Chapter 15

460 28 1
                                    

Note: fast forward na ito.

***

Tahimik lang ako naghihintay dito sa coffee shop sa tapat ng building ng company nila daddy. Walang pasok ngayon dahil December na holday syempre hindi pwedeng mga student lang ang may holiday teacher din dapat. Mabilis nga lang yung amin.

Grade five teacher ako sa isang kilalang school habang naman ang boyfriend ko na nagtatampo na naman ngayon ay busy sa company nila. Nagtampo na naman kasi hindi ko siya pinayagan tumabi sa 'kin kahapon sa kama.

Kasalanan ko bang ayoko siya makita at katabi kahapon naiirita ako sa mukha niya.

Nandito naman ako ngayon sa coffee shop dahil hinihintay ko si Nalia, may problema raw siya at may mahalagang sasabihin dahil hindi naman ako busy at nag-iisip pa rin ako ng paraan paano suyuin ang lalaking tampuhin na 'yun.

Napalingon ako sa pinto ng coffe shop nang bumukas 'yun, kunot noo kong tinignan ang mukha ni Nalia, pulang-pula ang mata at ilong paga ang mata at halatang wala pa siyang tulog at umiyak.

Ano'ng problema nito?

Umupo siya sa tabi ko saka bigla ako niyakap sa gulat ay wala naman akong nagawa kundi ang gantihan nalang ang yakap niya.

"Nalia..." Medyo nag-aalala kong tanong, iba ang pakiramdam ko sa kan'ya ngayon ramdam ko na malalim talaga ang problema niya.

"Alessia pagod na ako..." Naramdaman ko nalang na umiiyak siya sa balikat ko hinaplos ko ang likod niya saka siya bahagyang nilayo sa'kin.

"Ano'ng problema? Sabihin mo sa 'kin." Nag-aalala kong tanong, hindi siya sumagot bagkus may kinuha siya sa bag niya at nanlaki ang mata ko ng iabot niya sa 'kin 'yon.

"Buntis ka?" Bulong kong tanong sunod-sunod naman siyang tumungo, buntis siya... "Pero iniwan kana ng boyfriend mo 'di ba? Pinili niya ang Canada kaysa sa 'yo, paano ang bata? Nalia paano mo kakayanin magbuntis ng mag-isa kakapatay lang ng mama mo wala na naman din si Tito matagal na, tangi ikaw at ang kuya mo nalang ang magkasama sa buhay pero ang kuya mo ay busy sa pag-handle ng business niyo."

Umiling-iling lang siya saka nagpatuloy sa pag-iyak. "Hindi ko alam, kakasimula ko pa lang ng carrier ko sa pagmomodel, Alessia. Hindi ako pwede magbuntis hindi ko alam kung kakayanin ko mag-
buntis mag-isa. Wala si Ivan pinili niya ang Canada dahil sa magulang at pangarap niya at naiintindihan ko 'yun, dahil isa ako sa nagtulak sa kan'ya, dahil pinagkatulakan ko siya. Pero hindi niya alam na buntis ako, ayoko sirain ang pangarap niya para maging isang kilalang engineer." Umiiyak niyang sabi napabuntong hininga nalang din ako, si Ivan ay 'yung isang sikat na student sa Lee international School hindi ko nga alam kung paano nagkakilala ang dalawa 'yun basta ang alam ko lang ay halos five years na sila sana ngayon.

Pagod akong umuwi sa bahay dahil sinamahan ko pa si Nalia magpacheck up sa Obstetrician.

Okay lang naman daw ang lagay ng bata pero kailangan pa rin daw ng pag-iingat dahil mahina ang kapit ng bata. Three weeks pa lang ang baby.

Napalingon ako sa pinto ng apartment nang bumukas iyon at pumasok si Laurence na may dalang dalawang paperbag.

Agad naman siyang ngumiti sa 'kin saka ako binigyan ng halik sa pisngi bago siya dumeretsyo sa kusina, sinundaan ko lang nang tingin ang bawat kilos na ginagawa niya. Ewan ko bakit parang ang cute niya sa bawat galaw na ginagawa niya.

Madalas na ako rito matulog sa apartment niya kaysa sa apartment ko siguro one to two days lang sa isang linggo kung matulog ako sa sariling apartment ko at kasunod ko pa siya roon.

"Baby, bakit gan'yan ka makatingin?" Tanong niya sa 'kin habang hinahanda ang pagkain namin sa lamesa. Ngumiti lang ako saka ngumuso ng maamoy ko ang pagkain na dala niya. Bicol express 'yun, nung isang araw ko pa kaso gusto no'n kaso ang lalaking 'to hindi alam kung saan hahanap ng gano'n pagkain, mga street food lang daw ang alam niya.

"Baby..." Tawag ko saka nginuso ang milktea na nasa tabi lang niya kinutan niya ako saka binigyan ng nagtatanong na tingin.

"Penge..."

"Huh?"

Mas ngumuso ako saka iniupo ng maayos ang sarili sa sofa, kahit naguguluhan siya ay wala siyang nagawa kumdi ang lumapit sa'kin saka ibigay sa 'kin ang milktea na binili niya na panigurado ko ay sa kan'ya talaga.

"Akala koba never ka iinom ng milktea." Tumawa siya saka umupo sa tabi ko ipinatong niya ang kaliwang braso niya sa balikad ko habang ang isa naman niyang braso ay nakayakap sa bewang ko. Hindi ko nalang siya pinansin dahil nag-enjoy pa ako uminom ng milktea, hindi ko alam ang flavor ng milktea na iniinom ko pero masarap naman siya.

"Baby... Pwede na ba ako tumabi sa 'yo mamaya?" Malambing ang tono niyang tanong tumigil ako sa pag-inom saka siya nilingon.

"Baby, may sasabihin ako." Sabi ko nag-angat naman siya ng tingin sa'kin saka pinatong ang ulo niya sa balikat ko at ibinaba ang isang braso sa bewang ko na nakahawak sa balikat ko.

"Ano 'yon?" Tanong niya saka ako hinapit palapit sa kanya, sumimsim muna ako ng milktea saka nginuya ang pearl. "Buntis si Nalia." Sabi ko.

Nilingon ko siya at walang reaction ang mukha niya pero hindi siya nag-salita. "Walang mag-aalaga kay Nalia habang buntis siya tsaka nagsisimula pa lang siya sa carrier niya Baby, alam mo nagpalaya siya sa boyfriend niya dahil gusto niya matupad ang pangarap ng boyfriend niya kaya naawa ako sa bestfriend ko." Ngumuso ako saka umiling-iling, niyaya ko si Nalia na tumira rito sa 'min doon sa apartment ko pero umayaw siya at pupunta nalang daw siya sa province nila sa Bataan may Tita at Tito pa naman siya roon na willing siya alagaan.

"Baby, iiwan mo rin ba ako para sa pangarap mo?" Wala sa sarili kong tanong kahit ako sa sarili ko naguguluhan ko tinanong 'yun, pero pinangungunahan ako ng utak ko na baka iwan din ako ni Laurence at piliin nito ang pangarap nito.

Yumuko ako at naghihintay pa rin ng sagot ng wala pa rin akong makuhang sagot sa kanya ay hindi ko alam na umiiyak na pala ako.

bakit ang emosyonal ko naman 'ata.

Parang tanga pota.

"Baby, stop crying okay? Ikaw ang pipiliin ko dahil ikaw ang pangarap ko. Ikaw ang pangarap kong ilakad sa altar ikaw ang pangarap ko maging asawa at maging ina ng mga anak ko. Ikaw ang pangarap kong makasamang habang buhay, kaya ikaw ang pipiliin ko dahil ikaw ang pangarap ko, I love you so much, even the star, moon, and sun will gone."

I'm Into You (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon