TW: S*XUAL H*RASSMENT
"Liya, intindihin mo 'yung bisita ko sa kwarto nilalagnat." Utos ko, tumungo naman siya at umalis kaya pumunta na ako sa storage room para humanap ng damit, sa pagkakaalam ko may mga damit doon. Siguro naman may kakasya T-shirt para sa lalaking 'yon.
Nang bumagsak si Laurence sa kama kanina ay hindi na 'to kumibo dinaig pa ang lasing.
Nang wala ako makita damit ay naglakad ako papunta sa mga tao sa likod ng bahay kung saan nakatambay at nagtratrabaho ang mga tauhan namin nang makita ko si Dein na tahimik na inaayos ang mga mais na nakuha nila ay dali-dali ako lumapit sa kan'ya.
Kita ko ang gulat sa mata niya ng makita niya ako dito, sino naman 'di magugulat halos tatlong taon na ako hindi dumadalaw sa farm na ito.
"Dein, pwede makiusap?" Tanong ko agad, agad naman din siyang tumungo at inayos muna ang kan'yang mga mais na hawak at tumayo nang deretsyo.
"Ano po 'yun, Señyorita?"
Kumunot naman ang noo ko, ayoko talaga tinatawag akong Señyorita pero wala ako magagawa sinanay sila ni Mommy na gano'n daw ang itawag sa 'kin dahil amo rin daw nila ako."Bili mo naman ako ng damit sa mall pang-lalaki, underware, t-shirt and jogging pants, sa T-shirt siguro XL sa Pants XL nalang din underware hindi ko sigurado bilhin mo nalang size L-XXL." Sambit ko tungo lang ang sinagot niya kaya ngumiti ako at kumuha ng five thousand sa wallet. Hindi payat si Laurence hindi rin malaki iyong katawan niya iyong parang tao sa GYM na swak lang.
"Iyo na ang sukli." Dagdag ko bago siya tinalikuran at naglakad na pabalik ng bahay.
Pagkapasok ko pa lang ng bahay ay agad sa 'kin sumalubong si Nanay Linda na may dalang telephone.
"Mama mo." Saad niya saka binigay sa'kin ang hawak niya at naglakad na paalis.
"Hello, mom." Sabi ko, pero malakas na irit ang narinig ko. Nangyari?
"Omg ka, Alessia!"
"Mom..."
"Anak, may lalaki kang kasama? Sino 'yun boyfriend mo?" Sunod-sunod niya tanong lihim akong umirap saka pinagkatitigan ang pinto ng kwarto ko na nakaawang.
"Hindi, schoolmates ko lang, Mommy." Sagot ko habang patuloy sa paglalakad hanggang sa marating sa pinto ng kwarto ko nakaawang.
Sumilip ako sa nakaawang na pinto at halos naningkit ang mata ko sa nakita kong ginagawa ni Liya kay Laurence, hindi ko alam sa sarili ko bakit ako nakakaramdam ng inis kaya marahan ko binuksan ang pinto at binaba ang tawag. Nilapag ko ang telephone sa drawer na nasa tabi lang ng pinto at marahan naglakad palapit sa kama na hindi naramdaman ni Liya dahil busy siya pag-papantasya ng katawan ni Laurence.
"Ang sabi ko ay initindihin mo. Hindi ko sinabi na pag-pantasyahan mo at manyakin mo." Napatayo siya sa gulat ng magsalita ako mula sa likod niya. Walang emosyon ang mukha kong tumingin ako kay Laurence na walang pang-itaas saka lumingon kay Liya na nakayuko ngayon dahil sa hiya. Bastos na ito, akala yata siguro nito porket lalaki si Laurence pwede niya na gawin ang bagay na iyon, hindi ko nga hubadan ang lalaking iyon tapos gagawin niya, napaka bastos. Nilingon ko si Liya na hiyang-hiya na nakatayo, dapat lang mahiya siya, kitang-kita ko handa na niya halikan si Laurence eh walang kamalay-malay iyong lalaki.
"Alam kong malandi ka, pero 'wag mo isali ang lalaking 'to sa mga biktima mo, pwedeng-pwede kita kasuhan ng sexual harassment dahil sa ginawa mo..." Seryoso ko sabi hindi siya umimik nanatili siyang nakayuko kaya hinakbang ko ang kaunting pagitan namin. "Tumingin ka sa 'kin." Utos ko hindi agad siya sumunod. Marahan ako umirap saka umayos nang tayo.
"Tumingin ka sabi sa 'kin!" Inis kong sigaw, kaya kahit kinakabahan siya ay tumingin siya sa 'kin.
Mapula-pula na ang mga mata niya nagbabadyang iiyak na siya. Pero woaa akong pakialam sana inisip niya ginagawa niya bago siya nag-iinarte ng ganito. "Alam kong nilandi mo na halos lahat mga lakaki rito sa farm namin, hinayaan ko 'yun kasi ano bang pakialam ko sa inyo kung malandi ka malandi ka?" Saad ko saka siya sinamaan nang tingin agad naman siya nag-iwas. "Pero ang pakialaman ang pag-aari ko ay hindi ako makakapayag. Anak ka ni nanay linda kaya pinapayaan kita pero this time hindi na pwede sa 'kin ang gan'yan, tsaka gago ka ba? Walang kamalay-malay iyang tao babastusin mo? Mamanyakin mo? Hindi mo ba alam na harassment iyang gagawin mo." Dagdag ko pa saka bahagyang lumayo.
"Lumayas ka sa lugar na 'to." Mahinahon kong utos.
"Hindi pwede..." Saad niya tinaasan ko naman siya ng kilay.
"Bakit hindi pwede?" Tanong ko, "Akin 'to at sa akin nakapangalan ang lupang inaapakan mo." Pagtataray ko. "Lumayas kana." Utos ko ulit pero umiling siya.
"This is my property so get out!" Sigaw ko saka tinuro ang pinto. "At ang lalaking binastos mo ay pag-aari ko, lumayas ka ngayon din bago kita masampal pa."
"My property is my property, mine is mine."
Nakita kong umirap si Liya patago, saka mabilis naglakad sa pinto ng makalabas siya ay agad ko sinarado ang pinto ng kwarto ko at lumingon kag llLaurence.
"Tignan mo ano'ng ginawa mo sa'kin lalaki ka. Pinag-aalala mo 'ko kahit hindi naman dapat ako nag-alala sa'yo, tapos inaangkin kita kahit hindi naman kita gusto, the fuck."
Padabog ako pumunta sa closet ng kwarto ko at kumuha nang itim na oversize shirt at isang gray na jogging pants.
Pagkatapos ko magpalit ng damit ay agad ako pumunta sa maliit na table sa tabi ng kama ko, at kumuha doon ng ipit. Inipit ko ang buhok ko sa messy bun na style akmang lalakad na sana ako papunta sa study table ko ng may bigla kumatok sa pinto.
Bumuntong hininga muna ako saka marahan naglakad papunta sa pinto.
Pagkabukas ko ng pinto ay agad na sumalubong sa 'kin si Dein na may dalang paperbag ngumiti ako at kinuha ang mga paperbag saka sinarado ang pinto.
Binalikan ko si Laurence na natutulog pa rin na nakabalot sa kumot ko.
Marahan ako naupo sa tabi niya saka siya tinapik-tapik.
"Oy gising," Slsabay alog ko marahan naman niya dinilat ang mata niya saka malaking ngumiti sa 'kin. "Magbihis kana, kakain na tayo ng hapunan." Sabi ko saka binaba ang paperbag sa ibabaw niya at naglakad palabas ng kwarto.
Agad ko naman kinuha ang phone ko sa bulsa ko ng tumawag sa 'kin si Naila.
"Hello?" Sagot ko habang patuloy sa paglalakad pa punta sa kusina, para tignan kung may pagkain na ba.
Hindi ako marunong magluto kaya tatanongin ko si Nanay Linda kung nakapagluto na siya.
"Nasaan ka? Alam mo ba trip ka talaga nung prof niyong bago." Daldal niya ngumisi naman ako, alam ko naman 'yun kaya nga 'di ako na attend masyado sa klase ng lalaking 'yun, at kapag hindi niya ako pinasa kahit ginagawa ko naman ang mga pinapagawa niya lagot siya sa 'kin. Akala niya siguro hindi ko alam ang galawan na ginagawa niya.
"Nandito sa farm namin, bakit?" Balik kong tanong.
"Wala naman, yayain sana kita mag-bar." Sagot niya, bar na naman 'di naman ako mahilig uminom. Bumuntong hininga ako saka chineck ang mga kaldero sa kusina ng makitang may luto na naman ay naglakad nalang ako papunta sa sala.
"Naila may aaminin ako sa 'yo." Mahinahon ang boses kong sabi, I think this is the right time para sabihin sa kan'ya ang totoo. Almost three years ko rin tinago sa kaniya ang totoo ako, and this time I will introduce myself to her, ang totoong ako.
"Ano 'yon?" Tanong niya, halata sa boses niya ang pagtataka.
"I'm not straight, I'm bisexual and I liked you." Pag-amin ko hindi siya umimik agad halos inabot kami ng limang minuto bago siya nag-salita.
"W-What?"
"But... It's all before, because... I think, I'm liking someone else and this time... It's a man not a woman..."
BINABASA MO ANG
I'm Into You (COMPLETED)
RomanceChasing Series #2 Alessia Kitianna Valdez is a bisexual, at first she is being confused, when she was in elementary she only attracted to men, when she turned into highschool, she's asking herself, what is her sexuality? Because she had a feelings...