Pagod akong bumaba ng sasakyan ko at nagsimula maglakad papunta sa gate ng apartment ko.
Mabilis ako natigil sa pagbubukas ng gate nang may narinig akong sumusunod sa likod ko.
Shit! Pati ba naman dito nandito ang lalaking 'to?
"Ano'ng ginawa mo rito?" Tanong ko. Dahil nasa may tapat na rin siya ng gate ng apartment ko.
Impossible naman dito siya nakatira? "Sinusundan mo ba ako?" Tanong ko ulit nang hindi siya umimik. Dali-dali naman lumaki ang mata niya at akmang lalapit siya sa 'kin ng pigilan ko siya.
"Kanina mo pa ako bwinibwisit sa School." Pagod na pagod kong sambit. Habang hawak-hawak ang likod na sobrang sakit dahil sa ginawa ko kanina.
Sino ba naman hindi mapapagod, eh sa dami ng nilinis kong Restroom bilang parusa.
'Di man lang sinabi sa'kin na gano'n karami ang Restroom ng buong campus. Sa private ako nag-aral before University rin malaki rin pero nasa 2-3 restroom lang yata ang meron per building pero, sa school na iyon, 5-8 per building tapos bukod pa ang Restroom ng Men and Women.
"Dito ako nakatira." Saad niya saka ngumiti, tumaas naman ang kilay ko bago ngumisi.
"Ano'ng dito ka nakatira?" Tanong ko. "Bahay ko 'to, ungok." Malakas naman siyang tumawa saka tatakbo bumalik sa sasakyan na itim na nasa likod lang ng sasakyan ko.
Mabilis ako nagtaka ng lumabas siya roon, may dalang dalawang paper bag. Pero mas nagtaka ako ng i-abot niya ang isa sa 'kin pero hindi ko agad kinuha 'yun.
"Ano 'to?" Tanong ko saka pinagtitigan ang paper bag. Pero imbes sagutin ako ay isenenyas niya sa 'kin na kunin ko, nagdalawang-isip muna ako kung kukunin ko pero nang makita kong nangangalay na siya kinuha ko nalang.
Kawawa naman.
"Nakita kitang pagod na pagod kanina, wala kang pagkain, kaya binilhan kita ng Isaw, Balut, at Mango Graham shake." Sabi niya sabay kamot sa batok.
Hindi ko alam sa sarili ko bigla ako napangiti. Pagdating talaga sa pagkain lalo't na Isaw at Balut napapangiti ako.
Pero; kanino naman nito nalaman na favorite ko ang Isaw at Balut?
"Paano mo nalaman favorite ko ang mga 'to?" Nakataas ang kilay ko tanong, ngumiti naman siya ng pagkalaki-laki.
"Sa kaibigan mo. I asked her na kung ano favorite at mga hilig mo. I told you gusto kita at seryoso ako sa 'yo." Seryoso ang mukha niya sabi pero hindi pa rin ako naniwala.
Ano kaya ang hindi niya maintindihan sa salitang hindi ako papatol sa katulad niya?
Tsaka, uso ba talaga 'yung love at first sight? Like? Ang weirdo niya, kakilala niya lang sa 'kin gusto na niya agad ako.
Sabi sa 'kin ng mga ka-schoolmate ko. 'Wag ako magpapauto sa lalaking 'to dahil kilala ito sa Campus namin na playboy at mahilig manira ng puso ng babae.
'Yung tipong papaasahin ka lang niya lalandiin ka tapos kapag sawa na siya sa 'yo iiwan kana niya.
Kaya hindi ako naniniwala sa mga pinagsasabi ng lalaking 'to ngayon.
Lalo't na hindi rin ako interested sa kaniya.
"Seryoso mo mukha mo." Sabi ko bago binuksan ang gate akmang i-lo-lock ko na sana ang gate nang bumaling ako sa kan'ya at tumingin nang deretsyo sa kan'ya
"Salamat pala rito." Sabi ko bago siya tuluyan iniwan doon nakatayo at pumasok na sa bahay.
Nilapag ko muna sa sala ang pagkain saka umakyat sa second floor at naligo.
BINABASA MO ANG
I'm Into You (COMPLETED)
RomanceChasing Series #2 Alessia Kitianna Valdez is a bisexual, at first she is being confused, when she was in elementary she only attracted to men, when she turned into highschool, she's asking herself, what is her sexuality? Because she had a feelings...