Halos suntukin ko ang sarili ko nang hindi siya umimik at nanguna pumasok. Na-meet na ni Laurence sila Mommy at Daddy before kaya sanay na rin siyang pumasok sa bahay ang gusto kasi mangyari ngayon nila Tita ay family dinner.
Agad ako sumunod sa kanya at nang maka sa lubong si aling nena ay tinanong ko kung nasaan sila Mommy, wala pa raw, tska nakita niya tatakbo pumunta si Laurence sa guest room.
Halos takbuhin ko na ang hagdan dahil iba ang kaba naramdaman ko, kung kanina natatawa pa ako ngayon hindi na nang makita ko na pilit niya pinipigilan umiyak bago ako iwan sa labas ay bigla ako nasaktan. Sa tingin ko hindi tama ang sinabi ko.
Mali ako sa oras na 'to.
Agad ko binuksan ang pinto ng guest room saka nilock 'yun. Maaga pa naman mamayang gabi pa ang dating nila mommy.
Mahabang suyuan 'to, ay bwisit ka Alessia.
"Uy!" Tawag ko sa kan'ya saka humiga sa likod niya nakatalikod siya sa'kin at humihikib kita ko ang bawat pag-galaw ng balikat niya.
"Sorry..." Nakonsenya talaga ako. "Hindi naman ako galit nagbibiro lang ako."
"Hindi magandang biro 'yun, Alessia, nasaktan ako." Sagot niya kaya bumuntong hininga ako saka niyakap siya mula sa likod dinungaw ko ang mukha niya, ay naiyak talaga siya! Pula na ang mata basang-basa na ang pisngi at pula na rin ang ilong niya.
Ipinatong ko ang baba ko sa leeg niya saka mas hinigpitan ang yakap.
"Sorry na..." Nilambingan ko pa ang boses ko d'yan mahirap kaya manuyo ng lalaking tampuhin. Masyado malambot ang puso niya sa'kin kaya madali siya masaktan.
"Nasaktan ako, ikaw kaya sabihan ko na hindi na kita mahal tapos break na tayo hindi ka masasaktan ha?" Tanong niya 'di naman agad ako nakasagot mas nakokonsensya ako, masama ba mag-joke?
"Ikaw lang ang minahal ko saka sineryoso ko Alessia, tapos ang dali mong sabihin sa 'kin na hindi mo na ako mahal." Singhal niya pa napabuntong hininga naman ako.
Sumampa ako sa kanya saka lumipat papunta sa harap ngayon nakatingin ako sa kan'ya habang siya iniiwas ang tingin sa 'kin.
Itinaas ko ang isang kamay saka hinaplos iyon sa mukha niya, hindi ko naman alam na masasaktan siya eh.
"Mahal naman talaga kita eh nag-joke lang ako." Gusto ko ngumuso dahil ako ang babae sa 'min dalawa pero ako lagi ang nanunuyo sa kan'ya. Sabagay ako naman ito lagi nang-aaway.
"Sorry na, Baby..." Dagdag ko pa ngumuso naman siya.
"'Wag mo na uulitin 'yon?"
"Yes po, Baby." Sagot ko.
"Mahal mo ako?"
"Yes po.".
"I love you too." Balik niyang sabi saka yumakap sa 'kin at siniksik ang mukha sa leeg ko.
Marupok.
Ang rupok-rupok ng lalaking 'to sa 'kin. Ah, grabe sarap sa feeling na mahal na mahal ka.
"Baby..." Tawag niya sa 'kin ungot lang ang sinagot ko.
"Malapit na birthday ko." Sabi niya.
"Oh ano?"
Isiniksik pa niya ang sarili niya sa'kin saka pinulupot ang mga binti niya sa binti ko.
"Punta tayo sa palawan." Yaya niya inalis ko ang mukha niya sa leeg ko saka pinagkatitigan 'yon.
"Bakit sa palawan pa?" Tanong ko, mga dalawang buwan pa bago ang 20th birthday niya matatapos pa lang ang mid-term sa oras na 'yon kaya makakagala kami pero 'di ko rin sure.
"Wala lang, gusto ko ng dagat." Aniya tumungo-tungo naman ako.
Pwede namin isama si nalia na broken hearted ngayon tska, si shawn at ang fiancé ang niya, kakauwi lang ni shawn nung nakaraan buwan at walang pasabi sabi nag-propose si bakla as in pota 'di man lang ako na-inform.
"Sige... Pero pwede isama sila Shawn at Nalia?" Tanong ko agad naman siyang tumungo, alam kong isa si Shawn ang pinagseselosan niya pero nang malaman niya na engaged na ito hindi na siya nagseselos dito.
***
Kakagising lang namin dalawa dahil hindi namin namalayan parehas na habang nagkwekwentuhan at magkayakap sa kwarto ay nakatulog na kami.
Ginising lang kami ni aling nena para sabihin nando'n na sa baba sila Tita at Mommy dahil ready na rin ang dinner.
Naghilamos at nagbihis lang ako ng simpleng sweat pants at black na t-shirt. Si Laurence naman ay isinuot 'yung t-shirt na black at 'yung short na binili ko sa kan'ya dati kasi kapag nag-stay siya rito madalas hindi na kami nakakauwi sa apartment namin.
Pagkababa ay agad ako sinalubong ni aling nena at sinabing sa pool area kami mag-dinner gawa doon gusto ni Mommy.
"Hi, Tita..." Bati ko kay Tita nang siya agad ang makita ko pagkalabas ko pa lang ng back door, agad naman binati ni Mommy si Laurence, most of the time Mikhael ang tawag sa kan'ya ni Mommy at Tita.
"Hi, Alessia." Bati rin ni Tita.
"Anak come here." Yaya sa 'kin ni Mommy agad naman ako sumunod, agad naman ako napalingon kay Laurence na sumusunod din sa gawi ko.
"Bakit ka nasunod?" Kunot noo kong tanong aba sa kabilang side dapat ang daan niya.
"Uupo."
"Anak ka ba?"
"Yes baby, Mommy ko rin siya at magiging asawa naman kita."
Nyeta! Bakit ba ganito ang lalaking 'to parang uminit bigla ang pisngi ko.
"Tia, manang mana sa 'yo ang anak mo ang ganda pati ang pagiging boyish mo." Humalakhak si tita pero, huh? Ano raw?
"Manang mana naman ang anak mo sa asawa mo na na-inlove sa isang boyish na katulad mo." Aniya ni mommy mas naguluhan naman ako.
Ang alam ko lang ay boyish before si tita pero hindi ko alam na pati si Mommy. "Mukhang naguguluhan ang mga anak natin." Sabat naman ni Tito na nakayakap mula sa likod ni Tita ang cute nila tignan parang teenager pa rin sila.
"Well mga anak ,ikwento ko sa inyo kung paano." Sabi ni tita.
"High school kami ng maging mag-bestfriend kami ng mommy ni alessia parehas kami boyish alam niyo yun mga gegeng ang style mga emo girl kaya nagkakaintindihan kami like people around us are judging me and tianna. Pero nang mag-college kami roon pumasok ang Daddy mo Laurence, nagpatulong siya sa 'kin na mapalapit kay Tia that time wala talaga akong balak na tulungan siya pero nagmakaawa siya kaya tinulungan ko siya tsaka nag-offer siya ng pera eh that time pinarurusahan ako ni Mommy, naka deactivate ang card ko," ngumiti si Tita saka sabay silang tumawa ni Mommy si Daddy naman ay inilapit ang upuan sa tabi ni mommy at inihiling ang ulo balikat ni mommy.
"Then, si Tia naman ay bigla nalang binalita sa'kin na nagkagusto raw siya sa lalaki which is si Dave and that time, may girlfriend si dave sa pagkakaalam ko kaya si Tia ay always broken." Tumatawang dagdag ni Tita nilingon ko naman si Mommy na ngumuso ng dahil sa huling sinabi ni Tita tumawa naman si Daddy.
"Tapos ako naman wala akong pakialam sa lalaking 'to" Tinuro niya si Tito na nakayakap mula sa likod. "Inaabot ko ang bulaklak, chocolate, tsaka mga regalong pinapabigay niya kay tia tapos bigla ko malalaman ang baliw mong mommy alessia ay nanliligaw kay Dave as in nagulat talaga ako kasi alam ko may girlfriend 'yung tao pero sabi naman ni Tia break na raw saka siya pumasok kaya hindi ko na siya pinigilan. Simula nang malaman ko 'yun ay pinapatigil ko na si Lerton eh kaso may inamin ang gagong lalaking 'to." Umiling si Tita pero hindi pa rin nawawala ang ngiti sa labi.
Napalingon naman ako kay Laurence na nasa tabi ko naramdaman ko kasi na kinuha niya ang isang kamay ko saka pinisil-pisil ang mga iyon.
Mahilig talaga siya hilutin ang kamay ko.
"Gusto raw niya manligaw sa 'kin dahil na-fall na raw siya sa 'kin, sinabi ko naman na man hater ako at ng time na 'yun may iba akong gusto, kaya masasabi ko sa kan'ya nagmana si Laurence, dahil napaibig ka ng anak ko."
BINABASA MO ANG
I'm Into You (COMPLETED)
RomanceChasing Series #2 Alessia Kitianna Valdez is a bisexual, at first she is being confused, when she was in elementary she only attracted to men, when she turned into highschool, she's asking herself, what is her sexuality? Because she had a feelings...