Chapter 13

460 31 0
                                    

Isang buwan na naman ang lumipas at nandito ako ngayon sa milktea shop sa harap ng school, ibibili ko kasi si Laurence ng milktea. Dahil may laro siyang ng basketball ngayon, cut out na naman ang klase ko dahil wala ang prof namin.

"One okinawa milktea with 25% sugar, and less boba, and also one mango graham shake, pa add ng graham crust and mango syrup, thank you." Sabi ko sa babae agad naman siyang tumungo saka umalis. Umupo muna ako sa upuan, dahil ihahanda pa naman ang mga 'yon.

Dali-dali nang liit ang mata ko ng mula sa kinakaupuan ko ay naaninag ko si Laurence sa harap ng malaking gate at may kausap na babae.

Wait... Si Viva 'yun 'di ba? 'Yung galing sa isang school— hindi ko tanda pota, jowa ko naman kasi nag-chismis sa akin noon.

Pero base sa naririnig ko flirty daw ang babaeng ito, iba't ibang lalaki raw ang date nito at kung ano pang-ginawa like fuck buddies. I don't know kung totoo ang mga narinig ko, pero sa tingin ko naman hindi totoo na nakikipag ano siya like, mukha naman siyang bait na misunderstood lang siguro siya. Mukha naman siyang maayos masyado lang siguro siya hinuhusgahan ng tao. Pero kung totoo naman iyon, pakialam ko? Buhay niya iyon 'no!

Hindi ako selosa pero ang makita kong hinaplos ni viva ang braso ng boyfriend ko, girl akin 'yan.

Tumayo ako saka lumapit sa babae at sinabi na babalik ako, dali-dali ako naglakad palabas ng pinto at halos takbuhin kona ang ilang dipa layo ko kala Viva.

"Bakit ayaw mo makipag-date?" Rinig kong tanong niya, umiling naman si Laurence saka pilit inaalis ang pagkapulupot ng braso ni viva sa braso niya.

"My answer will always, No. May girlfriend ako, at mahal ko 'yon, sobrang-sobra." Sagot ni Laurence mabagal lang ang paglalakad ko palapit sa kanila napangiti naman ako sa narinig.

"Girlfriend? Laurence kailan kapa nagseryoso sa babae? For sure bago mong girlfriend lang 'yun one week pa lang kayo." Sabat ni Viva umiling lang ulit ang boyfriend ko nang lingonin niya ang direction ko ay halos lumuwa ang mata niya sa gulat nang makita niya ako roon.

"Viva, bitawan mo na ako. Ayoko kita itulak dahil may respeto ako sa 'yo, babae ka pa rin pero kapag ako na pikon itutulak kita."  Nagmamakaawa ang tuno niya. Akala siguro ng lalaking 'to magagalit ako sa kan'ya dahil sa nakita ko, well sapat na ang tiwala at pagmamahal niya sa 'kin para hindi ako magalit, tsaka ang laki ng tiwala ko sa kan'ya 'no.

"Bitaw." Walang gana kong utos, ayoko magpakita ng emosyon sa kan'ya masyado mahal ang emosyon ko para makita niya. Boyfriend ko nga lang nakakita ng kalandian ko.

Nilingon niya ako saka ako tinaasan ng isang kilay palihim naman ako umirap saka malakas na ngumisi, hinakbang ko ang ilang pagitan namin saka hinawakan ang kamay niyang nakapulupot sa braso ng boyfriend ko saka marahan na inalis 'yon.

"Sino kaba?!" Inis niyang tanong saka pahagis na inalis ang kamay kong nakahawak sa kamay niya.

"Ang girlfriend lang naman ng lalaking nilalandi mo." Ngumisi ako saka masama siyang tinignan, tinignan niya ako mula ulo hanggang paa saka tumawa ng malakas.

"Ikaw? Girlfriend? ano bago lang? Girl or Boy iwan muna siya iiwan ka rin niya."

Mas ngumisi ako saka nilingon si Laurence na titig na titig sa 'kin nakita ko pa kung paano siya lumunok animo'y takot na takot. May panakot na naman ako rito. Dali pa naman nito mauto.

"Bago? At anong sabi mo kanina isang linggo pa lang kami?" Malakas ako humalakhak saka pumalakpak.

"Yes, dahil ako lang naman ang pinaka matagal niyang naging girlfriend, three months wala namg mas tatagal doon." Confident niyang sagot, gusto ko siya tawanan dahil masyado siya confident sa sagot niya ayoko naman siya mapahiya pero, linta siya.

"Three months? Hina mo naman."

Kumunot ang noo niya kaya natawa ako.

"Miss, for your information 1 year and 1 month na kami and stay strong at 'wag mo subukan agawin ang gagong lalaking 'yan, mabait naman ako pero hindi ko pa rin siya ipagdadamot sa 'yo." Nilingon ko si Laurence na malaki ang mata ngayon dahil sa sinabi ko.

"Pero hindi naman masama maging maramot, Miss. He's mine, only mine he was my property so know your limits miss, and by the way. Kung gusto mo siya agawin sa 'kin, go." Ngumisi ulit ako.

"Kung magpapaagaw siya sa 'yo, dahil sa aming dalawa siya ang naghabol at sa aming dalawa sobra-sobra ang pagmamahal sa akin ng playboy na 'yan kung tawagin niyo." Gusto kong tumawa ng malakas pero ayoko ipahalata kay Laurence na natutuwa ako sa nangyayari.

"Baby, let's go." Yaya ko sa kan'ya agad naman siya lumapit sa 'kin at hinawakan ang kamay ko saka sabay kaming naglakad. Itinaas ko ang isang kamay ko saka itinaas ang gitnang daliri ko, humarap ako sa kan'ya saka bumulong sa hangin.

Nang makarating sa milktea shop ay nakahanda na ang order ko kanina agad ko naman binigay sa kanya ang milktea, kinuha ko naman 'yung mango graham shake at nagbayad.

Nanguna akong lumabas saka sumakay ng taxi, akala ko ay babalik siya sa school dahil sa pagkakaalam ko may practice pa sila pero nagkamali ako at sumunod siyang pumasok sa taxi.

"Galit ka?" Parang batang tanong niya gusto ko tumawa ng malakas dahil ng lingunin ko siya ay mamasa-masa ang mata niya at sunod-sunod na lunok ang ginawa niya.

"Hindi." Sagot ko.

Wala akong pinakitang kahit anong reaction sa kan'ya dahil natutuwa pa ako sa itsura niya.

Ganto ba niya ako ka mahal? Takot na takot siyang magalit ako sa kan'ya.

Inilipat ko ang tingin ko sa binta saka humigop sa mango graham shake ko, wala pang ilang minuto ay nilingon ko ulit siya ng hawakan niya ang isang kamay ko at hinilot iyon.

"'Wag kana magalit ikaw lang naman ang mahal ko." Paglalambing niya nilingon ko naman 'yung driver ng taxi at mukhang diring-diri ang mukha niya habang nakasilip sa'min.

Bitter si kuya.

Para akong baliw sa isip-isip gusto ko na talaga humalakhak sa tuwa dahil sa mukha nang lalaking 'to.

"Si Viva 'yun... Uhm...Ex-girlfriend ko, I don't know parang fling nga lang eh, pero hindi ko naman siya minahal." Pagpapaliwanag niya, nye? Sino naman nagsabi magpaliwanag siya. Parang tanga wala naman akong sinasabi.

"Ikaw lang talaga minahal ko sa mga naging girlfriend ko Alessia, Baby, 'wag kana magalit, ikaw lang din naman ang ilalakad ko sa altar eh."

Humarap ako sa kan'ya saka
tinigil ang pag-inom.

"Bakit may balak kang ibang ilakad sa altar?" Wala emosyon kong tanong agad naman siyang umiling, tumungo-tungo ako saka muli hunarap sa bintana hinayaan ko siya na hilutin ang kamay ko tutal masakit din 'yun.

Nang makarating sa village nila Mommy kung saan muna sila nag-stay ay agad naman kami pumasok sa loob ng bahay. Sa pagkakaalam ko kasi gusto ni Tita na makita  si Mommy dahil ito ang dahilan kung bakit niya nakilala si Tito. Nagkita na naman sila pero dinner na rin daw kami.

Alam mo 'yung feeling na curious ka sa love story nila.

"Baby, mahal mo 'ko?" Bigla niyang tanong kaya napalingon ako sa kan'ya.

Pula na ang mata niya habang parang batang nakanguso at paiyak na, mas natawa ako pero pinipigilan ko ang sarili kong tumawa.

"Hindi, break na tayo." Biro ko.

I'm Into You (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon