28th Slipped

54.5K 1.3K 49
                                    

Slipped

Taken

I informed him about my work earlier. Ngayon lamang siya naka-reply at kino-congratulate ako.

Ako:

Ililibre kita sa unang sweldo ko.

Ang sunod niyang reply ay noong gabi na. Maaga na sana akong matutulog para sa unang araw ng aking trabaho kaso natanggap ko ang text niya. Nawala tuloy ang aking antok.

Ashton Grey:

Save it, Chey.

Mabilis akong nagreply at nagbabaka-sakaling maabutan ko pa siyang hawak ang kanyang cellphone.

Ako:

Ayos lang. Wala naman akong naiisip na bilhin.

Tinitigan ko ng matagal ang aking cellphone. I was hoping he'll reply more pero noong matagalan ay ibinaba ko nalang ang aking cellphone. I was about to close my eyes when my phone rang for his call!

Napabangon ako sa higaan at mabilis iyong dinampot para sagutin. Ang bilis ng kalabog ng aking dibdib. Wala siyang ginagawa? He's not busy? Or maybe he's already resting?

"Hello," paos na boses ni Grey ang sumalubong sa kabilang linya.

Parang naputol ang aking paghinga nang marinig ang kanyang boses. Pumikit ako at marahang natawa.

"Hello, Grey..."

Grey chuckled, too. "So you got a job?"

"Oh, yes! Bukas ako magsisimula. Kabado pero excited at the same time." Niyakap ko ang mga binti at ipinatong ang baba sa magkadikit na tuhod.

"You seemed excited with your first work. Congrats..." he drawled.

"Thanks..." Ngumuso ako at pinipigilan na lamang ang ngiti sa aking labi.

Grey sighed. He seemed so tired. I sighed, too. Hindi dahil pagod din ako kundi dahil sa pangungulilang unti-unting napupunan pero parang aapaw na naman. Gusto ko mang pigilan ang pag-agos ay kusa iyong umaapaw sa sarili kong kamay. The more I tried to contain it, the more my feelings overflowed.

We just talked about random things until eleven. Hindi kami gano'n katagal nag-usap lalo na't pinatulog niya rin ako para maagang magising sa aking trabaho.

But before our call ends, I told him about my undying feelings for him. I think he needs to know it. Hindi ko rin alam kung ano ang aking nakain para sabihin iyon pero gusto ko lang na malaman niya na hanggang ngayon ay pinanghahawakan ko pa rin ang pangako namin bago naghiway.

"I think I'm ready this time..." I whispered, sapat lamang na marinig niya.

Hindi agad siya nakapagsalita pero alam kong may ideya siya sa aking tinutukoy.

"I'm still inlove with you..."

He remained silent. Mukhang nakikinig lamang lalo na't naririnig ko rin ang kanyang paghinga. Kinabahan ako bigla. Parang binuhusan ng asido ang aking puso sa isang posibilidad na pwedeng mangyari sa kalagitnaan ng paghihintay.

It wasn't a rush decision to informed him about my feelings. Hindi ko rin naman sinasabing ligawan niya na ulit ako kung iyon man ang kanyang iniisip. I just want him to know that I still remember our promises. I want him to know that I'm still here. Kung ayaw niya muna, papayag naman ako. Pero gusto kong malaman niyang handa na ako. Gusto kong malaman niya na susubukan ko na sa oras na 'to.

S L I P P E D (NGS #7)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon