42nd Slipped

79K 2.4K 1.1K
                                    

Slipped

Ours

"Ma'am ako na po ang magmamaneho," alok ni Mang Edwin nang makitang nanginginig na ang aking kamay nang kinuha ko ang pitaka at susi ng kotse habang lumalabas at akay akay pa rin si Rousseau.

Sobra siyang mabigat kaya tinulungan pa ako ng bodyguard na ipasok ito sa backseat na sobra pa ring namimilipit.

"Buti pa po, Mang Edwin," sabi ko at ibinigay sa kanya ang susi.

Mas mabuting siya ang magmaneho dahil baka sa taranta ko ngayon ay kaming dalawa pa ng aking anak ang kailangang isugod sa hospital.

"Rousseau... what's happening to you?" tanong ko habang tinitingnan siyang nakahiga sa aking bisig, ang mga paa ay namahinga sa upuan at yakap yakap pa rin ang tiyan.

"Papa..." aniya habang hindi na halos makatingin ng deritso.

"Mang Edwin, p-paki bilisan po!" sigaw ko sa sobrang takot.

"Heto na po, Ma'am..." si Mang Edwin na agad lumagpas sa 60 speed ang pagmamaneho.

Muling nalaglag ang tingin ko kay Rousseau. Nasa huwisyo pa rin ito ngunit ang kanyang pamumutla ay mas lalong lumalala.

"My head hurts!" Mariin siyang pumikit at hinabol ang paghinga.

"Rousseau naman! Pinapakaba mo ako!" Bumubuhos na ang aking luha nang kinalkal ang laman ng aking bag. Sa pagmamadali ay nalaglag pa lahat ng laman no'n nang mahulog ito.

I have no time to put each things inside my bag. Nang makita ang pitaka kung saan ko naalalang inilagay ang calling card na bigay ni Grey ay mabilis ko na iyong dinampot.

"Papa..." Rousseau cried.

"We'll go to your Papa, okay!" sabi ko habang iniisa isa sa pitaka ang card na naroon.

Gumalaw ang kanyang ulo at muling nasuka sa aking paanan.

"Mang Edwin, si Rousseau po! P-Pakibilisan!" I cried harder, nanginginig na ang kamay nang ibinalik ang ulo ng aking anak sa aking bisig para pahigain ng maayos.

"Don't do this to Mama, Rousseau... Y-You're making me worried!" Niyakap ko siya.

"P-Papa..." Muli niyang iyak at hinawakan ang aking bisig.

Nang muling maalala ang gagawin ay muli kong binalikan ang pitaka at hinanap ang calling card ni Grey. Gano'n nalang ang tuwa ko nang makita ko iyon at mabilis na inilabas. Agad kong kinuha ang cellphone sa may paanan na nasama sa pagkakalaglag at medyo nabasa ng kaonti sa suka ni Rousseau. Wala na akong oras para alalahanin pa iyon at deritso na sa pagtipa ng numero na bigay ni Grey.

I trembled hard while typing each number. Pasulyap sulyap pa ako sa aking anak na patuloy pa ring namimilipit sa sakit at mukhang hilong hilo.

I abruptly called the number and placed it on my ear. Naamoy ko saglit ang suka ni Rousseau but it's not my main concern anymore.

"H-Hello, Grey! I-I need your help please! Si Rousseau-"

"Hello... This is Elaiza, his girlfriend. Who's this?" putol ni Elaiza sa aking tinig na ikinasinghap ko.

Damn it! Wala akong oras para sa kanya!

"Where's Grey? I need to talk to him!" sigaw ko nang maghari na ang galit sa akin.

"It's already ten. He's leaving the hospital right now. Stop calling my boyfriend's number please. Oras na ng kanyang pahinga-"

"Give the damn phone to Grey, you bitch! Hindi ikaw ang gusto kong kausap!" I shouted angrily.

S L I P P E D (NGS #7)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon