Bakasyon ko ngayon, well kakatapos ko lang sa last semester, second year na agad ang sunod first semester ulit. Pupunta kami sa province namin kasama ko ang pamilya ko pati ang pamilya ni Laurence.
Medyo kinakabahan ako dahil ngayon ko na ulit makikita si lola, halos tatlong taon din ng huli ko siyang makita.
"Okay ka lang?" Napalingon ako sa katabi ko, nasa pinakadulo kami ng van nakaupo habang sila mommy at tita sa bandang unahan naman. Ngumiti ako sa kan'ya. "Oo." Okay naman talaga ako, kinakabahan lang medyo, hindi ako natatakot na mapahiya sa mga tao kung magkataon man na sabihan niya ako ng masasakit na salita.
Nasasaktan lang ako dahil hindi niya matanggap ang alessia na bisexual, pero ngayon hindi ko alam kung ano magiging reaction niya kapag nalaman niyang may boyfriend na ako.
"Don't worry tanggap ka ng lola mo okay? 'Wag mo na isipin 'yun, tsaka baby nagpunta tayo rito for vacation parehas tayo naging stress sa mga nagdaang araw at nawalan tayo ng time sa isa't isa kaya please, 'wag ka muna mag-isip nang kung ano-ano okay? Gusto ko mag-saya tayo." Nakangiti niyang sabi saka ako niyakap at ngumiti nalang din ako. Totoo naman kasi ang sinabi niya. Parehas kami naging busy nung mga nag-daan araw dahil nga finals. Hindi nga kami nagkausap nang isang buwan dahil nagtampo siya sa'kin, pero kahit tampo siya sa'kin ng buong buwan na 'yun hindi niya pa rin ako pinabayaan.
Medyo inis na ako kay Laurence kanina pa ako tawag nang tawag, panay na rin ang sorry ko, hindi ko naman sinasadya na makalimutan ang monthsarry namin. 8th Monthsarry pala namin ngayon, masyado ako naging busy sa finals kaya hindi ko naalala na monthsarry namin.
kung hindi pa sinabi sa'kin ni Nalia na may hinandang supresa sa 'kin ang lalaking 'yun 'di ko pa malalaman.
Inis akong bumaba ng hagdan ng marinig ko ang doorbell ng bahay, pagkabukas ko ay isang delivery boy ang nando'n at may hawak na dalawang paper bag.
"Ano po yan?" Tanong ko, sa pagkakatanda ko wala akong pina-deliver ngayon, kakatapos lang ng finals kanina tapos medyo stress pa ako sa boyfriend kong tampo sa 'kin. First boyfriend ko ito at kapag nagtatampo naman ito dati isang suyo ko lang tapos na pero mukhang malala talaga kasalanan ko, nakailang lambing na ako wala pa rin.
"Para po kay Ms.Valdez." Sagot ni kuya, wala naman ako sa mood kaya tinanggap ko nalang 'yun tutal bayad na naman daw 'yon. Mabilis ko nilapag ang dalawang paper bag sa dinning table saka nagmamadaling naglakad papunta sa living room dahil narinig ko nag-ring ang phone ko.
Si Nalia lang pala. Akala ko naman si Laurence na.
"Hello?" Bagot kong sagot saka binagsak ang katawan sa sofa. Miss ko na ang lalaking iyon kahit papaano.
"Ilang linggo na kayo hindi nagkikita at nag-uusap?" Tanong niya umirap naman ako.
"Magtatatlo na 'ata."
"Luh? Kaya pala." Tumawa siya.
"Bakit?"
"Kaya pala panay ang tawag sa 'kin ng lalaking 'yun at laging sinasabi na pakainin ka tapos ngayon pinapasabi niya sa 'kin na 'wag ka raw mag-
pagutom binilhan kana raw niya ng pagkain." Sabi niya habang tumatawa ng malakas napangisi naman ako saka nilingon ang paper bag."Swerter mo sa bebe mo, kahit nagtatampo 'di ka pinapabayaan."
Napangisi naman ako ulit, swerte ko talaga. Mahal na mahal ako ng lalaking 'yun. Nagplano siya ng surprise para sa 'kin kaso maaga ko nalaman gawa ni nalia pero hindi ko naman akalain ang surprise na pinaghandaan ni Laurence ay monthsary namin.
"Oh siya babye na may date pa ako."
Nilapag ko nalang sa coffe table ang phone ko saka akmang tatayo ng may mag-text.
Sanggol na matampuhin:
Tampo ako sa 'yo pero ayokong nagugutom ka kaya kumain ka.
Hindi ko mapigilan hindi matawa, ako kasi nagpalit ng contact name niya sa cellphone ko.
Ako:
Pwes magpakita kana para kang tanga.
Sanggol na matampuhin:
Tampo pa rin ako pero tandaan mo tampo lang ako pero akin ka lang 'no!
Ako:
Huh?
Baby:
Nakita kita nakipagkita sa isang lalaki, akin ka pa rin nagtatampo lang eh...
Tumawa ako dahil sa text niya, siya 'yung tampuhin na marupok hay nako, si Shawn lang naman 'yung kinita ko kasi may supresa siyang gagawin sa babaeng gusto niya.
Pero chismoso ang lalaking 'yun nalaman kung kanino ako nakipagkita.
Nandito na ako sa kwarto ko sa mismong mansion namin, bumaba lang saglit si Laurence para kunin ang gamit namin. Namiss ko ang lugar na 'to kahit marami akong masamang alala rito.
Dali-dali ako napalingon sa pinto ng kwarto ko at agad ako napatayo ng makita kung sino 'yun.
"Lola..." Gulat kong sambit, impossibleng pumasok siya sa kwarto ko.
Ayaw na ayaw ni lola pumasok sa kwarto ko.
"Kamusta kana?" Tanong niya sa 'kin, hindi naman agad ako nakasagot. Kahit matanda na si Lola ay hindi pa rin 'yun halata sa katawan at pananalita niya.
"Lola gusto niyo bang umalis ako sa mansion niyo? Okay lang naman po sa hotel ako mag-stay magsasabi nalang ako kal—" Hindi ko natuloy ang dapat sasabihin dahil sa gulat. Totoo ba ito? Niyakap talaga ako ni Lola?
"Apo... patawarin mo ako." Aniya dahilan ng ikatulo ng luha ko, napasilip naman ako sa pinto nakita ko roon si Laurence saka malaking ngumiti. Minsan ang pagiging chismosa talaga nito may silbi.
"Po?" Naguguluhan ko pa rin tanong saka humarap kay Lola.
"Hindi ko akalain na gano'n ang mga iniisip mo." Marahan na hinaplos ni Lola ang mga pisngi ko, kahit naguguluhan ay niyaya ko siya umupo sa dulo ng kama ko.
"Ano po ba sinasabi niyo?" Tanong ko naguguluhan ako sa sinasabi niya lalo na sa inaakto niya ngayon.
"Hindi ko gusto na isipin mo na ayaw sa 'yo ni Lola, Alessia ayoko lang na masaktan ka sa sinasabi ng ibang sa 'yo at mas lalong 'wag mo isipin na hindi kita tanggap, tanggap kita Alessia na sabi ko lang sa 'yo ang mga 'yun dahil ayokong marinig mo ang mga salita ng mga tao sa 'yo. Walang masama sa pagiging bisexual, Apo o kahit ano man ka, patawarin mo si Lola kung nasaktan ka sa mga sinabi ko sa 'yo noon."
Kagat labi akong nakatitig sa kaniya pinipigilan ang sariling humibik.
"Lola ayos na po 'yun."
Ngumiti sa 'kin si Lola saka ngumiti.
"Sinabi sa 'kin ng boyfriend mo lahat kaya patawarin mo 'ko, apo." sinasabi ko na nga ba! Laurence bakit mo sinabi?! Pero mahal pa rin kitang gago ka.
"Uhm... Alam niyo na pala boyfriend ko si Laurence." Medyo nahihiya kong sabi, hindi ko kinakahiya si Laurence pero kasi alam mo iyon, hindi pa lahat ng tao open sa mga sexuality ang iba kasi iniisip porket bisexual kana lesbian kana eh magkaiba naman iyon.
"'Wag ka mahiya Alessia, natutuwa nga ako sa boyfriend mo." Tumawa si Lola, umawang naman ang bibig ko.
"Iba lang sa Mommy mo, confused siya sa sarili niya noon bago niya nakilala ang Daddy mo..."
BINABASA MO ANG
I'm Into You (COMPLETED)
RomanceChasing Series #2 Alessia Kitianna Valdez is a bisexual, at first she is being confused, when she was in elementary she only attracted to men, when she turned into highschool, she's asking herself, what is her sexuality? Because she had a feelings...