-ganda ng regalo ko sa kan'ya tapos mahihimatay lang siya.

"Baby, sorry naman nagulat lang ako." Kamot ang ulo niya sabi umirap nalang ulit ako.

"Nagulat ka nabuntis mo ako? Aba dapat hindi ka magulat asintado ka boy."

Panay ang sorry niya hanggang bumaba kami sa living room, tulog na sila Lola at ang iba namin kamag-anak pati na rin ang kamag-anak ni Laurence. Tangi si Mommy, Daddy, Tita, at Tito lang ang nasa living room at naghihintay sa paliwanag namin.

Pati kasi sila nagulat na buntis ako. Hehehe medyo gulat naman din ako pero hindi na ako magtatakang mabuntis ako dahil hindi naman baog ang asawa ko tsaka ayoko gumamit ng protection.

Bakit naman siya gagamit ng protection ibig sabihin no'n wala siyang balak panagutan ako kung may mabuo? Pero well wala naman masamang gumamit ng proteksyon lalo na kapag hindi pa naman talaga handa mag-anak pero kasi kami, stable na kami parehas kaya kung mabuntis man ako, keri na tsaka handa na rin siya handa na rin ako matanda na rin kami so why not.

"Explain." Walang emosyon sabi ni Daddy habang si Mommy at Tita naman masaya ang mukha, animo'y may pinagka-sunduan sila.

Mahigpit kong hinawakan ang kamay ni Laurence parang bakla dinaig pa ako siya itong lalaki pero mas takot pa sa 'kin.

"Syempre Daddy may nabuo." Malaking-malaki akong ngumiti, marupok si Daddy sa ngiti ko pero mas marupok siya pag-dating kay Mommy.

"Kailan pa?" 'Yun nalang ang sinabi niya.

"Mag-one month na raw 'yung bata sa tiyan ko." 'Yun ang sabi sa'kin ng doctor. "Kailan ang kasal?" Sunod niyang tanong nilingon ko naman ang boyfriend ko parang ewan na nagtatago sa likod ko.

"Kailan daw?" Tanong ko.

Umalis ito sa pagkakatago saka malikot ang mata tumingin kala mommy. "Next month or another next month." Ay nyeta!

"Next month Daddy." Ako na sumagot bahala siya basta ako gusto ko na mag-pakasal.

"Good."

"Babe, para kang baliw d'yan." Saad ni Daddy kay Mommy nakatikim naman si Daddy ng batok. 'Yan tawagin mo pang-baliw.

"Kasi naman si Tia tinatawanan ako manang-mana raw si Laurence sa ama niya kaso mas malala nga lang ang nangyari sa ama niya." Tumawa si tita saka paranh bubuyog silang nagbulungan ni mommy.

"Ano po ba nangyari kay Tito?"

Wala lang nacurious ako, dahan-dahan nagtago si Tito sa likod ni Tita saka yumakap. Sobrang kakahiyan ba ang ginawa ni tito at mas nakakahiya pa sa nahimatay?

"Ano kasi nung sinabi ko sa asawa kong buntis ako ay nahulog siya sa ilog tapos parang tanga nagpalutang-lutang doon at sumisigaw eh hindi niya napansin maraming tao sa ilog." Humahalak si mommy habang nagkwe-kwento si Tita.

"Hon..." Tawag ni Tito sa asawa mukhang hiyang-hiya si Tito sa ginawa niya noon.

***

Busy ang lahat sa paghahanda ng kasal habang ako naman ay busy sa pag-aayos kay Roy, iniwan si roy ng magulang niya tulala ngayon si roy sa bintana ng apartment ko awang-awa ako sa batang 'to.

Sa hindi pagkakaintindihan ng magulang niya ay nabanga ang sasakyan ng sinasakyan ng dalawa.

Ayaw sumama ni Roy sa mga lolo niya kaya nakiusap sa 'kin ang pamilya kung pwede sa 'kin muna si Roy wala naman problema sa 'kin iyon dahil natutuwa nga ako sa kan'ya at mukhang pinaglilihian ko siya, pero, hindi siya ang Roy na lagi kong kasama 'yung roy na masiyahin.

"Roy..." Tawag ko sa kan'ya saka lumuhod sa harap niya, umiiyak na naman siya.

"'Di ba love mo si Tita Ma'am." Sabi ko nilingon niya ako saka tumungo-tungo.

"Tahan kana, smile ka lagi nalulungkot ako eh." Ngumuso ako.

"Tita ma'am 'wag ka po malungkot kawawa po si baby."

"Kaya nga 'wag kana malungkot kasi nalulungkot din ako."

Ngumiti nalang siya sa 'kin saka tumungo-tungo, niyaya ko siyang pumunta sa apartment ni Laurence dahil sigurado akong nagluluto ang lalaking 'yon. Lagi nalang nagluto at pinapakain ako ng marami dahil daw buntis ako at dalawa na kaming kakain.

"Hi. Buddy." Bati niya kay Roy saka humalik sa'kin ng buksan niya ang pinto, niyaya ko naman si roy na pumunta sa kusina para kumain agad ko naman nakita ang fried chicken, tapa,hotdog, itlog, at fried rice.

"Baby, okay naba si Roy?" Tanong niya umiling naman ako, halos magdadalawang linggo na namin kasama si Roy sa bahay at pati si Laurence ay naawa na rin sa bata.

Lumapit ito kay Roy saka humila ng upuan naupo sa tabi nito umupo naman ako sa harap nilang dalawa.

"Buddy, gusto mo ng toy?" Tanong niya kay Roy sunod-sunod naman tumungo si Roy, kumuha naman ako ng plato saka sumandok ng pagkain at inilagay 'yun sa harap ng bata.

"Dapat 'di ka sad para may toy ka lagi okay?" Pang-uuto niya bata.

"Okay po!" Masiglang sagot ni roy saka Kumain.

"Baby, ikaw hindi pa kakain?" Tanong sa 'kin ni Laurence syempre kakain na ako baka magutom ang baby sa tiyan ko.

Sana boy ang anak ko.

"Tita Ma'am," tawag sa'kin ni roy habang kumakain kaming tatlo humarap naman ako sa kanya.

"Paglaki ko po, pwede ko pakasalan ang magiging baby niyo?" Natigilan ako sa tanong ng bata pero dahil bata siya at halata sa mukha niya na masaya ito ay ayoko naman sirain 'yon.

"Buddy, sige ba basta 'wag kana sad lagi ha." Si Laurence ang sumagot, humanda ka saking lalaki ka pag-umasa 'tong bata.

Masama ko siyang tinignan kasi baka umasa si Roy, eh paano paglalaki ang anak ko ano'ng gagawin ng lalaking 'to.

"Paano paglalaki ang baby natin." Singhal ko sa kanya. Napatulog kona si Roy sa isang kwarto nandito naman kami sa kwarto niya.

"Baby, buo nalang tayo ng bago." Malakas pa itong tumawa. Sa inis ay kumuha ako ng unan at pinaghahampas siya tumigil lang ako ng hawakan niya ang tiyan ko.

"Baby, galit na naman si Mommy." Sabi nito sa tiyan ko kala mo naman naiintindihan siya nung bata sa tiyan ko.

"Love na love ka ni Daddy can't wait to see you."

Nag-angat ito nang tingin sa'kin.

"Baby, kapag boy 'to gawa agad tayo ng bago hehehe."

"Gago!

"I love you."

"I love you too, pero gago ka pa rin.

"Sobrang saya ko, Baby. I'm just chasing you before but now, papakasalan na kita. I love you. No matter what you are."

The End


I'm Into You (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon